Kabilang ka rin ba sa populasyon ngayon na madalas na nakararanas ng iba’t ibang klase ng sakit ng katawan? Ating alamin kung bakit laganap ang pagkakaroon ng masakit na leeg at balikat sa panahon ngayon.
[embed-health-tool-bmr]
Kabilang ka rin ba sa populasyon ngayon na madalas na nakararanas ng iba’t ibang klase ng sakit ng katawan? Ating alamin kung bakit laganap ang pagkakaroon ng masakit na leeg at balikat sa panahon ngayon.
[embed-health-tool-bmr]
Ang pananakit na nararamdaman sa bahagi ng balikat ay maaaring nagmumula sa iyong leeg. Ito ay dahil ang mga ugat at muscles mula sa iyong leeg ay dumadaan sa iyong balikat pababa sa iyong braso. Naglalakbay din pababa sa iyong braso ang mga ugat mula sa iyong leeg (nerve roots) sa pamamagitan ng brachial plexus. Kung kaya, ang pananakit ng leeg ay maaaring magpatuloy papunta sa iyong mga braso.
Karaniwang karanasan ang pagkakaroon ng masakit na leeg at balikat. Sa katunayan, marami ang maaaring maapektuhan nito sa isang punto ng kanilang buhay.
Mayroong iba’t ibang posibleng dahilan ng naturang pananakit, at iminumungkahi ng mga pag-aaral na ang parehong pisikal at psychosocial na mga kadahilanan ang maaaring magdulot nito.
May mga pagkakataon kung saan maaari kang makatulog sa pinaka-awkward na posisyon.Kapag ang mga muscles sa paligid ng leeg ay nairita dahil sa iyong posisyon sa pagtulog, maaari mahirapan ikutin ang iyong ulo. Ito ay isang kondisyon na kinikilala bilang torticollis.
Ang mga gawaing bahay, panloob man yan o panlabas, ay kadalasang nagsasangkot ng paulit-ulit na paggalaw. Higit pa rito, ang labis na paggamit muscles, tendons, at nerves ay maaaring magdulot ng masakit na leeg at balikat.
Kabilang ang mga sumusunod sa mga gawaing bahay na tila hindi nakakapinsala sa una ngunit kalaunan ay mararamdaman ang pagsakit ng katawan:
Sa paggawa ng mga ito araw-araw, maaaring magkaroon ng awkward stretches at mabigat na pag-angat na maaaring magpahirap sa iyong leeg at balikat. Sa paglipas ng panahon, ang pag-twist, pagyuko at pag-abot ay maaaring humantong sa iba’t ibang mga isyu mula sa maliliit na pananakit hanggang sa mga pangmatagalang kondisyon.
Bilang magulang, kabilang sa pangaraw-araw mong gawain ang makipaglaro sa iyong anak. Ngunit alam mo ba na ang pakikipaglaro ay maaaring magdulot ng pananakit ng leeg at balikat? Ang isang hapon ng paulit-ulit na pagyuko ay maaaring magdulot ng muscle tension at joint strain. Ito rin ay maaaring humantong sa paninikip at pananakit ng iyong leeg at balikat.
Ayon sa mga testimonya mula sa iba’t ibang tao, nagsimula ang kani-kanilang mga reklamo tungkol sa masakit na leeg at balikat 2 taon na ang nakalilipas.
Kung iisipin, hindi nga naman maitatanggi ito marahil noong lumipat ang buong mundo sa WFH set-up (work-from-home set-up) ay marami sa atin ang gumugugol ng ating mga araw ng trabaho na:
Dahil dito, naging laganap ang pagtawag sa naturang kondisyon bilang text neck syndrome o tech neck. Ito ay karaniwang natutukoy at naiuugnay buhat ng hindi angkop na paggamit ng mga gadgets.
Higit pa rito, ang mga tao ay maaari ring magreklamo na masakit ang leeg at balikat buhat ng mental stress. Ang mga high-strain na trabaho ngunit mababa ang awtoridad ay may kaugnayan sa pananakit ng leeg at balikat ng ilang tao. Kapansin-pansin din na ang isang katulad na kaugnayan ay natuklasan sa mga manggagawang may mga trabahong nagtatampok ng mataas na pangangailangan at mataas na kontrol.
Alamin ang iba pa tungkol sa orthopedics dito.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Is Your Shoulder Pain Actually a Neck Problem?, https://health.clevelandclinic.org/is-your-shoulder-pain-actually-caused-by-a-neck-problem/ Accessed June 9, 2022
Neck Pain, https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/21179-neck-pain Accessed June 9, 2022
Neck pain, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/neck-pain/symptoms-causes/syc-20375581 Accessed June 9, 2022
5 possible causes of neck and shoulder pain, https://www.northwell.edu/orthopaedic-institute/specialties/shoulder-elbow/expert-insights/five-possible-causes-of-neck-shoulder-pain Accessed June 9, 2022
The 7 faces of neck pain, https://www.health.harvard.edu/pain/7-faces-of-neck-pain Accessed June 9, 2022
TMJ disorders, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/tmj/symptoms-causes/syc-20350941 Accessed June 9, 2022
Text Neck Syndrome in Children and Adolescents – Daniela David, Cosimo Giannini, Francesco Chiarelli, and Angelika Mohn, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7914771/ Accessed June 9, 2022
Kasalukuyang Version
07/24/2023
Isinulat ni Fiel Tugade
Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD
In-update ni: Lornalyn Austria