Oras na ba para magpasuri kung may syphilis ka? Iminumungkahi ang mga tao, lalo na ang mga sexually active, na sumailalim ng test sa syphilis. Ito ay dahil sa pinsala na maaaring gawin ng naturang sakit sa iyong katawan.
Kinakailangan ang test sa syphilis dahil ang mga pangunahing sintomas nito ay maaaring mapagkamalang mga senyales ng ibang kondisyon.
Ang initial syphilis ay maaaring magmukhang hindi gaanong seryosong kondisyon ng balat. Mayroon ding posibilidad na ang syphilis ay magmistulang ‘mawala’, kasama ang lahat ng mga sintomas nito. Nagbibigay ito ng false sense of security sa pasyente. So madalas itong nababalewala. Marami na ang kaso kung saan ang sakit ay bumalik pagkatapos ng maraming taon, at isang advanced state na ito.
Ang lahat ng factors na nabanggit ay mahalaga para kumuha ng test sa syphilis.
May Mga Sakit Ba na Kapareho ng Sintomas ng Syphilis?
Ang ilang mga sakit na maaaring mapagkamalang syphilis ay ang mga sumusunod:
- Cutaneous vasculitis – Kasama sa grupong ito ang capillaritis, at small, medium, at large vessel vasculitis. Ito ang pamamaga ng mga daluyan ng dugo sa balat at maging sa malalaking ugat.
- Palmoplantar keratoderma – Kasama sa kondisyon ng balat na ito ang diffuse keratodermas, focal keratodermas, at punctate type keratodermas. Ang kondisyon ng balat na ito ay nagdudulot ng sobrang kapal ng balat.
- Panuveitis – Ito’y pamamaga ng uveal layer ng mata. Ang pamamaga na ito ay maaaring makaapekto sa iba pang bahagi ng mata. Ang panuveitis ay maaaring humantong sa panlalabo ng paningin at maging sa pagkabulag.
Anong Test sa Syphilis ang Kailangan kong Kuhanin?
Ang mga test sa syphilis ay mga serologic tests. Maaari silang maging nontreponemal o treponemal-specific.
Ang nontreponemal test ay naghahanap ng mga reagin antibodies. Ginagamit ito ng mga doktor bilang initial screening test.
Pagkatapos nito, gagamit ang mga doktor ng treponemal test para kumpirmahin ang mga resulta. Ang mga ito ay naghahanap ng mga antibodies na nakadirekta sa bakterya mismo. Naghahanap din sila ng mga antibodies na nakadirekta sa mga antigen – ang toxic substances na na-produce ng bakterya. Naghahanap din sila ng iba pang treponemes.
Ang paggamit ng isang type ng test lamang ay maaaring hindi sapat, at maaaring magbunga ito ng false positive result.
Nontreponemal Test
Ikaw ay sasailalim muna sa screening para sa syphilis at bibigyan ka lamang ng karagdagang test para kumpirmahin kung positibo ang mga resulta ng paunang test.
Kasama sa screening test na ito ang mga sumusunod:
- Venereal disease research laboratory (VDRL) – Ang test na ito ay naghahanap ng mataas na dami ng produksyon ng antibody para kumpirmahin ang impeksiyon.
- Red Plasma Reagin (RPR) – Ito’y naghahanap ng mga antibodies na na-produce laban sa syphilis. Partikular silang naghahanap ng mga antibodies na nakadirekta laban sa mga cell na nasira nang impeksyon.
- Rapid immunochromatographic test – Gumagamit ang test na ito ng nitrocellulose strip, tulad sa pregnancy test. Ang strip ay naglalaman ng mix of antigen at selenium colloid (isang serum) na tumutugon sa mga antibodies laban sa syphilis. Tulad ng pregnancy test, ang area na may colloid ay lalabas bilang isang line kung may reaksyon sa pagitan ng antigen-selenium mix at ng mga antibodies na hinahanap ng test na ito.
Treponemal Tests
Ang mas detalyadong test para kumpirmahin ang syphilis ay ang mga sumusunod:
- Fluorescent treponemal antibody absorption (FTA-ABS) – Ang test na ito ay naghahanap ng compounds na nasa antigens na matatagpuan sa ibabaw ng bakterya. Ang special light source at filters ay nag-iilluminate sa mga compound na iyon sa antigen. Nagiging sanhi ito ng pagkinang ng antigen para mas madaling mahanap ang bakterya.
- Dark-field microscopy – Ang dark-field microscopy ay nagpapadilim sa mga area sa paligid ng naobserbahang bakterya para mas madali itong maobserbahan. Sinasala nito ang mga hindi kinakailangang bahagi ng larawan at pinapalaki ang naobserbahang bagay. Lumilikha ito ng stark contrast na halos itim na background na may maliwanag na object.
- Polymerase chain reaction (PCR) test – Ginagamit ng test na ito ang DNA ng bakterya at gumagawa ng milyun-milyong kopya gamit ang advanced na makinarya. Gagawin nitong mas madali ang pag-obserba at pagtukoy ng bakterya na nasa sample.
Key Takeaways
Bilang konklusyon, ang pagsusuri para sa syphilis ay mas advanced na at napakamaaasahan. Nahahati ito sa nontreponemal at treponemal-specific tests. Kapag maaga mong na-detect ang impeksyon, magagamot mo ito at masasabing mong goodbye na sa syphilis.
Key-takeaways
Matuto pa tungkol sa Syphilis dito.