Ang pagtatalik ay parte ng pagpapanatili ng malusog na relasyon sa iyong kasintahan o asawa. Dahil sa pisikal na intimacy at ugnayang emosyonal, ang pakikipagtalik ay nagbibigay sa iyo at sa iyong karelasyon ng pleasure at kasiyahan. Gayunpaman, minsan, ang akto ng pakikipagtalik ay humahantong sa hindi sinasadyang aksidente. Ano ang mga karaniwang injury sa sex at paano ito maiiwasan?
Mga Karaniwang Injury sa Sex
Vaginal Tears
Ang vaginal tear ay ang eksaktong ibig sabihin ng pangalan nito —- ito ay ang luha o mga sugat sa vaginal wall o ang pasukan ng ari ng babae. Ito ay maaaring mangyari habang nagkikipagtalik o kung gumamit ang magkarelasyon ng bagay (tulad ng sex toys) upang lalo itong paigtingin.
Ano ang gagawin
Ang lunas sa injuries sa kama tungkol sa vaginal tears ay nakadepende sa pagiging malala nito. Kung ito ay maliit na sugat, gagaling ito ng kusa na may konting lunas na maaaring gawin sa bahay. Gayunpaman, kung ang sugat ay nagiging sanhi ng sobrang pagdurugo, agad na maghanap ng tulong medikal dahil kinakailangan nito ng operasyon.
Maaaring gawin ng mga babae ang mga sumusunod sa bahay:
- Gumamit ng mga gamot para sa sakit na inireseta ng doktor.
- Magbabad sa pagligo gamit ang mainit na tubig na tatagal ng 10 hanggang 15 minuto, maraming beses kada araw o kung ano ang panuto ng doktor
- Iwasang gumamit ng tampons at tigilan ang pakikipagtalik hanggang sa tuluyang gumaling ang sugat.
- Magpahinga nang magpahinga upang mapabilis ang paggaling
Upang maiwasan ang vaginal tears, iminumungkahi sa mga magkarelasyon na magsagawa ng foreplay dahil nagbibigay ito ng lubrication. Maaari ring gumamit ng maraming water-based lubricants upang maiwasan ang tears.
Broken Penis
Ang nakatayong ari ng lalaki ay nagpapanatili ng fracture kung tatama sa malakas na puwersa, tulad ng pelvic bone ng babae. Maaari itong mangyari kung ang lalaki ay nagsasagawa ng malakas na pagpasok habang nakikipagtalik.
Ano ang gagawin
Ang mga injury sa kama na kabilang ang broken penis ay kinakailangan ng dagliang medikal na atensyon. Kaya’t nararapat na magtungo sa ospital. Kadalasan, upang maiayos ang kondisyon, ang doktor ay magsasagawa ng operasyon.
Ayon sa mga eksperto, ang broken penis ay maiiwasan kung ang mga magkarelasyon ay malay sa posibilidad na magkaroon nito at maging maingat sa matitindi o “hard” na pakikipagtalik. Ang lubrication at tamang pag-asinta ay makatutulong.
Muscle or Groin Pull
Natatandaan mo kung paano mo nababatak ang iyong muscle habang nag-eehersisyo? Ganun din sa pakikipagtalik. Dahil ang pakikipagtalik ay kadalasan na masiglang gawain, ang magkarelasyon ay kayang mabatak nang husto o mapilas ang muscle (partikular na sa singit) at matanggal.
Ano ang gagawin
Maaari mong lunasan ang nahila na muscle sa bahay gamit ang:
- Over-the-counter na mga gamit na makatatanggal ng sakit, mas mainam kung may payo ng doktor
- Gumamit ng malamig na compress upang mawala ang pamamaga
- Magpahinga nang sapat
Kung ang iyong sitwasyon ay hindi bumuti o lumala kahit na ito ay iyong ginamot, agad na kumonsulta sa iyong doktor.
[embed-health-tool-bmi]
Yamang nag-uusap tayo tungkol sa nahilang muscle, may mga standard ng pag-iingat na nararapat. Kabilang sa mga ito ang pagiging marahan at pag-warm up bago magpalit ng posisyon sa pagtatalik, lalo na ang mga posisyong mapanghamon.
Pelvic Floor Strain
Ang pelvic floor strain, ay isa sa mga karaniwang injury sa kama, ito ay isang uri ng nahilang muscle. Gayunpaman, dahil ang gamit upang maiwasan ay kaiba, tatalakayin natin ito nang magkahiwalay.
