Itinuturing na basic requirement ang masturbation (pagsasalsal/pagsasarili/pagbabati) upang matugunan ang sexual needs ng mga walang partner. Sa katunayan, ito ang isa sa pinaka-karaniwang sexually related activities sa mundo. Ginagawa ang masturbation ng mga taong may karelasyon man o wala. Ano ang panganib ng masturbation at meron ba itong masamang epekto sa kalusugan?
Parehong nag-ma-masturbate ang babae at lalaki, ngunit mapapansin mong hindi umaamin ang iba na ginagawa nila ito dahil ang ganitong paksa ay iniiwasang pag-usapan sa ilang mga kultura.
Sa usaping medikal, normal lang ang masturbation. Isa itong healthy expression ng seksuwalidad na walang side effects. Nakapagbibigay ito ng pisikal na kasiyahan at nakatatanggal ng tensyong seksuwal. Kadalasan din itong nakapagdudulot ng gaan sa pakiramdam at nakababawas ng tensyong nararamdaman.
Sa kabila ng unibersal na popularidad, marami pa ring mga haka-haka patungkol sa masturbation. Halimbawa, may paniniwala tungkol sa frequency (dalas) ng pag-ma-masturbate. Mayroon bang tamang dami ng masturbation? Puwede ka bang sumobra sa paggawa nito? Ano ang panganib ng masturbation sa kalusugan kung meron man? Basahin ang artikulong ito upang masagot ang lahat ng iyong tanong.
Sobra Na Ba Ang Pag-Ma-Masturbate Ko?
Walang tiyak na bilang ang pag-ma-masturbate. Hindi mo dapat ipag-alala kung gaano karaming beses mong ginagawa ito puwera na lang kung pagod ka na. Batay sa mga survey, may mga taong ilang beses nagsasarili sa isang araw habang napapanatiling perfectly fit ang sarili.
Panganib Ng Masturbation
May downside nga lang ang ganitong gawain. Ang panganib ng masturbation ay maaaring makaapekto ang sobrang dalas nito sa ilang aspekto ng iyong buhay.
Sa pisikal na aspekto, ang sobrang pagsasarili ay maaaaring makaapekto sa iyong katawan tulad ng panghihina at pagkapagod, mahinang paningin, sexually transmitted disease, at posibilidad ng pagkabaog.
Sa mental na aspekto, maaaring ma-addict ka sa pakiramdam ng orgasm, na ito na lamang ang palagi mong naiisip sa buong araw. Maaari ding maging sanhi ito ng sobrang pag-iisip tungkol sa pagtatalik na nagbubukas sa panganib na mahawa ng sexually transmitted diseases (STDs).
Masturbation At Sexual Intimacy
Sa madaling salita, ang paghahangad ng sex dulot ng madalas na masturbation ay maaaring mauwi sa nakapangangambang psychological disorder. Kung ang masturbation, gaano man ito kadalang o kadalas, ay nagiging sanhi na upang mabawasan ang nararamdaman ninyong ligaya kapag nagtatalik kayo ng iyong partner, o kaya’y nagiging sanhi naman ng pagka-addict sa sex, o nakaaapekto na sa iyong mga ginagawa, dapat na itong limitahan.
Nakasalalay na sa iyo ang desisyon kung gaano ka kadalas mag-ma-masturbate. Iba’t ibang mga pananaliksik ang nagsiwalat na ang malusog na tao ay maaaring mag-masturbate nang hanggang 3 beses sa isang araw at ulitin ito sa loob ng apat hanggang limang araw sa isang linggo. Ito ang tinatawag ng mga eksperto na “high-frequency masturbation.”
Hanggang nakapagdudulot ng kasiyahan at orgasm ang masturbation, dapat itong maging sapat para sa karamihang babae at lalaki. Hinihikayat din nito ang isang taong maghanap ng regular na sexual partner. Maaaring maging napakamakapangyarihang gawain ang sex dahil may malapit itong kaugnayan sa pag-ibig at sa kabuoang pagkatao ng bawat indibidwal. Kaya naman, ipinapayong bawasan ang sobrang masturbation upang maging mas makahulugan at kasiya-siya itong gawin nang mag-isa man o may kasamang partner.
Gaano Kadalas Mag-Masturbate Ang Mga Tao?
May malaking bahagi ng pananaliksik ang isinagawa patungkol sa sexually related activities, kasama na dyan ang masturbation. Maaaring ikagulat ng ilang tao ang resulta ng mga pag-aaral na ito, habang ang iba nama’y madali lang na matatanggap.
Ang average na frequency (dalas) ng masturbation para sa 5% ng kababaihan na nasa edad 25-29 ay apat na beses sa isang linggo. Habang nakagugulat na 20.1% ng mga lalaki ang nag-ma-masturbate sa parehong frequency. Pangalawa sa inilabas na resulta ng mga pag-aaral ay nagsasabing 25.4% ng kalalakihan at 21.5% ng kababaihan sa pagitan ng edad 25-29 ay nag-ma-masturabate ng ilang beses sa isang buwan.
Lumalabas din sa resulta ng mga pag-aaral na habang tumatanda ka, mas dumadalang kang mag-masturbate. At nangyayari ito sa parehong lalaki at babae. Natural itong nangyayari dahil na rin sa mga restriksyong nararamdaman ng katawan gaya ng paghina ng kalusugan na sanhi ng pagbagsak ng sex drive ng matatanda.