Sintomas ng mababang potassium ba ang fatigue, problema sa panunaw, at madalas na pag-ihi? Kailangan mo ng potassium para mapanatiling gumagana nang maayos ang iyong mga kalamnan, nerves at puso. Ito ay mahalaga para sa isang malusog na digestive system at kalusugan ng buto. Ang mababang antas ng potassium ay maaaring makaapekto sa mahahalagang paggana na ito sa iyong katawan. Sa paglipas ng panahon ay may hindi magandang epekto sa iyong katawan ang mababang antas ng potassium tulad ng mga sumusunod:
- Abnormal na ritmo ng puso
- Panghihina ng kalamnan
- Paralisis
Ang potassium ay isang electrolyte. Ito ay mga mineral na nagdadala ng electric charge kapag natunaw ang mga ito sa mga body fluids. Ang iyong katawan ay nangangailangan ng potassium upang gumana ng tama ang mga selula, kalamnan at nerves. Inaalis ng kidneys ang labis na potassium sa pamamagitan ng iyong ihi. Mahalaga ito upang mapanatili ang tamang balanse ng mineral sa iyong katawan.
Ang normal na antas ng potassium ay mula 3.5 hanggang 5.2 mmol/L. Nangyayari ang potassium deficiency kapag ang antas ng potassium sa iyong dugo ay mas mababa sa 3.5 mmol kada litro. Sa medikal na komunidad, ito ay kilala bilang hypokalemia.
Sintomas ng mababang potassium: May mga nararamdaman ka ba sa mga sumusunod?
Ang potassium ay may mahalagang papel sa pag-regulate ng rate ng iyong puso. Kung ang mga antas ay masyadong mababa, maaari itong humantong sa hindi regular na tibok ng puso na kilala bilang heart arrhythmia. Maaaring maging tanda ito ng isang malubhang kondisyon ng puso. Ang pagdaloy ng potassium sa mga cells ng puso ay tumutulong sa pag-regulate ng tibok nito. Maaaring magbago ang daloy nito kapag bumaba ang antas ng potassium. Humingi ng agarang medikal na atensyon kung mapapansin mo ang anumang abnormal na pagbabago sa tibok ng iyong puso,.
[embed-health-tool-heart-rate]
Sintomas ng mababang potassium: Weakness and fatigue
Ang kahinaan at pagkapagod ay kadalasang mga unang palatandaan ng kakulangan sa potassium. Tumutulong ang potassium sa pag-regulate ng mga contraction ng kalamnan. Kapag ang antas nito sa dugo ay mababa, ang iyong mga kalamnan ay gumagawa ng mas mahinang mga contraction. Ang kakulangan sa mineral na ito ay maaaring makaapekto sa kung paano ginagamit ng iyong katawan ang mga sustansya. Dahil dito ay maaaring madali kang mapagod.
Isa pang halimbawa, ang ilang ebidensya ay nagpapakita na ang kakulangan sa potassium ay maaaring makapinsala sa produksyon ng insulin. Maaari itong magresulta sa mataas na blood sugar level. Dahil dito ay hindi gaanong nagagamit ang glucose na gumaganap bilang enerhiya para sa iyong mga selula.
Panghihina ng kalamnan at pulikat
Isang sintomas ng mababang potassium ang cramps. Ang potassium ay tumutulong sa pagsisimula at paghinto ng mga contraction ng kalamnan. Kapag mababa ang antas ng potassium sa dugo ay maaaring makaapekto sa balanseng ito. Nagiging sanhi ito ng hindi nakokontrol at matagal na mga contraction na kilala bilang cramps. Ang potassium ay tumutulong sa paghatid ng mga signal mula sa iyong utak patungo sa skeletal muscles upang pasiglahin ang mga contraction. Nakakatulong din itong tapusin ang mga contractions sa pamamagitan ng pag-alis sa mga selula ng kalamnan.
Kapag mababa ang antas ng potassium sa dugo, hindi maipahatid ng iyong utak ang mga signal na ito nang kasing epektibo. Nagreresulta ito sa mas matagal na mga contractions na nagpapalala sa muscle cramps. Maaring magkaroon ng cramps kapag may matinding hypokalemia na mas mababa sa 2.5 mmol/L ng potassium. Sa mga bihirang kaso, ang matinding hypokalemia ay maaari ding maging sanhi ng rhabdomyolysis. Ito ay isang mapanganib na kondisyong medikal. Kinasasangkutan ito ng pagkasira ng tissue ng kalamnan na naglalabas ng nakakapinsalang protina sa dugo. Posibleng humantong ito sa pagkasira ng organ.