backup og meta

Gamot Sa Sex Addiction, Ano Nga Ba?

Gamot Sa Sex Addiction, Ano Nga Ba?

Ang sex addiction ay maaaring ilarawan bilang isang hindi mapigilang pangangailangan sa paggawa ng sexual acts upang maabot ang isang tiyak na level ng kasiyahan at upang maibigay ang pangangailangan. Maaari itong maikumpara sa isang alcoholic o sa isang drug addict. Upang makabuo ng sagot sa kung papaano mahihinto ang sex addiction, kailangan nating suriin nang mas malalim ang mga implikasyon nito. Ano ang mga treatment at gamot sa sex addiction?

Ano Ang Sex Addiction?

Maaaring maging sobrang mapanganib para sa ilang mga tao ang sex addiction. Maaari din itong maging sanhi ng mga sitwasyong makasisira sa magandang relasyon. Gaya ng iba pang anyo ng addiction, kung hindi masusuri, o kung lumala ay puwedeng makapagdulot ng negatibong epekto sa buhay ng isang tao. 

Naobserbahan din, bagaman hindi pa sapat na sabihing isa itong senyales ng isang disorder, na may natural na tendensiya ang sex addicts na maghanap ng sexual interactions sa iba’t ibang partners, at maaaring umabot sa hindi mapigilang pagsasarili (masturbation), panonood ng pornograpiya, o maglagay sa kanilang sarili sa kahit na anong sitwasyon na magpapatindi ng nararamdamang pagnanasa sa sex, kahit pa may negatibong epekto ito sa buhay at relasyon ng isang tao.   

Ang isang taong na-diagnose na may sex addiction ay gagawa ng malalaking adjustments upang makuha ang kanyang mga kagustuhan. Ang isang sex addict ay kadalasang gumagawa ng iba’t ibang sex acts sa loob ng isang araw. Hindi rin nila nagagawang kontrolin ang kanilang ikinikilos sa kabila ng kanilang pagtatangkang matutunan kung paano mahihinto ang sex addiction. 

Mga Sintomas Ng Sex Addiction

Makikita sa ibaba ang listahan ng mga sintomas at epektong maaaring maiugnay sa sex addiction. Maaari itong mapatunayang kapaki-pakinabang para sa mga indibidwal na nag-aaral kung paano mahhinto ang sex addiction. 

  • Malalang pag-uugali na nagpapakita ng seksuwal na pagpapantasya at mga iniisip
  • Hindi mapigilang pagnanasang gumawa ng sexual interactions kasama ang magkakaibang partner o maging sa hindi kakilala 
  • Manipestasyon ng pagiging malihim
  • Mas inuuna ang sexual actions kaysa sa mga bagay na kinakailangan sa araw-araw (trabaho, pagiging produktibo at iba pa)
  • Walang kakayahang bawasan, kontrolin, at iwasan ang mga hindi mapigilang gawi o ikinikilos
  • Ang post-coital tristesse ay tumutukoy sa pakiramdam na malungkot, nagkasala, balisa, agresibo, at iba pang parehong emosyon pagkatapos makipagtalik
  • Walang pakialam sa maaaring panganib habang gumagawa ng sexual acts
  • Madaling maapektuhan sa mga negatibong karanasan na may kaugnayan sa personal at propesyonal na buhay

Paano Mahihinto Ang Sex Addiction

Kabilang sa pangkalahatang gamutan para sa sex addiction o compulsive sexual behavior ang aplikasyon ng gamot sa sex addiction. Kasama rin ang psychotherapy, at pakikisalamuha sa mga grupo ng mga taong apektado rin ng parehong kalagayan. 

Kung apektado ka ng sex addiction, isang paraan ng gamot sa sex addiction ay ang labanan o gamutin ang anumang mental health conditions na kasabay nito. Maaaring kabilang dito ang mga problema tulad ng pagkabalisa (anxiety), depression, o mga katulad na kondisyon. 

Upang higit na maging detalyado sa kung papaano mo tutulungan ang sarili na harapin ang sex addiction, nakalista sa ibaba ang ilan sa karagdagang kaalaman tungkol sa psychotherapy at medications.

Gamot Sa Sex Addiction: Psychotherapy

Cognitive Behavioral Therapy – Kilala rin bilang CBT, ginagamit ito upang matukoy ang mga negatibo, unhealthy, at mapanganib na mga pag-uugali at paniniwala. Matapos matukoy, nilalapatan ito ng mga pamamaraan upang matulungang mapalitan ang mga pag-uugaling ito ng mas wasto at healthy habits.

Acceptance and Commitment Therapy – Kinikilala rin ito bilang isa pang porma ng cognitive behavioral therapy na nagbibigay tuon sa acceptance sa mga nais, kagustuhan, at iniisip. Saka ito lalabanan nang may commitment na nagiging daan upang makabuo ng mga paraan upang mapabuti ang pag-uugali o ikinikilos nang may makatotohanan at tuloy-tuloy na tunguhin.

Psychodynamic Psychotherapy – Isa itong uri ng therapy na nakapokus sa pagtulong sa pasyenteng maabot ang kanyang unconscious thoughts at behaviors. Nakatutulong ito upang makabuo ng mga pag-unawa sa kalikasan ng isang sitwasyon at malutas ang mga conflict na may mga gawing hindi nakikita nang malinaw.

Gamot Sa Sex Addiction

Mood Stabilizers – Karaniwang ginagamit upang gamutin ang mga kondisyong gaya ng bipolar disorder. Maaari ding gamitin upang matulungang ma-stabilize ang mga compulsive urges o hindi mapigilang mga kagustuhan.

Antidepressants – Ginagamit at idinisenyo upang matulungan ang mga pasyenteng labanan ang mental health conditions na maiuugnay sa sex addictions.

Anti-androgens – Ang mga gamot sa sex addiction na itinuturing na anti-androgens ay ginagamit upang mabawasan ang androgens sa mga lalaki. Ang androgens ay sex hormones. Kaya naman eksklusibong ginagamit ang anti-androgen sa mga lalaki na may compulsive sex behavior at may tendensiyang gumawa ng masama sa ibang tao.

Key Takeaways

Bagaman wala pang matibay na mga pag-aaral tungkol sa sex addiction, ito ay isang totoo at mapanganib na kalagayan. Kumonsulta sa iyong doktor upang matugunan ang mga kaugnay na kondisyon at para sa pinakamainam na gamot sa sex addiction.

Matuto pa tungkol sa Sexual Wellness dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Compulsive sexual behavior, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/compulsive-sexual-behavior/diagnosis-treatment/drc-20360453, Accessed January 11, 2021

Sex Addiction, https://www.goodtherapy.org/learn-about-therapy/issues/sex-addiction, Accessed January 11, 2021

Sex Addiction Treatment, https://americanaddictioncenters.org/sex-addiction, Accessed January 11, 2021

Get help for Sex Addiction,https://www.goodtherapy.org/learn-about-therapy/issues/sex-addiction/get-help, Accessed January 21, 2021

Sexual Addiction and Pornography Addiction, https://www.gulfbend.org/poc/view_doc.php?type=doc&id=48517&cn=1408, Accessed January 21, 2021

Sex Addiction, Neuroscience Trauma and more, https://www.naadac.org/assets/2416/stefanie_carnes_neuroscience-trauma_ac16.pdf, Accessed January 21, 2021

Kasalukuyang Version

06/19/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Safe Ba Ang Sex Practices Mo? Alamin Ang Kasagutan Dito!

Maling Paniniwala ng Lalaki sa Sex, Anu-Ano Ba Ito?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement