backup og meta

Maling Paniniwala ng Lalaki sa Sex, Anu-Ano Ba Ito?

Maling Paniniwala ng Lalaki sa Sex, Anu-Ano Ba Ito?

Hindi lahat ng Pilipino ay komportable pagdating sa pakikipag-usap tungkol sa sex, lalo’t isang konserbatibong bansa ang Pilipinas. Bihirang marinig mo ang mga tao na magtanong tulad ng “gaano katagal nanatiling matigas ang ari ng isang lalake?” “o paano ako gagamit ng condom?” Kaya naman alamin mo dito ang 7 maling paniniwala sa sekswalidad ng mga lalaki.

7 Maling Paniniwala sa Sekswalidad ng mga Lalaki

Ang hindi pakikipag-usap tungkol sa sex ay nagdudulot ng maraming kalituhan at nagiging dahilan ng pagkalat ng maling impormasyon tungkol sa sex. Mas nagiging nakakalito pa kung minsan kapag nakakukuha ang mga tao ng impormasyon tungkol sa sex sa telebisyon o sa mga pelikula.

Ang sex na nakikita natin sa midya ay iba sa sex sa totoong buhay at dahil maraming naniniwala sa ipinapakita ng midya tungkol sa sex, nagreresulta ito sa mga maling akala at paniniwala sa sekswalidad, lalo na ng mga lalaki.

Sinasabi na ang mga paniniwalang ito ay maaaring maging dahilan para mawalan ng self-confidence ang mga lalaki. Pwede rin itong makabuo ng takot sa kanila na hindi nila ma-satisfy at mabigyan ng fulfilling sex life ang kanilang partner.

Paniniwala 1: Ang mas malaki ay palaging mas mahusay

Magsimula tayo sa pinakakaraniwan at laganap na paniniwala sa sekswalidad ng lalaki. Ang paniniwalang “mas malaki ay palaging mas mahusay”.

Tandaan, hindi sa lahat ng pagkakataon na ang pagkakaroon ng mas malaking ari ay mas mahusay ka sa kama, at hindi rin ito senyales na mas mapapasaya mo ang iyong kapareha.

Ang katotohanan – hindi lamang ang hugis, sukat ng ari, at ang laki ang mahalaga sa pakikipag-sex. Sa katunayan, ang pagiging konektado sa’yong kapareha, pakikinig sa kanilang mga pangangailangan, at pagiging maalalahanin habang nakikipag-sex ay may higit na kinalaman sa kasiyahan kaysa sa laki ng ari.

Paniniwala 2: Ang pakikipag-sex ay dapat tumagal ng mahabang oras

Ang isa pang karaniwang maling paniniwala sa sekswalidad ng lalaki ay ang pakikipag-sex ay dapat tumagal ng mahabang oras. Sinasabi na ang paniniwalang ito ay maaaring naimpluwensyahan ng porn kung saan ang mga gumaganap ay para bang nakikipag-sex nang ilang oras nang walang tigill.

Ngunit ang katotohanan, ang pakikipag-sex ay hindi kinakailangang magtagal ng masyado. Sa katunayan, base sa isang sarbey na ginawa sa mga sex therapist sa United States at Canada, ang 7 hanggang 13 minuto ang average na haba ng pakikipag-sex ay maituturing na kasiya-siya. Ang higit pa na oras na pakikipag-sex ay itinuturing na uncomfortable, at anumang mas mababa kaysa doon ay masyadong maikling na pakikipag-sex.

Natuklasan din ng isa pang pag-aaral na ang average na tagal ng oras bago umabot ang isang lalaki sa climax habang nakikipag-sex ay mga 5.4 minuto. Ito’y umaangkop sa konklusyon na ang pakikipag-sex ay hindi kailangan talagang tumagal gaya ng iniisip ng karamihan, dahil ang mas mahalaga ay pareho kayong kuntento sa pakikipag-sex, gaano man ito ikli o katagal.

Paniniwala 3: Kailangan mong mapanatili ang erection sa loob ng mahabang oras

Pagdating sa tanong kung gaano katagal maaaring manatiling matigas ang ari ng karaniwang tao – ang pagtayo nito ay karaniwang tumatagal ng mga 25-30 minuto.

Ngunit kung hindi mo kayang mapanatili ang paninigas ng iyong ari sa loob ng 25-30 minuto, hindi ka dapat mag-alala kaagad. Ang mga kadahilanan tulad ng pagkabalisa, depresyon, stress, at pangkabuuang kalusugan ay maaaring makaapekto sa pagtayo ng ari, at sa pamamagitan ng pagtugon sa mga alalahaning ito, mapapanatili mo ang erection nang mas matagal.

Paniniwala 4: Ang mga lalaki ay palaging nasa mood para sa sex

Ang paniniwalang ito ay nagkalat at leading sa pag-iisip na ang tanging bagay na gusto ng mga lalaki ay sex. Pero ang realidad tulad lang din sila ng babae, may ups and downs ang mga lalaki pagdating sa sex drive nila.

Ang maling paniniwala sa sekswalidad ng lalaki na dapat palaging handa sa pakikipag-sex ay maaaring magdulot ng mga problema sa kama. Ang ilang mga lalaki ay maaaring makaramdam ng pressure sa pakikipag-sex, kahit na wala sila sa mood para sa sex. Ito’y maaaring humantong sa kanilang pagkagambala, o pagkawala sa sarili sa panahon ng pakikipag-sex. Sa ilang mga kaso, ang pagkabalisa na kanilang nararamdaman ay maaaring maging dahilan ng kanilang pagdurusa sa erectile dysfunction.

