backup og meta

Paano Gamutin Ang Trichomoniasis? Alamin Kung Ano Ang Maaaring Gawin Dito

Paano Gamutin Ang Trichomoniasis? Alamin Kung Ano Ang Maaaring Gawin Dito

Ang trichomoniasis ay isa sa mga pinakakaraniwang STD o sexually transmitted diseases. At dahil dito, dapat malaman ng lahat kung paano gamutin ang trichomoniasis, ano ang gamot sa trichomoniasis, maging ang pamamahala at pag-iwas dito. 

Ang impormasyong ito ay hindi lamang nakatutulong sa mga taong may trichomoniasis na gumaling, ngunit pinipigilan din nito ang pagkalat ng naturang sakit.

Ano Ang Gamot Sa Trichomoniasis? Tips Para Sa Pamamahala Nito

Ang trichomoniasis ay isang sakit na hindi basta-bastang nawawala. Nangangahulugan ito na kung hindi ito matugunan nang maayos, ang mga sintomas ay maaaring unti-unting lumala, at tumagal pa ng maraming taon.

Kung ikaw ay nahawaan ng naturang sakit, nagiging carrier ka rin. Maaari mo ring maikalat ang sakit sa iba sa pamamagitan ng unprotected sex, kaya mahalagang matugunan ito kaagad.

Ano Ang Maaaring Mong Gawin Tungkol Sa Trichomoniasis?

Ang unang bagay na kailangan mong gawin pagdating sa gamot sa trichomoniasis ay magpasuri.

Maaaring magkatulad ang mga sintomas nito sa iba pang mga STDs. Sa partikular, maaari itong maging katulad ng gonorrhea at chlamydia.

Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod na sintomas:

Kahit na hindi ka pa nakararanas ng anumang mga sintomas, kung kamakailan ay nakipagtalik ka na hindi protektado o mayroon kang maraming partners, siguraduhing magpasuri. Ito ay marahil posible para sa isang tao na magkaroon ng trichomoniasis, ngunit hindi nagpapakita ng anumang mga senyales o sintomas.

Kapag nakumpirma ng pagsusuri na mayroon kang trich, ang susunod na kailangan mong gawin ay ang pagbisita sa isang doktor. Maaari silang magreseta ng angkop na pamamahala kung paano gamutin ang trichomoniasis. Dagdag pa rito, maaari rin siyang magbigay ng reseta ng mga antibiotics na maaaring inumin.

Maaari itong metronidazole o tinidazole. Ang dosage ay nag-iiba sa bawat tao, ngunit ang mga doktor ay karaniwang nagrereseta ng apat na 500mg na tableta, na dapat inumin nang sabay-sabay. Gayunpaman, mayroon din ilang mga kaso kung saan inirerekomenda rin ng doktor ang pag-inom ng dalawang tablet bawat araw sa loob ng pitong araw. Nararapat na sundin kung ano man ang reseta ng iyong doktor. Huwag kailanmang mag self-medicate.

Lubos na pinapayuhan na kumunsulta sa iyong doktor at ganap na sundin ang kanilang mga tagubilin at iwasang makaligdaan ang angkop na dose para sa iyo.

Habang sumasailalim sa paggamot, iwasan ang pakikipagtalik, gayundin ang pag-inom ng anumang inuming may alkohol. Ito ay dahil maaaring magdulot ito ng mga side effect sa iyong mga antibiotics. 

Para sa anumang pangangati o burning sensation, makatutulong ang paggamit ng over-the-counter medication at pagpapanatiling malinis ang iyong ari.

Pagkatapos ng isang linggo ng paggamot, dapat ganap ka nang gumaling.

Ano Ang Kailangan Mong Gawin Kung Bumalik Ito? 

Ang antibiotic treatment para sa trichomoniasis ay 95% epektibo. Gayunpaman, ang trichomoniasis ay maaari pa ring makaapekto sa mga tao kahit na sila ay gumaling.

paano gamutin ang trichomoniasis

Ito ay maaaring mangyari dahil sa maraming bagay:

  • Hindi mabisa ang paggamot tulad ng nangyayari sa kaso ng antibiotic-resistant trichomoniasis. Ngunit, ito ay napakabihira.
  • Hindi nasunod ng pasyente ang mga tagubilin ng doktor, kaya hindi tumalab ang paraan ng paggamot. 
  • Sumailalim ang pasyente sa unprotected sex, at nagkaroon muli ng naturang impeksyon. 

Sa panahon na bumalik muli ang trichomoniasis, maaari kang humingi muli ng prescription mula sa iyong doktor. Subalit, posibleng kailanganin mo ng uminom ng mas mataas na dosage ng antibiotics, o uminom nito nang higit sa isang linggo.

Kung palagi kang nagkakaroon ng trichomoniasis, maaari itong humantong sa mga seryosong komplikasyon sa kalusugan.

Paano Maiiwasan Ang Panunumbalik Nito?

Sa mga tuntunin ng pag-iwas sa trichomoniasis, ang pinakamagandang bagay na dapat gawin ay ang pagsasagawa ng safe sex. Nangangahulugan ito ng paggamit ng proteksyon kapag nakikipagtalik, tulad ng paggamit ng condom o dental dam. Mainam din na magpasuri para sa mga STDs sa tuwing nagkakaroon ka ng unprotected sex, o kung marami kang kapareha.

Iwasan ang pagpapagamot sa sarili, at kung nakararamdam ka ng anumang sintomas ng STD, dapat mong bisitahin kaagad ang iyong doktor.

Key Takeaways

Maaaring isang pangkaraniwang sakit ang trichomoniasis. Ngunit, hindi ito nangangahulugan na hindi ka dapat gumawa ng mga hakbang tungkol sa gamot sa trichomoniasis.  Kung hindiito magagamot, maaari itong humantong sa mga malubhang problema, lalo na sa reproductive tract ng isang tao.

Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng safe sex, hindi mo lang binabawasan ang panganib ng trichomoniasis, kundi pati na rin ang iba pang mga STD.

Key-takeaways

Alamin ang iba pa tungkol sa Trichomoniasis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Trichomoniasis – Diagnosis and treatment – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/trichomoniasis/diagnosis-treatment/drc-20378613#:~:text=The%20most%20common%20treatment%20for,and%20your%20partner%20need%20treatment, Accessed January 28, 2021

Trichomoniasis Management and Treatment | Cleveland Clinic, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4696-trichomoniasis/management-and-treatment, Accessed January 28, 2021

Trichomoniasis – Management & Therapy, https://web.stanford.edu/group/parasites/ParaSites2005/Trichomoniasis/management.htm, Accessed January 28, 2021

Trichomoniasis: clinical manifestations, diagnosis and management – PubMed, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/15054166/, Accessed January 28, 2021

Trichomoniasis – StatPearls – NCBI Bookshelf, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK534826/, Accessed January 28, 2021

Kasalukuyang Version

01/21/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Gamot sa Trichomoniasis, Ano nga ba Ang Mainam?

Paano Gamutin ang Trichomoniasis? Heto ang Dapat Tandaan


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement