Ang mga mag-asawa ay nakikipag-sex sa maraming dahilan. Ginagawa ito ng ilan para magbuntis, ngunit para sa karamihan, ang rason ay para sa kaligayahan. Gayunpaman, kung minsan, kahit na ang kasiyahan ng laman ay hindi sapat para sa ilang mga tao. But don’t take it against them dahil may mga dahilan sa kawalan ng sex drive.
Ano ang kawalan ng sex drive?
Ang mga tao ay may iba’t ibang sexual drives o pagnanasa. May mga pagkakataon na ang isang tao ay mag-crave para sa intimacy at gagawin ang lahat para matugunan ang insatiable desire. Gayunpaman, para sa ilang mga tao, ang ganitong uri ng pagnanais ay isang bagay na mas gugustuhin nilang ipagpaliban. Sa katunayan, para sa ilan, maaari silang tuluyang mawalan ng interes.
Ano ang mga sintomas ng kawalan ng sex drive?
Kung mapapansin mo ang mga palatandaang ito sa’yong sarili o sa iyong kapareha, marahil ay nahihirapan ka sa’yong sex life. Kasama sa mga sintomas ang:
- Kawalan ng interes sa anumang uri ng sekswal na aktibidad, kahit na masturbesyon.
- Madalang na walang sekswal na pag-iisip o pantasya.
- Nahihirapang mapanatili ang erection.
- Ang pagiging problemado ng hindi pagkakaroon ng sapat na intimate moments.
- Mga simpleng paraan ng pagpapakita ng pagmamahal tulad ng mga halik at yakap ay nagiging madalang at hindi sinsero.
- Ang pag-iisip na ang sex ay hindi gaanong kapana-panabik.
- Nagiging madaling mairita kapag nakikipag-usap ang sex.
Ano ang mga dahilan ng kawalan ng sex drive?
Normal para sa mga lalaki at babae na minsan ay maging maingat sa pag-iisip ng sex. Maraming factors na maaaring i-consider bilang mga dahilan sa kawalan ng sex drive o libido, kabilang dito ang:
Physical causes, tulad ng:
- Masakit na pakikipagtalik o dyspareunia
- Paghihirap sa orgasm o arousal
- Erectile dysfunction sa mga lalaki
- Alcoholism, labis na paninigarilyo, at drug abuse ay maaaring makapagpawala ng gana sa sex at gawing mahirap ang arousal.
- Ang mga nakaraang operasyon sa ari o mga suso ay maaaring makaapekto sa’yong sense of touch na maaaring makapagbawas ng iyong pananabik para sa intimacy.
- Mga underlying health condition tulad ng diabetes, arthritis, kancer, pati na rin ang mga sakit sa cardiovascular at neurological.
- Mga side effect ng ilang partikular na gamot gaya ng mga antidepressant, anti-anxiety, at mga gamot sa presyon ng dugo. Ang mga selective serotonin reuptake inhibitors (SSRIs) ay ang pinakakaraniwang iniresetang antidepressant na maaaring magpababa ng sex drive ng isang tao.
- Ang pagkahapo ay isa sa mga karaniwang dahilan ng kawalan ng sex drive. Kapag sobrang pagod ka sa pagtatrabaho, pag-aaral, o pag-aalaga ng mga bata, mas uunahin mo ang pagtulog kaysa sa pakikipag-sex.
- Ang mga pagbabago sa hormonal dahil sa katandaan, menopause, pagbubuntis, panganganak at pagpapasuso ay lubhang nakaaapekto sa libido ng isang babae. Kapag bumaba ang estrogen ng babae at testosterone level ng lalaki, magkakaroon ng mga pisikal at sekswal na pagbabago na maaaring negatibong makaapekto sa kanilang buhay sa sex.
- Ang mga pagbabago sa hormonal at pagkapagod na naranasan ng mga kababaihan sa panahon at pagkatapos ng pagbubuntis at habang nagpapasuso ay nakatutulong sa pagbaba ng kanilang libido.
Psychological causes, tulad ng:
- Mababang pagpapahalaga sa sarili at kumpiyansa
- Mga problema sa kalusugan ng isip, tulad ng depresyon at pagkabalisa.
- Ang stress ay isa rin sa mga pangunahing dahilan ng kawalan ng sex drive. Kapag ang iyong katawan ay naglalabas ng masyadong maraming cortisol dahil sa stress, maaari itong negatibong makaapekto sa’yong sekswal na pagganap at arousal.
- Ang body image ay kung paano tinitingnan ng isang tao ang kanyang kagandahan at sexual attractiveness. Gayunpaman, ang isang poor body image, lalo na sa mga kababaihan, ay nagdudulot ng pagkabalisa sa sekswal at low sexual esteem.
- Mga negatibong sekswal na karanasan sa nakaraan, pati na rin ang kasaysayan ng sekswal at pisikal na pang-aabuso.
Relationship causes, tulad ng:
- Diborsyo o paghihiwalay
- Kakulangan ng koneksyon sa pagitan ng partner
- Kakulangan ng komunikasyon at pag-unawa sa pagitan ng mga kagustuhan at pangangailangang sekswal ng magkapareha.
- Madalas at hindi nalutas na mga away o hindi pagkakasundo dahil sa mga isyu sa pagtitiwala at iba pang problema ng mag-asawa.
Paano palakasin at ibalik ang sex drive?
Pagkatapos matukoy kung ano ang nagiging sanhi ng pagbaba ng iyong libido, may mga paraan at tritment na magagamit na makatutulong sa’yo na mapataas at maibalik ang iyong sex drive.
Ibalik ang sexual desire sa pamamagitan ng education at counseling
Pinakamainam na humingi ng propesyonal na tulong kung sa tingin mo ay hindi mo kayang makipag-usap sa sinuman tungkol sa’yong mga sekswal na alalahanin. Nakatutulong ang sex education, therapy, o counseling, upang bumalik ang intimacy. Ang mga sex counselor o therapist ay puwede ring kausapin pagdating sa mga problema sa sex.
Ang iyong therapist ay magrerekomenda ng mga materyales at pagsasanay na magagawa mo at ng iyong kapareha para maibalik ang intimacy sa’yong relasyon. Ito ay hindi lamang nakatuon sa pagpapanumbalik ng sexual intimacy. Nakatutulong din ito sa pagpapanumbalik at pagpapalakas ng mga relasyon sa pagitan ng mga mag-asawa.
Medication
Kung ang mga gamot ay nagiging sanhi ng iyong pagbaba ng libido, kung gayon ang pinakamagandang opsyon ay tanungin ang iyong doktor kung maaari mong ihinto o palitan ang mga gamot na iyong iniinom.
Para sa mga babaeng hindi pa dumaan sa menopause, may mga gamot na inaprubahan ng FDA na maaari mong inumin para mapalakas ang iyong sex drive.
Bremelanotide (Vyleesi)
Ito’y isang injectable na gamot na ina-administer mo sa balat ng iyong tiyan o hita. Ang gamot na ito ay dapat gamitin 45 minuto bago ang anumang sekswal na aktibidad. Ang Vyleesi ay may ilang malubhang epekto na kinabibilangan ng:
- Pansamantalang pagtaas sa presyon ng dugo pati na rin ang pagbaba ng heart rate
- Maaaring umitim ang balat sa ilang bahagi ng katawan
- Pagduduwal, pagsusuka, mainit na pamumula, sakit ng ulo, pagkapagod, pagkahilo, pamumula, reaksyon sa lugar ng pag-iniksyon, tingling, at nasal congestion
Flibanserin (Addyi)
Ito’y isang uri ng tableta na gamot na iniinom mo bago matulog. Ang pag-inom ng alak bago kumuha ng Addyi ay ipinagbabawal, dahil maaari itong magdulot ng mababang presyon ng dugo at pagkahimatay.
Narito ang iba pang mga side effect na dapat mong malaman:
- Pag-aantok, kapag ang gamot ay iniinom sa oras ng paggising
- Pagduduwal, tuyong bibig, pagkapagod, at pagkahilo
Para sa mga lalaking nakararanas ng erectile dysfunction, narito ang ilang mga gamot na inaprubahan ng FDA na makakatulong sa’yong kondisyon.
