Ito na ba ang oras upang pumunta sa sex shops? Ikaw ba ay nananatili lamang sa iyong bahay kasama ang iyong kabiyak o asawa sa kalagitnaan ng pandemya? Ang pananatili sa bahay sa mahabang panahon ay maaaring humantong sa tinatawag na “dry spell” o pagtigil sa sekswal na aktibidad. Ito ay kung saan ang pagtatalik ng magkasintahan ay nababawasan at hindi na gaanong kapana-panabik.
Mayroong mga rason kung bakit ang pakikipagtalik ay nakakatamad sa mga nagmamahalang magkasintahan. Mayroong nang pamilyaridad o kaya ay nalantad sa pangmatagalang stress (tulad ng pandemya). Ito ang mga maaaring magdulot sa magkasintahan ng labis na kumpiyansa. Ito ay ayon kay Melinda DeSeata, isang sex therapist at psychotherapist.
Sa kabutihang palad, mayroong mga paraan upang mabuhay ang kislap sa pagitan mo at ng iyong kasintahan nang hindi umaalis sa ginhawa ng inyong tahanan. Maaaring sumubok kayo ng iyong kabiyak ng bago sa kama habang nananatiling ligtas. Dito pumapasok ang mga sex shops sa Pilipinas.
Ligtas bang pumunta sa mga Sex Shops?
Habang ang ideya ng paggalugad sa mga sex shops ay maaaring nakakakaba para sa mga unang beses pa lamang gagawin ito, mayroong sex shops sa Pilipinas na nagbibigay ng ligtas at mapagkakatiwalaang karanasan. Mula sa pagsusulong ng sex-positivity sa magiliw at madaling lapitan na paraan upang masiguro ang maaasahan, maingat, at mapagkakatiwalaang transaksyon. Bagaman ang mga sex shops ay nababalot ng kontrobersya, may mga tindahan sa Pilipinas na nag-aalok ng magiliw na pagtanggap sa mga magkasintahan at indibidwal anuman ang kanilang rason.
Handa ka na bang alamin? Narito ang ilan sa mga pinakamahusay na sex shops sa Pilipinas na nagbibigay ng magandang karanasan at mapagkakatiwalaang transaksyon.
Ilya
Mula sa kanilang tagline na “come out and play” pinasasaya at pinagagaan ang karanasan ng pamimili ng mga sex toys ng Ilya. Ito ay para sa mga mausisang indibidwal, mula sa kanilang matingkad at makulay na mga larawan hanggang sa kanilang nakakaaliw na paliwanag. Nais ng Ilya na magbigay ang tindahan ng “does not feel like a shameful secret” sa pamamagitan ng pagbibigay ng makulay na karanasan para sa mga mamimili, sa pisikal man na tindahan o online.
Bisitahin ang kanilang website rito.
Lauvette
Itinatag ng sex-positive na magkasintahan, ang Lauvette ay naglalayong bumuo ng sex-positive na komunidad kung saan ang bawat indibidwal o magkasintahan ay ligtas na magsaliksik ng sexual wellness. Ang tindahan ng mga sex toy na ito ay opisyal na kaisa ng Love Yourself, Inc., isang non-profit na samahan na may layunin burahin ang kontrobersiya na nakapalibot sa HIV/AIDS at isinusulong ng HIV/AIDS testing, kaalaman, at counseling.
Maliban sa inihahain nitong koleksyon ng sex toys, mayroon din silang blog na tinatawag na LauvBlog na nagtatampok ng mga impormatibong artikulo at babasahin tungkol sa sekswal na kalusugan at relasyon.
Mamili sa Lauvette rito.
Noti
Sa unang tingin, ang website ng Noti ay parang isang normal lamang na bilihan ng mga damit. Layunin ng Noti na bigyang kapangyarihan ang mga kababaihan sa kanilang sekswalidad at maisulong ang sex education, burahin ang kontrobersiya at ang takot na nakapaligid sa pagbili ng sex toys. Layunin ng Noti na bumuo ng ligtas na espasyo sa internet kung saan ang mga kababaihan ay maaaring ligtas na magsuri ng kanilang sekswal na nais.
Bisitahin ang kanilang website rito.
Midoko
Ang midoko ay mayroong mga mumurahing mga laruan na nagpakilala sa kanilang tindahan sa mga nagsisimula pa lamang mag-usisa sa mga laruang sekswal sa unang pagkakataon at hindi gumagastos nang malaki. Mabibili rin ang kanilang mga produkto sa mga sikat na online shop tulad ng Shopee at Lazada, na nagpapadaling makabili sa kanila.
Bisitahin ang kanilang website rito.
Love Corner
Nangangako naman ang Love Corner ng dedikadong serbisyo para sa kanilang mga mamimili. Ang mga ito ay bukas ng 9 na oras kada araw, mula Lunes hanggang Sabado. Kung ikaw ay nangangamba sa pagbili at paghatid sa inyong tahanan, hindi na dapat mag-alala: binabalot nila ang bawat bagay sa pambalot ng regalo bago ilagay sa kahon o makulay na plastik upang hindi mapaghinalaan na kung ano man. Hindi nakalagay sa kanilang resibo ang “Love Corner” kung kaya’t masisiguro ang kaligtasan at seguridad.
Bisitahin ang kanilang website rito.
Pleasure Shop
Maliban sa maraming koleksyon ng laruan sa pagtatalik, ang Pleasure Shop ay sinisiguro na walang problema sa karanasan sa pamimili, sa kanilang pisikal na tindahan man o online. Ang bawat produktong bibilhin ay ibinabalot sa pangregalo at binabalutan ng bubble wrap. Hindi rin nila ilalagay kanilang pangalan sa binili, upang masiguro ang seguridad at kaligtasan ng mamimili. Ang bawat bagay ay ibabalot sa kahon na mayroong lilang laso.
Mamili sa Pleasure Shop dito.
Bonus: Happy Ending Game
Bagaman ito ay hindi literal na tindahan, ang Happy Ending Game ay lokal na ginawa na pang-matandang board game na maaaring laruin ng magkasintahan o grupo. Ito ay makakatulong sa manlalaro na ligtas na alamin ang kanilang sekswal na hanggangan na mayroong pahintulot.
Ang Happy Ending na laro ay hindi naglalaman ng mga gawain sekswal ngunit nagbibigay ng mga usapin na maaaring talakayin. Kinabibilangan ng laro ang masigla at pawang cartoon na itsura na nag-aalis sa malaswang kaisipan sa paglalaro.
Bisitahin ang kanilang page rito.
Ano ang sex toys?
Sex Toys — kilala rin bilang laruan ng matatanda. Ito ay mga bagay na maaaring makatulong upang mapasigla ang buhay pakikipagtalik at mapataas ang kasiyahang sekswal ng isang indibidwal o ng magkasintahan.
Para sa iba, ang sex toys ay nakakatulong sa pagpawi ng tiyak na sekswal na sakit. Ayon sa Planned Parenthood, ang sex toys ay maaaring makatulong sa erectile dysfunction, genital arousal disorder, hypoactive sexual disorder, at orgasm disorder. Maaari din itong makatulong sa mga taong humaharap sa kondisyon tulad ng mababang kakayahan sa pakikipagtalik o kawalan ng pakiramdam sa kanilang pribadong ari.
Ang pagsubok sa mga sex toys ay nararapat maging masaya at makatulong sa pagpapakilala ng mga bagong pakiramdam. Siyasatin ang iyong katawan at buksan ang mga bago at naunang mga kagustuhan.
Ligtas ba ang mga Sex Toys?
Ligtas ang paggamit ng sex toys kung gagamitin ito nang tama at mapapanatili ang kalinisan nito. Ang mga sex toys mula sa mapagkakatiwalaang tindahan ay karaniwang ligtas sa katawan at gawa sa hindi nakakasamang materyal tulad ng medical-grade na silikon.
Palaging tandaan na linisin ang sex toys bawat pag tapos ng paggamit nito at sundin ang mga tagubilin mula sa gumawa. Ang mga silikon na laruan ay kadalasang nililinis gamit ang mainit-init na tubig at sabon. Mag-ingat sa mga laruang de-baterya.
Ang pagbabahagi ng sex toys sa kasintahan o iba- partikular ang paggamit nito nang hindi gumagamit ng condom ay maaaring humantong sa transmission ng sexually transmitted infections (STIs).
Ang paggamit ng lubricant ay makakatulong sa maginhawang pagpasok. Mababawasan nito ang panganib ng pagkasira ng balat, na maaaring mas madaling maimpeksyon. Para sa mga silikon na laruan, gumamit tubig na pampadulas. Ang pampadulas sa silikon na laruan ay maaaring magdulot ng pagbaba kalidad ng silicone sa paglipas ng panahon.
Mahalagang Tandaan
- Natural lamang na bahagi ng buong kalusugan at katauhan ang sekswal na kalusugan. Huwag matakot na siyasatin ang iyong sekswal na hangganan kasama ang iyong kasintahan sa ligtas na kapaligiran.
- Tiwala at komunikasyon ang susi. Maging bukas at tapat sa iyong kagustuhan, hindi kagustuhan, pantasya, at lebel ng kaginhawaan.
- Siguruhing basahin ang mga pagsusuri sa sex toys na nais. Kung maaari, bilhin ito nang personal upang makita kung ito ang tiyak na kagustuhan. Tandaan na sundin ang mga tagubilin kung lalabas.
- Linisin ang sex toys matapos ang bawat paggamit nito. Maingat na sundin ang tagubilin ng gumawa, lalo para sa mga de-bateryang laruan. Karaniwan itong nililinis gamit ang mainit-init na tubig at hindi matapang na sabon.
- Kung nagpaplano ibahagi ang sex toys sa kabiyak, ang condom sa laruan bago gamitin ay makatutulong na maiwasan ang sexually transmitted infections (STIs)
Matuto pa tungkol sa Sexual Wellness dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.