Parehong mga babae at lalaki ay mayroong pelvic floor muscles. Ito ay nakikita sa pelvis at nababatak mula sa pubic bone sa harap patungong coccyx sa likod, para itong “duyan.” Ang duyan na ito ay sumusuporta sa maraming organs kasama na ang bladder at ang uterus.
Habang nakikipagtalik, ang pelvic floor muscles ay maaaring makaranas ng stress na nagreresulta sa strain. Maaari itong humantong sa masakit at hindi komportableng pakikipagtalik.
Ano ang gagawin
Dahil ang pag-strain ng pelvic floor muscles ay makaapekto sa iyong sekswal na kaligayahan at magiging sanhi ng stress sa mga organ na sinusuportahan nito, kinokonsidera ang mga sumusunod na hakbang:
- Iwasan ang pakikipagtalik kung ikaw ay nagangamba at nababagabag dahil ang mga pakiramdam na ito ay magdudulot ng hindi inaasahang tensyon sa muscles ng katawan, kasama na ang pelvic floor. Tandaan: Ang tight muscles ay may mas mataas na tsansa na ma-strain.
- Gumamit ng lubrication upang mabawasan ang stress sa pelvic floor muscles.
- Ikonsidera ang pagsasagawa ng Kegel exercise
Foreign Object in the Vagina
Maliban sa mga injury sa kama na nabanggit, may posibilidad din ng “pag-iwan ng bagay” sa loob ng ari ng babae. Maaaring ito ay condom o sex toy na ginagamit ng magkarelasyon para pataasin ang pleasure.
Ayon sa mga eksperto, kung ang vaginal foreign body ay naiwan sa mahabang panahon, hahantong ito sa impeksyon at makapipinsala sa adjacent muscles.
Ano ang gagawin
Ang unang dapat gawin ay huminga at mag-relax. Ang tensyonado at tight na muscle ay nagiging sanhi ng pagtigas at hirap tanggalin. Matapos ito, subukan na:
- Sungkutin ang foreign body gamit ang mga daliri. Huwag gumamit ng iba pang kagamitan sa pagtanggal nito.
- Kung hindi mo ito maalis, pumunta sa doktor para sa medikal na tulong
Carpet Burn
Isa sa mga karaniwang injury sa kamay ay carpet burn. Tinatawag din itong rugburn, nangyayari ito kung ang balat ay nag-develop ng pamumula o mahapding pakiramdam dahil sa naulit na friction.
Kadalasan, ang mga parte na apektado ay ang mga kamay, mga siko, at mga tuhod. Ang mga magkarelasyon ay kadalasang nakararanas ng carpet burn kung nakipagtalik sila sa ibang higaan maliban sa kama.
Ano ang gagawin
Kung nagkaroon ka ng carpet burn, hugasan ito ng sabon at malamig na tubig. Maaari mo rin itong linisin gamit ang antiseptic upang maiwasan ang impeksyon.
Ang mga doktor ay magpapayo kung nais na makipagtalik sa ibang higaan liban sa kama, lagyan ng sapin na malambot na towel o sapin sa kama. Karagdagan, siguraduhin na ang higaan ay malinis upang maiwasan ang posibleng sugat at impeksyon.
Back Injuries
Katulad din kung paano nagkakaroon ng injury kung nagwo-work out o kahit na anong gawaing pang-atleta, maaari ka ring magkaroon ng back injuries habang nakikipagtalik.
Ano ang gagawin
Kung makaranas ng sakit sa likod matapos makipagtalik, ikonsidera ang pagligo ng mainit na tubig upang mawala ang sakit. Upang maiwasan ang injuries, mag stretch at warm up nang kaunti bago makipagtalik. Karagdagan, makipag-usap sa iyong karelasyon tungkol sa sekswal na posisyon, ikonsidera rin ang pagiging ligtas.
Kung ang iyong sakit sa likod ay hindi mawala, huwag mag-alinlangang kumonsulta sa doktor.
Mahalagang Tandaan
Sa maraming mga kaso, ang pakikipagtalik ay hindi dapat na masakit. Ngunit kung mangyari ang injuries sa kama, ang pag-alam kung ano ang gagawin ay kapakipakinabang. Maging bukas sa iyong karelasyon kung mayroong tiyak na bagay o posisyon na hindi komportable. Makatutulong itong makaiwas sa mga hindi inaasahang aksidente sa pakikipagtalik at injuries.
Alamin ang marami pang tips tungkol sa sex dito.
Isinalin mula sa orihinal na Ingles na sinulat ni Lorraine Bunag, R.N.