backup og meta

Benepisyo ng No Fapping, Mayroon nga ba?

Benepisyo ng No Fapping, Mayroon nga ba?

Ang mga tao ay may magkahalong options tungkol sa masturbation. Ang ilang mga tao ay naniniwala na hindi malusog at walang benepisyo ang “no fapping” o hindi pagma-masturbate. Sa kabilang banda, ang ilang mga tao ay naniniwala na ang regular na masturbation ay mainam para sa iyo. At ito ay normal lamang — at hinihikayat pa para sa isang tao na mag-masturbate.

Ngunit anong epekto ng hindi pagma-masturbate sa iyong katawan? At sa mga lalaki, ano ang epekto nito partikular sa hindi pag-ejaculate?

Benepisyo ng No Fapping: Mayroon nga ba?

Maraming mga rason bakit ang ilang mga tao ay hindi nagma-masturbate. Ang ilang mga tao ay ginagawa ito dahil sa religious na rason, ang iba ay hindi lang nais itong gawin. Gayunpaman, ang iba ay ginagawa ito dahil nararamdaman nila na nakatutulong ito sa kanilang kabuuang kalusugan.

Sa kaso ng nasabi sa huli, sa isang online community sa Reddit.com, na tinatawag na “NoFap” ay sumikat sa hindi pagma-masturbate. Ang mga tao sa loob ng community ay nagsasabi na mahalaga sa mga lalaki na huminto sa masturbation.

Naging sikat ang pagsusulong na ito na nagsimula pa sila ng challenge na tinatawag na “No Nut November,” na kung saan ang mga lalaki ay huminto sa pagma-masturbate sa loob ng isang buwan.

Ayon sa kanila, nakatutulong ito na mapataas ang kanilang lebel ng testosterone at gayundin ang pagpapalakas ng kanilang enerhiya at ang pangkalahatang kalusugan. Ngunit, gaano katotoo ang mga pahayag na ito, at ito ba ay nakabatay sa siyensya?

Ano ang mga Epekto ng Hindi Pag-ejaculate?

Ang mga miyembro ng NoFap community ay nagbahagi na isa sa mga benepisyo ng “no fapping” ay ang mas mataas na lebel ng testosterone.

Base ang pahayag nila sa isang pag-aaral na isinagawa sa pagitan ng masturbation at lebel ng testosterone. Batay sa resulta ng pag-aaral, ang mga kalahok na lalaki na hindi nag-masturbate sa loob ng 7 araw ay nakita ang pagtaas ng lebel ng testosterone.

Sa katunayan, ang lebel ng testosterone ay tumaas na 45.7% na mas mataas kaysa sa normal na lebel. Ito ay malaking pagtaas.

Ayon sa community, ang mas mataas na lebel ng testosterone ay nakapagpapalusog sa mga lalaki sa kabuuan, nagpapabuti ng sexual performance at nakatutulong sa pag-build ng muscle. Habang ang mga ito ay bahagyang totoo, ang testosterone ay hindi lang nag-iisang salik sa kalusugan, sexual performance, at pag-build ng muscle. Ang mga salik tulad ng diet ng isang tao, gaano nag e-ehersisyo kada araw, at ang genetics ng isang tao ay kasama rin.

Maliban dito, may isa pang problema tungkol sa pahayag ng NoFap community. Tungkol sa pag-aaral sa pagtaas ng lebel ng testosterone, ang mga mananaliksik ay nakita na ang lampas sa 7-linggo na pagtigil sa masturbation, ang lebel ng testosterone ay biglang bumababa.

Karagdagan, ang ibang pag-aaral ay isinagawa sa pagtigil ng masturbation at napag-alaman na walang pagkakaiba sa lebel ng testosterone sa pagitan ng mga lalaki na tumigil at mga lalaki na patuloy na nagma-masturbate.

Kailan Dapat Mangamba sa Masturbation?

Sa kabila nito, may ibang mga posibleng rason bakit ang isang tao ay nais huminto sa masturbating.

Sa partikular, ang mga tao ay maaaring magkaroon ng sex addiction o mapansin na ang kanilang masturbation ay nakaabala na sa kanilang trabaho o personal relationships, kaya’t nais nilang ihinto ito.

Bagaman sa mga kaso na ito, mas mainam na humingi ng tulong propesyonal. Sa ganung paraan, matutugunan ang ugat ng problema.

Benepisyo ng No Fapping: Ano ang Sinasabi ng Medikal na Agham dito?

Ayon sa medikal na agham, ang masturbation ay healthy at normal na ginagawa ng mga tao. Sa katunayan, sinasabi na ito ang pinaka ligtas na paraan ng sexual practice na maaaring isagawa ng isang tao.

Ayon sa agham, narito ang ilang mga benepisyo ng no fapping:

  • Nakatutulong na maging maayos ang sexual tension
  • Nakapagpapabuti ng pangangatawang pisikal
  • Nakatutulong na mabawasan ang stress
  • Mas makatutulog nang maayos
  • Makapagpapabuti ng mental at pisikal na pangangatawan

Ang isang pagkakataon lang na maging problema ang masturbating kung ito ay nakasasagabal na sa pang-araw-araw na buhay.

Key Takeaways

Bagaman may mga mahahalagang benepisyo ang no fapping o masturbating, hindi ibig sabihin nito na masama itong gawin. Sa kabila ng lahat, ito ay nakadepende sa pagdedesisyon ng isang tao kung nais nilang mag-masturbate o hindi.

Matuto pa tungkol sa Sekswal na Pangangalaga at Sex Tips dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Men’s Reasons to Abstain from Masturbation May Not Reflect the Conviction of “reboot” Websites, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7300076/, Accessed February 2, 2021

Masturbation – Better Health Channel, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/HealthyLiving/masturbation, Accessed February 2, 2021

Abstinence from Masturbation and Hypersexuality, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7145784/, Accessed February 2, 2021

Is Masturbation Healthy?, https://www.plannedparenthood.org/learn/sex-pleasure-and-sexual-dysfunction/masturbation/masturbation-healthy, Accessed February 2, 2021

Is Masturbation Good For You? | Benefits of Masturbation, https://www.plannedparenthood.org/learn/teens/sex/masturbation/masturbation-good-you, Accessed February 2, 2021

Kasalukuyang Version

04/11/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Tinatawag na Multiple Orgasm?

Alamin: Para Saan Ang Lube?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement