Ang lesbian sex, o ang pagtatalik ng dalawang babae, ay itinuturing na “mas ligtas” kaysa sa heterosexual sex. Ito ay dahil sa kakulangan ng vaginal o anal penetration. Bagama’t ang lesbian sex ay medyo ligtas kumpara sa ibang uri ng pakikipagtalik, dapat pa ring maging maingat dahil sa iba’t ibang mga kadahilanan. Narito ang ilang mga maaaring isasaalang-alang na dahilan at mga payo para sa ligtas na lesbian sex.
Mga Payo Para Sa Ligtas Na Lesbian Sex
Maging Maalam
Ang pinakamabuting paraan sa ligtas na lesbian sex ay ang pagkakaroon ng kaalaman kung paano ito gawin. Saklaw ng edukasyong sekswal sa mga paaralan ang mga pangunahing heterosexual sex. Subalit karamihan sa mga paaralan ay walang kurikulum tungkol sa LGBTQ+ sex. Ito ang dahilan kung bakit ang mga miyembro ng LGBTQ+ ay umaasa sa ibang paraan. Habang ang karamihan ng mga miyembro nito ay kumukuha ng pangkalahatang ideya mula sa mga artikulong makikita sa internet o sa mga ibang taong LGBTQ+ din, inirerekomenda ang pagpunta sa mga ospital at klinika na dalubhasa sa LGBTQ+ related medical conditions para sa mas detalyado at tamang impormasyon.
Makipag-Usap
Ang pakikipag-usap sa iyong karelasyon ay isang mahalagang hakbang sa pagkakaroon ng ligtas ng lesbian sex. Siguraduhing tanungin siya ng kaniyang sekswal na nakaraan o ugali, tulad ng kung siya ay nagkaroon na noon o kasalukuyang may STD. Kung ikaw o ang iyong karelasyon ay hindi sigurado tungkol dito, tiyaking magpa-test bago makipagtalik.
Sanayin Ang Safe Sex
Ang payong ito ay hindi lamang para sa lesbians o sa ibang miyembro ng LGBTQ+. Ito’y para sa lahat ng gustong makipagtalik.
Siguraduhing magkaroon ng good hygiene. Regular ding hugasan hindi lamang ang iyong katawan, kung hindi maging ang sex toys na inyong ginamit sa pakikipagtalik. Ito ay totoo lalo na sa lesbian couples.
Dahil ang lesbians ay walang natural na paraan upang makipagtalik sa kanilang karelasyon, mas madalas silang gumagamit ng sex toys. Ang hindi wastong paghuhugas o ang hindi paghuhugas ng mga ito ay maaaring maging sanhi ng pagkalat ng STDs at maging ng iba pang mga impeksyon. Makatutulong din ang paggamit ng condoms sa ganitong sitwasyon. Siguraduhin lamang na alamin at gamitin ito nang tama.
Panatilihing Malinis Ang Sex Toys
Kung ikaw at ang iyong karelasyon ay gumagamit ng sex toys, tiyak na gugustuhin mong linisin ang mga ito matapos gamitin. Siguraduhing gumamit ng toy-compatible cleaning material kung lilinisin ang mga ito. Ang ibang panlinis sa bahay ay maaaring epektibo, ngunit maaari ding makasira sa panlabas na itsura ng mga ito.
Maging Responsable
Bagama’t ang pagkakaroon ng mataas na sekswal na gawain ay normal sa mga mas nakababata, ipinapayo na ang regular na lesbian sex sa iba’t ibang tao o regular na pagpapalit ng partners ay nagreresulta sa mas mataas na tyansa ng pagkakaroon ng sexually transmitted diseases. Dagdag pa, ang palagiang pagpapalit ng partners ay nakapagpapataas ng tyansang makakilala ng taong hindi nagsasagawa ng ligtas na pakikipagtalik o mayroong STD.
Huwag Maglasing
Ang pag-inom ng alak ay ayos lamang. Ngunit ang sobrang pag-inom nito o ng iba pa, tulad ng ilegal na droga, ay maaaring makapagpahina ng iyong immune system. Dahil dito, mas madali kang kakapitan ng mga impeksyon, isa na rito ang STDs.
Humingi Ng Tulong Medikal
Ang pag-iwas ay laging mas mabuti kaysa sa pagbibigay-lunas. Ito ay totoo para sa karamihan ng mga sakit. Bagama’t hindi lahat ng STDs ay may bakuna o gamot, ang pagpapabakuna para sa mga maiiwasan at magagamot na sakit ay ang pinakamaganda pa ring gawin. Pumunta sa pinakamalapit na klinika o ospital upang magpasuri at magpabakuna para sa anomang posibleng impeksyong nakuha habang nakikipagtalik.
Regular Na Sumailalim Sa Mammogram
Batay sa mga pananaliksik, ang lesbians na nagsasagawa ng lesbian sex ay lubhang may mas mataas na tyansa ng pagkakaroon ng kanser sa suso kaysa sa kanilang heterosexual counterparts. Kaya dapat silang regular na sumailalim sa mammogram pagsapit nila sa edad na 40.
Key Takeaways
Kung iyong mapapansin, hindi malaki ang pagkakaiba ng pagkakaroon ng ligtas na lesbian sex at ng kaalaman tungkol sa mga dapat gawin para sa heterosexuals, lesbians, o anomang kasariang kabilang sa LGBTQ+. Kailangan mo lamang maging mas malay sa mga posibleng panganib at gawin ang mga kinakailangang pag-iingat upang magkaroon ng malusog na sex life. Siguraduhing manatiling maalam at sanayin ang malinis, ligtas na pakikipagtalik.
Matuto pa tungkol sa Sexual Wellness dito.