Ito rin ang isang dahilan kung bakit palaging nag-iisip ang mga lalaki tungkol sa “gaano katagal dapat manatiling matigas ang ari ng karaniwang lalaki?” Dahil nag-aalala sila na baka hindi sila makapag-perform nang mahusay habang nakikipag-sex. Maaari itong magparamdam sa isang lalaki na hindi sila sapat, at hindi mapasaya ang kanyang kapareha, na humahantong sa higit pang pagkabalisa at kawalan ng kakayahang masiyahan sa pakikipag-sex.

Kailangang malaman ng mga lalaki na okay lang na wala sa mood. Mayroong iba pang mga paraan para makipag-sex nang walang penetration, at maaari rin itong maging kasiya-siya hangga’t alam mo kung ano ang iyong ginagawa.

Paniniwala 5: Kailangan mong magkaroon ng erection para makipag-sex

Ang isa pang maling paniniwala sa sekswalidad ng lalaki ay ang sex ay penetrative sex lamang, at kailangan nilang magkaroon ng erection para makipag-sex. Ito rin ang dahilan kung bakit ang ilang mga lalaki ay may posibilidad na mabigla tungkol sa tanong na “gaano katagal maaaring manatiling matigas ang ari ng karaniwang lalaki?” dahil naniniwala sila na palaging may kasamang penetration ang sex.

Ang foreplay, oral sex, at iba pang anyo ng paghipo ay maaaring kasing saya ng sex. Minsan ang paggamit nito sa pakikipag-sex ay maaaring magpabuti sa sex life ng mag-asawa! Kaya huwag matakot na gumamit ng mga laruan o iba pang paraan ng pakikipag-sex sa’yong kapareha. Huwag mag-atubiling mag-explore at sumubok ng iba’t ibang bagay para mapanatili itong kawili-wili.

Paniniwala 6: Kailangan mong magkaroon ng orgasm para masiyahan

Isa pa itong maling paniniwala sa sekswalidad ng lalaki na madaling paniwalaan. Bagama’t masarap sa pakiramdam ang pagkakaroon ng orgasm, okay lang na hindi magkaroon nito kapag nakikipag-sex. Ang pagkakaroon ng “blue balls” ay maaaring hindi maging masaya, ngunit hindi ito nagdudulot ng anumang pinsala, at hindi rin ito masama para sa’yong kalusugan.

Ang problema sa paniniwalang ito ay kapag ang mga lalaki ay masyadong nakapokus sa kanilang sarili ng orgasm. Nakakalimutan nila ang kasiyahan ng kanilang kapareha. Kaya mahalaga para sa mga lalaki na higit na tumutok sa akto ng pakikipag-sex. Gagawin nitong mas makabuluhan at kasiya-siya ang karanasan.

Paniniwala 7: Ang mga lalaki ay tapos na sa pakikipag-sex kapag sila ay may orgasm

Isa pa ito sa mga umiiral na maling paniniwala sa sekswalidad ng lalaki na kung minsan ay maaaring maging dahilan ng pagkakaproblema ng mag-asawa sa kama. Mayroong paniniwala na kapag ang isang lalaki ay nag-orgasm ay tapos na agad ang pakikipag-sex, at hindi alintana kung ang kanyang kapareha ay nasisiyahan o hindi.

Ngunit hindi ito palaging nangyayari. Mayroong tinatawag na refractory period, o ang panahon matapos ang orgasm – kung kailan maaaring makipag-sex muli ang isang lalaki. Karaniwan, ito ay humigit-kumulang 15-20 minuto para sa isang malusog na lalaki. Nangangahulugan ito ng 15-20 minutong pahinga, karamihan sa mga lalaki ay nagagawang makipag-sex muli nang walang anumang problema.

Nawa’y malinaw nito ang ilang mga paniniwala at karaniwang maling kuru-kuro tungkol sa male sexuality dahil mahalagang panatilihing na informed ka tungkol sa mga bagay na ito para magkaroon ng mas kasiya-siyang sex life.

Matuto pa tungkol sa Sekswal na Kalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The Truth About Orgasms | Winchester Hospital, https://www.winchesterhospital.org/health-library/article?id=14487, Accessed June 29 2020

The Myths About Male Sexuality, https://www.psychotherapynetworker.org/blog/details/1445/the-myths-about-male-sexuality, Accessed June 29 2020

Attitudes about sexuality and aging – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/attitudes-about-sexuality-and-aging, Accessed June 29 2020

Sex Myths – Centre for Sexuality, https://www.centreforsexuality.ca/sexual-health-info/sex-myths/, Accessed June 29 2020

Men’s Sexuality: Myths and Facts, https://www.plannedparenthood.org/files/4614/0134/0619/Male_Sexuality_Myths_and_Facts.pdf, Accessed June 29 2020

A Multinational Population Survey of Intravaginal Ejaculation Latency Time – PubMed, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/16422843/, Accessed June 29 2020

5 penis facts – NHS, https://www.nhs.uk/live-well/sexual-health/five-penis-facts/, Accessed June 29 2020

Canadian and American Sex Therapists’ Perceptions of Normal and Abnormal Ejaculatory Latencies: How Long Should Intercourse Last? – The Journal of Sexual Medicine, https://www.jsm.jsexmed.org/article/S1743-6095(15)32017-8/fulltext, Accessed June 29 2020

 

Kasalukuyang Version

01/22/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Tinatawag na Multiple Orgasm?

Alamin: Para Saan Ang Lube?


Narebyung medikal ni

Elfred Landas, MD

General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement