backup og meta

Stages ng Syphilis: Mga Dapat Mong Malaman

Stages ng Syphilis: Mga Dapat Mong Malaman

Ang syphilis ay isang highly-infectious na sakit na kadalasang kumakalat sa pamamagitan ng mga sekswal na gawain, kabilang na ang oral at anal na pakikipagtalik. Kadalasan, ang pasyente ay walang malay na mayroon siya ng sakit na ito, at dahil dito, naipapasa niya ito sa kanyang kapareha. Narito ang mga dapat mong malaman na may kinalaman sa mga stages ng syphilis, mga sanhi, pag-iwas, at paraan ng panggagamot. 

Ang isang taong pinaghihinalaang mayroon ng sakit na ito ay dapat na kumuha ng confirmatory test para sa syphilis. 

Ang impeksyon ay nagsisimula sa mga hindi masasakit na pamamaga, kadalasan na sa mga ari, butas ng pwet, o bibig. Ito ay naipapasa mula sa isang tao patungo sa isa pa sa pamamagitan ng balat o pagkakalapat sa mucous membrane, ng mga pamamagang ito. 

Stages ng Syphilis: History at Mga Kaganapan 

Naging isang bantang pampubliko ang syphilis. Nang madiskubre ang antibiotic na penisillin noong dulong bahagi ng 40’s, isang epektibong panlunas sa syphilis ang natuklasan. 

Sa Pilipinas, ang mga kaso ng syphilis (kasama na ang gonorrhea, genital warts, at herpes) ay bumababa. Gaya ng sa ibang STDs, may mga social stigma ukol sa syphilis. 

Nadiskubre ng Philippine Dermatological Society noong 2011 na ang syphilis ang isa sa mga pinakamaraming naapektuhang uri ng impeksyon sa bansa. 

Stages ng Syphilis: Mga Senyales at Sintomas na Dapat Bantayan 

Ang bacterium na T. pallidum (Treponema pallidum) na sanhi ng syphilis ay pumapasok sa katawan sa pamamagitan ng direktang pagkakadikit sa isang open sore (sugat) ng isang taong mayroon nito o body fluids. 

Pumapasok ang becaterium sa napakaliliit na cracks ng balat at mucus membrane na nakabalot sa paligid ng pagkalalaki, pagkababae, bibig, at pwet. 

Ang mga senyales ng sakit na ito ay maaaring maging mild lamang kaya hindi gaanong mapapansin ng taong mayroon nito. Maaaring maging kamukha ang mga ito ng mga tigyawat o rashes. 

Ang mga sintomas ay maaaring magpakita o hindi. Ngunit hindi ito nangangahulugan na wala na ang impeksyon. Ang medikasyon lamang ang tanging solusyon. 

Narito ang mga sintomas sa bawat stage ng impeksyon. Maaaring mag-iba-iba ang mga ito sa bawat stage at hindi sumunod sa isang tiyak na padron. Ang mga sintomas ay hindi lumalabas sa pareho-parehong kaayusan sa lahat ng pasyente. 

Primary Stage 

Ang syphilis sore (o chancre) ay lumalabas kung saan pumasok ang impeksyon. Ito ay kadalasan matigas, bilog, at hindi masakit, at sa mga pagkakataon, bukas at basa. Ang mga sore ay maaaring magpakita nang isahan o bilang grupo. 

Lumalabas ang mga ito sa vulva, pagkababae, pwet, pagkalalaki, at scrotum. Sa mga bihirang pagkakataon, lumalabas ang mga ito sa mga labi at bibig. Maaari ding nakatago ang mga sore sa pagkababae, butas ng pwet, ilalim ng foreskin, at iba pang mga bahagi ng katawan kung saan kailangan mong suriin para makita. 

Ang mga sore ay kadalasang lumalabas sa pagitan ng tatlong linggo hanggang tatlong buwan matapos ang impeksyon. Nawawala rin ang mga ito matapos ang tatlo hanggang anim na buwan, ginagamot man o hindi.

Ngunit hindi ito nangangahulugan na wala na ang syphilis. Kailangang uminom ng antibiotic ng taong nahawaan nito upang maiwasan ang paglala ng kondisyon. 

Secondary Stage 

Ang mga sintomas ay nagpapakita 3-12 linggo matapos ang unang yugto ng chancre at lumalabas sa anyo ng mga rashes sa palad, talampakan, at iba pang bahagi. Mahirap mahanap ang mga syphilis rash sapagkat hindi nangangati ang mga ito. 

Kabilang sa iba pang mga sintomas ang sumusunod: 

  • Pagkadama ng pagkakasakit 
  • Mga senyales ng mild na trangkaso gaya ng lagnat, pagkapagod, pamamaga ng lalamunan, magang mga glands, pananakit ng ulo, at pananakit ng mga kalamnan
  • Mga sore sa bibig, pagkababae, o pwet 
  • Pagpayat 
  • Pagkalagas ng buhok

Ang mga sintomas ay maaaring magtagal sa loob ng dalawa hanggang anim na linggo. Maaari itong lumalabas o mawala sa loob ng dalawang taon. Mahalaga ang pagpapa-test. Dagdag pa rito, mahalaga rin ang medikasyon para maiwasan ang paglala ng syphilis tungo sa mas mapanganib na stage. 

Late Stage 

Sa panahon ng late stage ng syphilis, mga seryosong sintomas na ang lalabas. 

Ang yugtong ito ay mailalapat sa mga pasyenteng hindi nagpagamot sa loob ng mahabang panahon, o 10-20 taon pagkatapos nilang mahawa ng sakit. 

Kabilang sa mga komplikasyon sa puntong ito ay ang sumusunod: 

  • Tumors 
  • Pagkabulag
  • Paralysis 
  • Pagkasira sa nervous system 
  • Pagkasira ng utak 
  • Pagkamatay 

Ano ang mga banta sa pagkakaroon ng syphilis? Ang mga may mas malaking tyansa ng pagkakaroon nito ay iyong mga: 

  • Nagsasagawa ng hindi protektadong pagtatalik 
  • Maraming sekswal na kapareha 
  • May HIV 
  • Kalalakihang nakikipagtalik sa ibang mga kalalakihan 

Ang mga sanggol ay maaari ding magkaroon ng syphilis na mamamana nila mula sa kanilang mga ina. Karamihan sa mga sanggol na ito ay asymptomatic. Ang ilan ay maaaring labasan ng mga rashes sa kanilang mga palad o talampakan. Ang mga komplikasyon na maaaring mangyari sa hinaharap ay ang sumusunod: 

  • Atay na lumaki 
  • Paninilaw 
  • Discharge sa ilong 
  • Namamagang glands 
  • Abnormalidad sa buto 
  • Problemang Kaugnay ng utak 

Kumunsulta sa pediatrician kung nakapansin ng discharge, sore, rash sa bahagi ng ari ng sanggol. 

sintomas ng congenital syphilis

Paano ko Maiiwasan ang Pagkahawa ng Syphilis? 

Ang pinakamainam na paraan ay iwasan ang vaginal, anal, at oral na pakikipagtalik. 

Mahalagang magsagawa ng ligtas na pakikipagtalik. At mahalaga rin na regular na magpa-test para sa mga sexually transmitted diseases (STDs). 

Kung nahawa ka ng kondisyong ito, hindi mo kailangang mabahala. Madaling gamutin ang syphilis. Tiyakin na ang iba ay hindi mahahawa sa pamamagitan ng: 

  • Pag-amin sa iyong mga dati at kasalukuyang kapareha na ikaw ay mayroong sakit, kaya kailangan nilang sumailalim sa confirmatory test para sa syphilis, at gamutan; 
  • Pag-iwas sa pakikipagtalik sa kahit na sino hanggang sa matapos mo ang gamutan at tuluyan nang gumaling ang mga sores. 
  • Ang iyong kapareha ay sumailalim sa gamutan bago kayo maging malapit sa isa’t isa o sa iba. 
  • Pagsusuot ng condom sa bawat sitwasyon na ikaw ay babalik sa mga sekswal na aktibidad matapos ang iyong gamutan. 

Paano Ako Gagaling Mula sa Syphilis? 

Matapos sumailalim sa confirmatory test para sa syphilis, ang iyong doktor ay magrerekomenda sa iyo ng antibiotics— kadalasan ay penicillin. Sa karamihan ng mga sitwasyon, ang iyong sekswal na kapareha ay dapat ding sumailalim sa parehong gamutan. 

Mga bagay na dapat tandaan: 

  • Inumin ang lahat ng mga medikasyon sa paraang ibinilin ng doktor kahit pa mawala na ang mga sintomas nang mas maaga
  • Iwasan ang mga sekswal na aktibidad hanggang sa ikaw at ang iyong kapareha ay tapos na sa gamutan para maiwasan ang reinfection.
  • Huwag makipaghati ng medikasyon sa iba. Ikaw at ang iyong kapareha ay dapat na uminom ng magkahiwalay na dosis ng penicillin. 
  • Tandaan na ang reinfection ay maaaring mangyari matapos ang gamutan. Gumamit ng condoms at/o dental dams nang palagian. Palagian ding magpapa-test. 

Madaling gamutin ang syphilis, ngunit ang pag-iwas pa rin ang pinakamainam na gawin. Makipag-usap sa iyong doktor kung sakaling kakailanganin mo ang isang confirmatory test para sa syphilis. 

Matuto ng higit pa ukol sa mga Sexually Transmitted Diseases dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What are the symptoms of syphilis? https://www.plannedparenthood.org/learn/stds-hiv-safer-sex/syphilis/what-are-the-symptoms-of-syphilis Accessed August 26, 2020

Syphilis and MSM https://www.cdc.gov/std/syphilis/stdfact-msm-syphilis.htm Accessed August 26, 2020

Syphilis – Symptoms and Causes https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/syphilis/symptoms-causes/syc-20351756 Accessed August 26, 2020

Syphilis https://www.nhs.uk/conditions/syphilis/ Accessed August 26, 2020

Syphilis https://medlineplus.gov/syphilis.html Accessed August 26, 2020

Syphilis https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1779891/ Accessed August 26, 2020

Syphilis, https://www.merckmanuals.com/professional/infectious-diseases/sexually-transmitted-diseases-stds/syphilis Accessed August 26, 2020

Kasalukuyang Version

04/27/2022

Isinulat ni Marie Kristel Corpin

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Paano Kumakalat Ang Syphilis? At Paano Ito Naiiwasan?

Sintomas Ng Syphilis, Anu-Ano Nga Ba Ang Mga Ito?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement