backup og meta

Karaniwang Sakit sa Bato: Anu-ano ang mga Ito?

Karaniwang Sakit sa Bato: Anu-ano ang mga Ito?

Alam mo bang pampito (7th) ang mga karaniwang sakit sa bato sa nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga tao sa bansa? Sa katunayan, ang chronic kidney disease o CKD sa Pilipinas ay isang seryosong problema sa kalusugan.

Sa kabila nito, hindi alam ng karamihan sa mga tao ang mga karaniwang sakit sa bato, at paano ito maiiwasan. Ang kakulangan sa kaalaman ang nag-aambag sa pagtaas ng pagkakaroon ng sakit sa bato tulad ng CKD, sa Pilipinas.

Ano-ano ang karaniwang sakit sa kidney sa bansa?

Seryosong usaping pangkalusugan ang mga sakit sa bato. Bagaman hindi ito kasintaas ng dami ng namamatay kumpara sa sakit sa puso, matindi ang maaaring maging epekto ng pagkakaroon ng pinsala sa bato sa kalidad ng buhay ng sinuman. Maaari din itong mauwi sa maraming komplikasyon na nakakaapekto sa iba pang bahagi ng katawan.

Bukod dyan, pagdating sa pahuling yugto ng sakit sa bato, kadalasang bahagi na ng gamutan ang dialysis. Napakamahal ng dialysis, at maaaring sobrang nakakapagod ang prosesong ito para sa pasyente.

Ito ang dahilan kung bakit mahalagang alam mo ang mga karaniwang sakit sa bato upang maaga kang makagawa ng mga hakbang para mapababa ang panganib ng mga sakit na ito.

Kidney Stones

Maaaring pinakakaraniwang sakit sa bato sa bansa ang kidney stones o ang pagkakaroon ng bato sa bato. Posibleng milyon-milyong Pilipino ang may kidney stones nang hindi nila nalalaman.

Dahil ito sa katotohanang hindi gaanong nasusuri ang pagkakaroon ng kidney stones, at hindi lahat ng tao sa Pilipinas ay may doktor na titingin para sa mga sintomas nito.

Kadalasang hindi napapansin ang kidney stones hanggang sa magsimula na itong magdulot ng bara sa bato. Sa puntong ito, nagsisimula na itong magkaroon ng pamamaga na napakasakit.

Sa paglipas ng panahon, maaaring dumaan sa kidney ang mga kidney stone, ngunit napakasakit nito dahil lumalabas ito sa urethra ng isang tao.

Gayunpaman, maaaring magkaroon ng sepsis, pinsala sa ureter, o impeksyon kung hindi magagamot ang kidney stones.

Dagdag pa, isa ring dahilan ang chronic kidney stones ng CKD, na mas seryosong problema sa kalusugan.

Chronic Kidney Disease (CKD)

Ang CKD ay isang kondisyon kung saan unti-unting tumitigil sa paggana ang kidney ng isang tao. Ang unang mga sintomas ng CKD ay kadalasang hindi kapansin-pansin, at madalas ding nalalaman na may CKD ang isang tao kapag malala na.

Kapag napabayaan ang CKD, maaari itong magdulot ng renal failure at pagkamatay. Gayunpaman, karamihan sa mga yugto ng CKD ay hindi na nagagamot. Ang ginagawa na ng mga doktor ay gamutin ang mga kondisyon na nagdudulot ng CKD (tulad ng impeksyon, pagbabara, sakit sa puso o diabetes) upang mapabagal ang paglala nito.

Kadalasan, ang pagbibigay pansin sa mga sintomas ng CKD at pagbabago sa diyeta ay makakatulong upang mapabagal ang paglala ng sakit na ito. Maaari ding magbigay ng mga gamot ang doktor upang matulungang maprotektahan ang mga bato mula sa iba’t ibang kondisyon at mapabagal ang paglala ng CKD.

Pwedeng magdulot ng matinding epekto sa kalidad ng buhay ng isang tao ang pagkakaroon ng CKD, at napakagastos para sa ilang pasyente na kailangang sumailalim sa dialysis dalawa hanggang tatlong beses kada linggo, lalo na sa panghuling mga yugto nito.

Kaya naman mahalagang gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang CKD sa una pa lang.

karaniwang sakit sa kidney

End-stage renal disease

Ang end-stage renal disease ang huling yugto ng CKD. Napinsala na ang mga bato ng taong may CKD sa puntong hindi na ito gumagana. Kaya ang natitirang mga opsyon para dito ay sumailalim sa tuloy-tuloy na dialysis, o sa kidney transplant.