Viagra (Sildenafil)
Ang Viagra ay ang pinakasikat na tableta na iniinom ng mga lalaki para malutas ang kanilang mga problema sa sex dahil sa erectile dysfunction. Iwasan ang pag-inom ng Viagra kung ikaw ay kasalukuyang umiinom ng gamot na naglalaman ng nitrate. Kung ikaw ay allergic sa sildenafil o anumang sangkap na bumubuo ng Viagra, i-disregard ang paggamit nito. Ang Viagra ay may ilang mga side effect din, na kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Erection na maaaring tumagal ng higit sa 4 na oras
- Biglang pagkawala ng paningin, malabong paningin, at pagbabago sa kulay ng paningin
- Biglang pagkawala ng pandinig o pagkaputol ng pandinig
- Pananakit ng ulo, sakit ng tiyan, pamumula, baradong ilong, pananakit ng likod at kalamnan, pagkahilo, pagduduwal, at pantal.
Stendra (Avanafil)
Ito’y isa pang gamot na gumagamot sa impotence ng isang lalakii. Depende sa dosis, ang Stendral ay karaniwang kinukuha 15 o 30 minuto bago ang anumang mga sekswal na aktibidad. Huwag kailanman uminom ng Stendra nang higit sa isang beses sa loob ng 24 na oras. Maaaring bumaba ang iyong dugo kapag ininom si Stendrea kasama ng ilang partikular na gamot.
Ang mga side effect ng Stendra ay:
- Malubhang epekto tulad ng pagkahilo, pagkahimatay, atake sa puso o stroke na dulot ng biglaang pagbaba ng presyon ng dugo
- Sakit ng ulo, pananakit ng lalamunan, sipon o baradong ilong, pananakit ng likod, at pamumula
Mayroon ding mga hormonal therapies na magagamit kung nakararanas ka ng genitourinary syndrome of menopause (GSM).
Ang mga therapy sa hormone ay kinabibilangan ng:
- Estrogen
- Testosteron
- Prasterone (Intrarosa)
- Ospemifene (Osphena)
Gawin ang iyong pananaliksik at kumunsulta sa’yong doktor bago subukan ang alinman sa mga gamot at therapies na ito.
Malusog na Pamumuhay
Ang pagbabago ng iyong lifestyle ay maaaring makatulong na mapabuti at maibalik ang iyong sex drive. Maaaring:
- Mag-ehersisyo para madagdagan ang iyong mga masayang hormone at endurance, at mapabuti ang iyong pangangatawan.
- Maghanap ng isang paraan para mas mahusay na makayanan ang iyong mga stressors.
- Makipag-usap sa’yong kapareha at magkaroon ng mature na pag-uusap tungkol sa intimacy, sex, at inyong relasyon. Makipag-usap tungkol sa’yong mga kagustuhan, pangangailangan, at hindi gusto pagdating sa sex.
- Laging maglaan ng oras para sa intimacy. Karaniwan, hindi mo ito magagawa araw-araw. Gayunpaman, ang pagtatakda ng oras para dito ay nagpapaganda ng ugnayan sa pagitan mo at ng iyong kapareha.
- Maging mas adventurous at subukan ang mga bagay na maaaring magpaganda ng iyong buhay sex. Subukan ang iba’t ibang posisyon, laruan, at siguraduhing magkaroon ng mas maraming oras para sa foreplay. Ang paggawa nito ay magpapasigla sa’yo at sa iyong kapareha sa tuwing plano mong palakasin ang iyong gana sa sex at mga pantasya.
- Iwasan ang mga gawi na maaaring magpababa sa’yong mga pagnanasa sa sex, tulad ng pag-abuso sa alak, sigarilyo, at droga.
Mahalagang Tandaan
Ang kawalan ng sex drive ay hindi dahil hindi mo na ito nararamdaman. Ngunit dahil sa ilang mga kadahilanan na nagiging sanhi ng pagbaba ng iyong libido. Para makabangon ka at makontrol ang iyong sekswalidad, subukang baguhin ang iyong lifestyle o humingi ng tulong sa mga propesyonal.
Matuto pa tungkol sa Sekswal na Kalusugan dito.