backup og meta

Ano ang Tinatawag na Multiple Orgasm?

Ano ang Tinatawag na Multiple Orgasm?

Maraming mga tao na nakakarinig ng kwento sa mga magkasintahan tungkol sa pagkakaroon ng multiple orgasms ay napapaisip. Posible ba ito para sa lahat? May mga sikreto ba sa pagkakaroon ng multiple climaxes? Ilang beses maaaring mag-orgasm ang isang tao? Kung ikaw ay interesado kung ano ang multiple orgasm, narito ang madalas na tanong tungkol dito maging ang kasagutan.

1. Ano ang Multiple Orgasms?

Ang unang bagay na dapat nating bigyang-pansin tungkol sa paksa ay ang kahulugan nito. Makikita mo na ang terminong “multiple orgasms” ay walang kahulugan sa diksyonaryo.

Sa ilan, mayroon ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay patuloy na nag o-orgasm na may kaunting “downtime.” Ibig sabihin na ang isang tao ay nananatiling aroused sa pagitan ng climaxes. Ang iba naman, gayunpaman, ay binigyang kahulugan ito na pag-abot sa isa pang orgasm matapos ang pahinga ng ilang mga minuto.

Sa kabuuan, kung pinag-uusapan ng mga tao ang multiple climaxes, ang punto sa pagkakaroon ng orgasms ay nangyayari ng maraming beses sa isang pagkakataong sekswal. Ang mga susunod na orgasms ay maaaring hindi na matindi gaya ng nauna, ngunit ito pa rin ay masarap sa pakiramdam.

2. Totoo ba na ang mga Babae Lamang ang Kayang Mag-orgasm ng Maraming Beses sa Isang Pagkakataon?

Ang multiple orgasms ay mas karaniwan sa mga babae, kung ikokonsidera ang sexual response cycle kung saan nagkakaroon ng “mabilis na pagbabalik ng orgasm phase.” Sa kabaliktaran, ang mga lalaki ay kailangan ng refractory period (oras na recovery) matapos ang climax.

Sa kabila nito, ang mga lalaki ay maaari ding magkaroon ng multiple orgasms.

Nabanggit ng isang ulat na ilan sa mga lalaki ay maaaring magkaroon ng multiorgasmic: mas kaunti sa 10% sa edad na 20s at mas kaunti ng 7% matapos ang edad na 30. Maaaring magkaroon ang mga lalaki ng sporadic na multi orgasms na may pagitan na ilang mga minuto sa bawat climax o condensed multiorgasms kung saan mayroon silang 2 hanggang 4 na orgasms sa loob ng ilang segundo sa dalawang minuto.

Tandaan: Ang ilang babae ay may PGAD o Persistent Genital Arousal Disorder kung saan nananatili silang aroused ng ilang oras o ilang araw nang walang stimulation. Ang mga pasyente na may kondisyon na ito ay maaaring magkaroon ng multiple orgasms na hindi kaugnay ng sex.

3. Magkapareho lang ba ang Edging at Orgasm?

Ang edging at orgasm ay hindi magkapareho. Ibig sabihin ng edging ay ang pagdating sa brink ng orgasms ngunit hindi talaga ang climax. Ginagamit ng mga magkasintahan ang edging upang patagalin ang sarap, at iniisip na ang climax ay mas magiging matindi. Gayundin, ang pagiging “edged” ng maraming beses ay hindi nangangahulugang pagkakaroon ng maraming climax.

Bagaman ang edging ay hindi masyadong napag-aralan na sex practice, maraming mga tao ang nakapagsasabi na ito ay nakapagpapataas ng excitement, na nagreresulta sa pagtaas o paghaba ng orgasms.

4. Para sa mga Lalaki, Ibig Sabihin ba ng Multiple Orgasms ay Multiple Ejaculations?

Madali lang isipin na ang pagdating sa multiple orgasms ay katumbas ng pagkakaroon ng multiple ejaculations. Gayunpaman, ayon sa mga eksperto, maaaring makaabot ang mga lalaki sa climax nang walang ejaculation. Nangyayari ang dry orgasm kung ang lalaki ay nirelease ang kaunti o walang semilya dahil hindi sila gumagawa ng marami o ang semilya ay bumabalik sa pantog (retrograde ejaculation).

Sa mga babae, ang ilan ay maaaring mag-ejaculate, ngunit ang iba ay hindi. Ang ideya ng ejaculation sa babae ay malawak.

5. Paano Nagkakaroon ang mga Tao ng Multiorgasms?

Sa puntong ito, napapaisip ka siguro ng: paano nagkakaroon (o nakukuha) ang multiple orgasms?

Ano ang multiple orgasm? Una, binigyang-pansin ng mga eksperto na hindi dapat pwersahin ito ng mga magkasintahan. Kung sinubukan mo at ng iyong partner ito at hindi nabigo na magkaroon ng maraming climaxes, ayos lamang ito. Gaya ng naipaliwanag kanina, hindi ito nangyayari sa lahat. Kung nasstress ka rito, ang sex sa kabuuan ay maaaring hindi maging masarap para sa iyo.

Ang mga sumusunod na tips ay maaaring magpataas ng tsansa ng pagkakaroon ng multiple orgasms:

  • Makipagtalik lamang kung ikaw ay relaxed. Ang stress at distraction at maging ang fatigue ay nakababawas sa posibilidad na magkaroon ng multiple orgasms.
  • Pag-usapan ang nais at ang hindi nais sa kama. Talakayin ang boundaries at fantasies kasama ng iyong partner.
  • Mag-enjoy sa foreplay at maging aroused.
  • Mag-eksperimento sa mga bagong posisyon sa pakikipagtalik at gumamit ng mga laruan na komportable ka. Maaari mo ring subukan ang maglaro ng sex games at makinig o manood ng erotica.

Pagkatapos ng lahat, tandaan na kahit na gaano karaming orgasms ang mayroon ka, ang pakikipagtalik ay nagsusulong ng intimacy at pleasure. Kung may problema sa pagkakaroon ng orgasm, ang pinaka mainam na gawin ay konsultahin ang eksperto sa kalusugan.

Matuto pa tungkol sa Sex Tips dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1. What Are Multiple Orgasms? How Common Are They?, https://www.njsexualmedicine.com/blog/what-are-multiple-orgasms-how-common-are-they, Accessed December 13, 2021

2. Sexual Response Cycle, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/9119-sexual-response-cycle, Accessed December 13, 2021

3. Multiple Orgasms in Men—What We Know So Far, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S2050052115000542, Accessed December 13, 2021

4. Determinants of female sexual orgasms, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5087699/, Accessed December 13, 2021

5. Dry orgasm, https://www.healthdirect.gov.au/dry-orgasm, Accessed December 13, 2021

6. Female ejaculation: An update on anatomy, history,and controversies, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/epdf/10.1002/ca.23654, Accessed December 13, 2021

Kasalukuyang Version

09/02/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Nakakabuntis ba ang First Time? Alamin Dito!

Alamin: Para Saan Ang Lube?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement