Ang trichomoniasis ay kilala rin sa tawag na trich, isang sexually transmitted disease (STD) na nakaaapekto sa milyong mga tao sa buong mundo. Ang pagiging malay sa mga sintomas ng trichomoniasis ay makatutulong sa mga tao na humanap ng lunas at pigilan ang pagkalat ng STD na ito.
5 Karaniwang Sintomas ng Trichomoniasis
Ang Trichomoniasis vaginalis ay isang parasite na responsable para sa trichomoniasis. Ang parasite na ito ay maaaring lumagi sa urinary tract ng mga babae, at sa urethra ng mga lalaki.
Kadalasan sa hindi, ang mga lalaki ay hindi nararanasan ang mga sintomas kung sila ay naimpeksyon. Kadalasan ang mga babae ang nakararanas ng sintomas, sa kabila na ang parasite ay nakai-infect ng parehong mga lalaki at babae.
At sa kabila ng hindi pagkakaroon ng mga sintomas, ang mga lalaki ay maaaring ikalat ang sakit sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Ito ang dahilan kung kaya’t ang sinoman na nakikipagtalik sa maraming karelasyon ay kinakailangan na gumamit ng proteksyon at kailangan na madalas na magpa-test para sa STD.
Narito ang mga karaniwang sintomas ng trichomoniasis
Mabahong amoy na discharge
Isa ito sa pinaka karaniwang sintomas na mararanasan ng taong may trich. Sa tipikal, ang vaginal discharge ay malinaw o milky-white, at walang tiyak na amoy.
Ang discharge ay kadalasan na puti, dilaw, gray, o berde, at kadalasan na mabaho ang amoy. Ang amoy ay kadalasang inilalarawan na “malansa”. Ang ibang mga pasyente ay kadalasang inilalarawan din ang discharge na “mabula,” ngunit nasa 10% lamang ng pasyente ang nakararanas nito.
Maaaring maranasan din ng mga lalaki ang mabahong amoy na discharge. Ito ay kadalasan na sanhi ng pag-aalala dahil tipikal, ang mga lalaki ay walang discharge. At kung mayroon sila, ito ay kadalasang sanhi ng infection.
Trichomoniasis Discharge: Paano Haharapin ang Trich
Pagkairita sa genitals
Isa pang karaniwang sintomas ng trichomoniasis ay iritasyon sa genitals. Ito ay nararamdaman tulad ng mahapdi o masakit na sensasyon, at minsan ay makararamdam ng sobrang kakatihan. Ang mga pasyente ay maaaring makaranas ng pamumula o pamamaga sa kanilang genitals kung infected.
Mainam na iwasan ang pagkakamot dahil ito ay magsasanhi ng skin abrasions na potensyal na lugar ng infection. Ang pinaka mainam na gawin ay humingi ng atensyong medikal sa lalong madaling panahon.
Mahapding pakiramdam sa pag-ihi
Ang ibang mga tao na may trichomoniasis ay nakararanas din ng mahapding pakiramdam kung sila ay umiihi. Ito ay sanhi ng pamamaga ng urethra na sanhi ng parasite. Ito ay minsan na napagkakamalan na urinary tract infection, ngunit hindi rin naman ito uncommon para sa trich na maging sanhi ng UTI.
Ang mahapding pakiramdam ay kadalasan din na mayroon kung ang mga lalaki ay mag e-ejaculate.
Pagdurugo
Posible rin ang trich na maging sanhi ng pagdurugo o spotting sa kababaihan. Ang resulta na ito ay mula sa pamamaga na sanhi ng parasite sa loob ng reproductive tract. Ito rin ay sintomas na madaling malaman, dahil hindi lahat ng mga babae ay nakararanas ng spotting labas sa kanilang menstrual cycle. Sa isang speculum na examination, ang “strawberry cervix” ay maaaring makita sa ibang mga kaso.
Kung nakararanas ng sintomas na ito, magandang ideya na magpakonsulta sa doktor sa lalong madaling panahon. Dahil posibleng lumala ang impeksyon kung hindi magagamot, at maaaring humantong sa mas seryosong komplikasyon tulad ng pelvic inflammatory disease, maging ang pagkabaog.
Masakit habang nakikipagtalik
Panghuli, para sa mga taong may trichomoniasis, ang pakikipagtalik ay masakit na karanasan. Ito ay kadalasang nangyayari sa mga kababaihan, ngunit maaari rin itong maging sintomas ng mga kalalakihang infected ng trich. Tulad ng mga naunang sintomas, ang sakit ay nangyayari dahil sa pamamaga na sanhi ng parasite.
Syempre, ang kahit na anong sakit habang nakikipagtalik ay kinakailangan ng agarang pag-aalala. Kung nakararanas ng ganitong sintomas, mainam na agarang bumisita sa iyong doktor. Maganda rin na ideya na magpa-test sa STD sa lalong madaling panahon at huminto sa pakikipagtalik.
Mahalagang Tandaan
Ang Trichomoniasis ay maaaring karaniwang STD, ngunit hindi ibig sabihin na babalewalain ito. Gumamit ng proteksyon habang nakikipagtalik at magpa-test para sa STDs, lalo na sa mga taong may maraming karelasyon, o kamakailan lamang ay nakipagtalik nang walang proteksyon, upang maiwasan ang STDs.
Alamin ang marami pa tungkol sa Trichomoniasis dito.