Isang pananaliksik ang nailathala sa American Journal of Medicine ang nagsasabing 15% ng lalaki edad 20 – 39 taon ay nahihirapang tumagal sa kama. Dagdag pa, nararanasan ng halos 80% ng lalaking nasa pagitan ng edad 40-59 ang problema sa erection. Paano tumagal sa kama? Alamin ang mga tip na ito.
Tips kung Paano Tumagal sa Kama
Isang tagumpay para sa maraming lalaki ang pagkakaroon ng kakayahang tumagal sa kama dahil testamento raw ito ng pagkalalaki.
Dagdag pa, maraming lalaki ang naniniwala na ang pagtagal sa kama ay susi upang ma-satisfy ang kanilang partner. Ngunit posible nga bang magawa ito? Paano tumagal sa kama?
Narito ang ilang paraan kung paano tumagal sa kama.
1. Cardio exercise
Ang magandang daloy ng dugo ang susi upang tumagal sa kama.
Napasisigla ng cardio exercise ang puso na magtrabaho pa. Nagreresulta ito sa mas malakas na resistance ng puso at baga upang magkaroon ng patuloy at maayos na sirkulasyon ng dugo.
Kabilang sa cardio exercises ang 20 minutong jogging bawat araw, 2 km paglalakad araw-araw, o aerobic exercise.
Subukang umiwas sa pagbibisikleta dahil ang cardio exercise nito ay nakapagpapataas ng panganib ng erectile dysfunction.
2. Tumigil sa paninigarilyo
Nagdudulot ng iba’t ibang suliraning pangkalusugan ang paninigarilyo. Kabilang na dito ang erectile dysfunction.
Napag-alaman sa isang pag-aaral na isinagawa sa University of Kentucky na ang mga taong hindi naninigarilyo ay mayroong mas satisfying na sex life. Ang dahilan ay nakapagdudulot ng impotence ang paninigarilyo at nakaaapekto sa erection.
Sa katunayan, natuklasan sa iba pang mga pag-aaral na ang ari ng lalaking naninigarilyo ay mas maliit kumpara sa mga hindi naninigarilyo. Ito ay dahil napipinsala ng sigarilyo ang penile tissue kaya’t nababawasan ang pagiging elastic nito. Bilang resulta, nahihirapan ang penis na magkaroon ng tension kahit may arousal.
3. Pagkonsumo ng kape
Hindi palaging maganda ang kape sa iyong katawan. Ngunit sinasabi sa pag-aaral na nakatutulong ang kape upang mapanatili ang healthy at strong erection.
Batay ito sa resulta ng pananaliksik na ginawa sa University of Texas Health Science Center sa Houston.
Ang mga lalaking umiinom ng 2 – 3 tasa ng kape kada araw ay may mas mababang panganib ng erectile dysfunction kumpara sa mga umiiwas sa inuming may kape.
Paano tumagal sa kama? Subukan ang tip na ito.
4. Panatilihin ang tamang timbang at kumain ng may balanseng nutrisyon
Ang obesity ay puwedeng magdulot ng maraming problema sa katawan, kasama na ang problema kung paano tumagal sa kama. Ayon sa ulat, higit 50% ng mga lalaking may diabetes ang nasa panganib ng pagkakaroon ng arterial disease.
Pinababagal ng sakit na ito ang distribusyon ng stimulation sa mga nerve ng katawan, na nagreresulta sa hindi pagkakaroon ng arousal.
Kaya’t kung nais mong malaman kung paano tumagal sa kama, panatilihin ang tamang timbang.
Gayunpaman, kung mayroon ka nang diabetes, kumonsulta muna sa doktor upang malaman ang pinakamainam na paraan upang kontrolin ang blood sugar.
Ito ay dahil ang mga lalaking diabetic na may hindi makontrol na blood sugar ay magkakaroon ng erectile problems nang hanggang 70% na mas mataas kumpara sa may kontroladong blood sugar.
Bukod pa sa pagpapanatili ng tamang timbang, mahalaga ring magbigay ng pansin sa balanseng nutrisyon.
Ang pagdaragdag ng pagkaing mayaman sa antioxidants tulad ng lycopene na makukuha sa kamatis, berries, at pakwan ay nakatutulong upang maiwasan mo ang erectile dysfunction at sakit sa puso.
Iwasan din ang mga pagkaing mataas sa cholesterol na puwedeng makaapekto sa kalusugan ng iyong puso at mga ugat.
5. Hikab
Bagaman kakaiba sa pandinig, ang erection at paghikab ay kinokontrol ng parehong kemikal, ang nitric oxide.
Ang compound na ito ay pinoprodyus ng utak at nagpupunta sa mga nerve na kumokontrol sa pagbuka ng bibig at paghinga.
Dagdag pa, maaari ding maglakbay ang compound na ito pababa sa spinal cord sa pamamagitan ng mga ugat. May mahalaga itong gampanin sa pagdadala ng dugo sa penis.
Kaya naman, puwede mong subukang humikab bago makipagtalik upang matulungang mapasigla ang paglabas ng nitric oxide na tumutulong kung paano tumagal sa kama.
6. Matulog nang sapat
Ang sapat na tulog ay pang-araw-araw na obligasyon para sa pangkalahatang kalusugan. Lumalabas na habang natutulog, nakararanas ang katawan ng erection sa pagitan ng tatlo hanggang 5 oras sa gabi.
Ang erection na ito ay may dahilan. Pinapanatili ng prosesong ito na maging malusog ang penis sa pamamagitan ng pagpupuno nito ng dugong mayaman sa oxygen. Kaya’t kapag mas madalas na tinitigasan ang lalaki sa gabi, mas nagiging flexible ang penile tissue kapag may erection.
Paano tumagal sa kama? Sundin ang mga tip na ito!
Unang nailathala ang artikulong ito sa Hello Sehat.