Bagaman nakakaligtas ng buhay ang dialysis, malaki ang demanda nito sa kalusugan ng tao. Ang bawat sesyon ng dialysis ay nasa 6 na oras, at kabilang dito ang pagkokonekta ng ugat ng pasyente sa dialysis machine upang masala ang kanyang dugo.

Sa mga taong may end-stage renal disease, kailangang gawin ang dialysis nang hindi bababa sa 3 beses kada linggo upang matiyak na walang lason ang nagsisimulang mabuo sa kanilang dugo. Mas mahigpit din ang kanilang diyeta dahil malaki ang maaaring epekto ng pagkain sa kanilang kalusugan.

Dialysis vs. Kidney Transplant

Sa ilang pagkakataon, hindi na sapat ang dialysis para sa mga taong may end-stage renal disease. Hindi lang dahil nakakaapekto na ito sa kanilang pang-araw-araw na buhay, kundi dahil napakamahal ng dialysis. Kaya’t may mga taong mas pinipili ang kidney transplant.

Gayunpaman, may problema ring haharapin ang pagsasagawa ng kidney transplant. Una, kailangang humanap ng pasyente ng tamang donor na may malusog na kidney na pwedeng i-donate.

Hindi palaging mayroong donors, kaya’t kailangang mailagay sa waitlist ang pasyente, at kailangan ding sumailalim sa ilang sesyon ng dialysis pansamantala. Sa oras na makahanap na ng tamang donor, kailangang malusog ang katawan ng pasyente, sapat upang sumailalim sa transplant surgery.

Panghuli, kailangang uminom ng mga gamot ang taong may transplanted na bato upang maiwasan ang pagtanggi nito. Ang ganitong klase ng gamutan ay kailangang gawin habambuhay, kundi, maaaring tanggihan ng katawan ang kidney.

Posible ring tanggihan agad ng katawan ang bato. Ibig sabihin, kailangang maghanap ng panibagong donor ang pasyente.

CKD sa Pilipinas

Sa Pilipinas, isang seryosong usapin ang CKD. Unti-unting tumataas ang bilang ng mga Pilipinong may CKD. At hindi lahat sa kanila ay kayang magpagamot.

Sa ngayon, higit 7,000 Pilipino ang sumasailalim sa dialysis, at marami pa rin ang hindi magawa ito. Pagdating sa kidney transplant, libo-libo ang nasa listahan ng naghihintay ng tamang donor. 400 lamang ang naisasagawang transplant kada taon.

Ang pinakamabuting puwedeng gawin para sa iyong mga kidney ay manatiling malusog. Ang hypertension at diabetes ang dalawang pinakamalaking dahilan ng CKD.

Kaya’t sa paggawa ng mga hakbang upang maiwasan ang mga ganitong kondisyon, napabababa mo rin ang panganib na magkaroon ka ng mga karaniwang sakit sa bato.

Matuto pa tungkol sa urological health dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kidney Health Plus, https://www.nkti.gov.ph/index.php/patients-and-visitors/kidney-health-plus#:~:text=One%20Filipino%20develops%20chronic%20renal,are%20on%20renal%20replacement%20therapy., Accessed July 8 2020

Kidney Health Plus, https://www.nkti.gov.ph/index.php/patients-and-visitors/kidney-health-plus#:~:text=Kidney%20diseases%2C%20especially%20End%20Stage,per%20million%20population%20per%20year., Accessed July 8 2020

The state of kidney disease in the Philippines: Preventable, treatable, but lacking in donors, https://today.mims.com/the-state-of-kidney-disease-in-the-philippines–preventable–treatable–but-lacking-in-donors, Accessed July 8 2020

Filipino ‘‘Kulinarya’’ Cuisine and Chronic Kidney
Disease, https://www.jrnjournal.org/article/S1051-2276(14)00075-2/pdf, Accessed July 8 2020

Expert warns: 12% yearly rise in kidney disease among Pinoys | Philippine Information Agency, https://pia.gov.ph/news/articles/1008722, Accessed July 8 2020

WHO | The global burden of kidney disease and the sustainable development goals, https://www.who.int/bulletin/volumes/96/6/17-206441/en/, Accessed July 8 2020

Chronic kidney disease – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/chronic-kidney-disease/symptoms-causes/syc-20354521#:~:text=Chronic%20kidney%20disease%2C%20also%20called,then%20excreted%20in%20your%20urine., Accessed July 8 2020

End-stage renal disease – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/end-stage-renal-disease/symptoms-causes/syc-20354532, Accessed July 8 2020

Kasalukuyang Version

07/23/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Kidney Health: Pagkain para sa Kidney

5 Sintomas Na May Bato Ka Na Sa Iyong Kidney, Ayon Kay Dr. Ong!


Narebyung medikal ni

Elfred Landas, MD

General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement