backup og meta

Ano Ang G-Spot At Paano Ito I-Stimulate?

Ano Ang G-Spot At Paano Ito I-Stimulate?

Maraming nais magbigay ng pleasure sa kanilang kinakasamang babae sa pamamagitan ng pag-stimulate ng kanilang g-spot. Tanging problema lang ang medyo mahirap na paghahanap sa sinasabing erogenous part na ito. Ano ang g-spot at paano mahahanap at ma-stimulate ang g-spot ng babae? Alamin dito.

Ano Ang G-Spot?

Bago natin ipaliwanag kung paano hanapin at i-stimulate ang g-spot ng babae, alamin muna natin kung ano talaga ito. Habang nauna na ipinakilala ng German scientist na si Ernst Gräfenberg ang konsepto ng g-spot noong 1940s, pinagtatalunan pa rin hanggang ngayon ang pagkakaroon nito. Halimbawa na lamang ng isang pag-aaral noong 2012 na walang nakitang ebidensya na nagsasabing nasa anatomy ang g-spot. Marami rin ang naniniwala na hindi talaga partikular na bahagi ang g-spot ng babae. Sa halip, isa itong  zone (marahil extension ng clitoris) na nagbibigay ng matinding pleasure sa tuwing na-stimulate.

Nahihirapan din hanapin kahit na ng mga taong sexually experienced ang g-spot ng babae. Gayunpaman, sinusubukan pa rin nila, umaasa na mabigyan ang kanilang kapareha ng matinding pleasure sa kwarto.

Paano Hanapin At Ma-Stimulate Ang G-Spot Ng Babae

1. Huwag laktawan ang foreplay

Dahil ang mga daliri ang kadalasang pinaka epektibo sa pag-stimulate ng g-spot ng babae, marapat na maggupit muna ng mga kuko at maghugas nang maigi bago hanapin ang erogenous zone.

Pagkatapos, magsagawa ng perpektong foreplay sa pamamagitan ng paghalik at paghaplos sa mga sensitibong bahagi na pinakagusto niyang hinahawakan habang nakikipagtalik, gaya ng leeg, batok, labi, suso, at hita.

I-stimulate ang mga sensitibong lugar na pumupukaw sa kababaihan at nagpapataas ng lubrication, isang mahalagang bahagi sa pag-stimulate ng g-spot ng babae.

2. Hanapin ang g-spot ng babae

Ito na ang nakalilitong bahagi. Dahil pinagtatalunan pa rin ang pagkakaroon ng erogenous zone, nananatili pa rin itong walang tiyak na lokasyon. Ang mabuti namang balita dito, may pinagkasunduan naman ang lahat kung saan posibleng naroon matatagpuan ang zone.

Makikita na may ilang mga babae ang nagsasabi na nakararamdam sila ng pleasure o umaabot din sa orgasam sa tuwing na-stimulate ng kanilang partner ang anterior wall ng vagina (3-5cm ang lalim).

Sabihin sa babae na humiga sa kanyang likod. Habang nakaharap ang iyong palad sa kisame, subukan abutin ang 3 hanggang 5cm na lalim sa anterior vaginal wall. Marahang masahihin ang vaginal wall gamit ang iyong daliri at saka dahan-dahang balukturin ang iyong daliri pataas. Kung may problema sa paghanap sa g-spot ng babae, hilingin na ilapit ang kanyang mga tuhod sa kanyang dibdib upang maging mas madali.

Ilang tao ang nagsasabi na parang isang maliit na bean-shaped bump ang lugar na ito dahil mas marami itong tissue at sensory nerves kaysa sa paligid nito. Ngunit, huwag kalimutan na naniniwala din ang iba na hindi aktwal na spot ang g-spot, sa halip isa itong zone.

3. I-stimulate ang erogenous zone

Sa sandaling maging komportable na siya sa paggalaw ng iyong mga daliri sa vaginal wall, ibaluktot ang iyong mga daliri at masahihin ito nang marahan at mabagal. Pagkatapos, dahan-dahang bilisan hanggang sa kanyang kagustuhan. Sa puntong ito, ang pleasure na nadarama niya ang maaaring magtulak sa kanya sa climax.

Huwag magmadali. Maaari magdala ng negatibong epekto sa vaginal lubrication ang pagmamadali, na maaaring makasakit sa kanya.

Panghuli, habang in-i-stimulate ang erogenous zone, marahang ilagay ang iyong kabilang kamay sa kanyang anterior pubic area at bahagya itong pindutin. Ang banayad na pressure mula sa labas ang maaari makatulong sa iyo na i-stimulate nang mas mabuti ang zone.

Kung hindi pa rin mahanap at ma-stimulate ang g-spot ng babae, mag-relax. Pagkatapos ng lahat, hindi kinakailangan ang g-spot stimulation upang mabigyan ng pleasure ang iyong kapareha. Marami pang paraan upang paigtingin ang inyong pagtatalik.

Panatilihing bukas ang isip at tuklasin ang mga interes at hindi gusto ng iyong partner. Makatutulong din na tanungin siya nang direkta. Anong posisyon ang gusto niya? Mayroon bang partikular na bagay gusto niyang gawin sa kwarto o sex game na interesado siya? Siyempre, huwag din kalimutang sabihin sa kanya kung ano ang gusto mo.

Sa pagtatapos ng araw, tandaan na hindi lamang tungkol sa pagkakaroon ng matinding orgasm ang pakikipagtalik. Mahalaga na naging physically at emotionally intimate ka sa iyong kapareha.

Kung mayroong mga isyu o problema sa iyong sexual health, huwag mag-atubiling kumunsulta sa isang healthcare expert.

Matuto pa tungkol sa Mga Tips sa Sex dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Where is the G-spot and what does it do?, https://www.plannedparenthood.org/learn/teens/ask-experts/where-is-the-g-spot-and-what-does-it-do, Accessed December 19, 2021

11 ways to help yourself to a better sex life, https://www.health.harvard.edu/healthbeat/11-ways-to-help-yourself-to-a-better-sex-life, Accessed December 19, 2021

What You Need to Know About… the G-spot,https://www.aasect.org/what-you-need-know-about-g-spot-0, Accessed December 19, 2021

Is the G-Spot Real?, https://nwhn.org/is-the-g-spot-real/, Accessed December 19, 2021

G-spot: Fact or Fiction?: A Systematic Review, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S205011612100115X, Accessed December 19, 2021

Kasalukuyang Version

04/24/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Tinatawag na Multiple Orgasm?

Alamin: Para Saan Ang Lube?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement