backup og meta

Paano Nahahawa ng Syphilis ang Isang Tao?

Paano Nahahawa ng Syphilis ang Isang Tao?

Ang syphilis ay isang uri ng impekyon na makukuha sa pakikipagtalik. Paano nahahawa ng syphilis? Kumakalat ito mula sa tao papuntang isa pang tao sa pamamagitan ng direktang contact sa syphilitic sore, na kilala rin sa tawag na chancre. Ito ay kadalasang nakikita tuwing sexual activity. Ang mga sugat na ito ay tipikal na makikita sa paligid ng bahagi sa labas ng ari, paligid ng anus, sa rectum, o sa loob ng ari ng babae.

  • Sexual Transmission – Ang pagkahawa ng syphilis ay kadalasan na nangyayari tuwing vaginal, anal, at oral na pakikipagtalik. Ang contact sa chancre sa penis, vagina, anus, rectum, labi, o sa loob ng bibig, ay nakabubuo ng mataas na tsansa ng infection.
  • Vertical Transmission (Mula sa buntis na nanay patungong fetus) – Kung ikaw ay buntis na may syphilis, at inaasahan ang nalalapit na panganganak, maaari mong mahawa ng infection ang iyong hindi pa pinapanganak na anak. Ito ay kadalasan na nagreresulta ng mababang timbang ng sanggol, komplikasyon sa panganganak (kabilang ang pre-term na deliveries), o stillbirths.
  • Transfusion-transmitted infections (TTIs) – Posible na maipasa ang syphilis gamit ang pagpapasa ng dugo. Kung ang donor ay may syphilis, ang tatanggap ng dugo ay magkakaroon ng syphilis. Ito ay bihirang pangyayari, dahil sa donor blood screening.

Ang pagbabahagi ng karayom, tipikal na makikita sa mga taong gumagamit ng illicit IV drugs, ay maaari ring humantong sa pagkahawa ng infection. Para sa healthcare professionals, ang aksidenteng pagtusok sa kanilang sarili gamit ang mga karayom ay maaari ring humantong sa pagkahawa ng infection.

Paano Nahahawa ng Syphilis vs Paano ito Hindi Nakahahawa?

Ang syphilis ay hindi nakakahawa sa paggamit ng parehong inidoro, banyo, damit, o mga kutsara at tinidor ng infected na tao.

Paano nahahawa ng syphilis? Ang syphilis ay kumakalat sa pamamagitan ng direktang contact ng chancre o syphilis sore. Ang kaisa-isang bukod tangi dito ay sa pamamagitan ng dugo o sa pamamagitan ng vertical transmission.

Paano nahahawa ng syphilis? Maaaring sa pakikipagtalik

Upang lubos na maiwasan ang pagkahawa ng syphilis, iwasan ang pakikipagtalik kung ikaw o ang iyong kapareha ay may syphilis, o may mga nararamdamang sintomas. 

Upang mapigilan ang paghawa ng syphilis sa pakikipagtalik, mahalaga na gumamit ng proteksyon o safe sex kabilang ang:

  • Paggamit ng barrier contraceptive na pamamaraan — Ang paggamit ng condom na panlalaki at pambabae habang vaginal, oral, at anal na pakikipagtalik ay makatutulong upang makapigil sa direktang contact sa sugat. Ang hindi pagkakaroon ng harang, tulad ng pagkasira ng condom habang nakikipagtalik, ay maaaring humantong sa contact at infection.
  • Iwasan ang sharing ng sex toys — Kung gumagamit ng sex toys, iwasan ang pagbabahagi nito. Kung hindi mo ito mapipigilan, hugasan ang mga ito kada pagkatapos gamitin. Gumamit ng condom sa mga laruan kada gagamitin upang maiwasan ang banta ng infection.

Ang syphilis ay mas transmissible (ibig sabihin mataas ang tsansa na makahawa ng infection sa iba pang tao) kung ang infected na tao ay nasa primary at secondary na stage ng syphilis. Habang nasa latent phase, ang risk na makahawa ng sakit ay kalahati ng nasa primary at secondary na stages ng syphilis. 

Ano ang gagawin kung sa tingin mo’y ikaw ay may Syphilis?

Ang mga gawaing sekswal ay pangunahing dahilan kung paano nahahawa ang syphilis. Huminto o ganap na iwasan ang pakikipagtalik kung nasa tingin mo ay ikaw o ang iyong kapareha ay mayroong syphilis. Iwasan ang pakikipagtalik kung ang iyong kapareha o ikaw ay nakararamdam ng mga sintomas.

Ang syphilis ay nagpapakita ng palatandaan, ibig sabihin mayroon kang makikitang mga sugat, o walang palatandaan depende sa stage ng iyong kondisyon. Kung ikaw ay nakipagtalik sa isang tao na sa tingin mo ay mayroong syphilis, maaari kang sumailalim sa screening upang malaman kung ikaw ba ay positibo.

Sa ganitong pamamaraan, makatatanggap ka ng lunas bago magpakita ang mga sintomas. Ito ay maaaring makapigil ng malalang pag-develop ng sakit, at mapigil ang pagkahawa ng iba pang mga tao.

Ang mga healthcare professionals ay inirerekomenda na ang mga indibidwal na may mataas na banta ay sumailalim ng screening upang malaman agad ang infection. Kabilang dito ang mga tao na mayroong maraming sekswal na kapareha at hindi gumagamit ng proteksyon sa pakikipagtalik.

Mahalagang Tandaan

Ang syphilis ay sakit na may mataas ang risk na makahawa sa primary at secondary na stage. Bagaman mababa ang tsansa na mahawa sa latent stage, mayroon pa ring tsansa ng pagkahawa. Ang pag-unawa kung paano nahahawa ng syphilis ay makatutulong upang mapigilan ang infection.

Paano nahahawa ng syphilis? Ang syphilis ay kadalasang kumakalat sa pakikipagtalik nang walang proteksyon, kahit na ito man ay oral, anal, o vaginal na pakikipagtalik.

Ang syphilis ay maaari ring kumalat mula sa placenta papuntang fetus ng isang buntis na positibo sa syphilis. Maaari ring makahawa ang sharing ng karayom o aksidente sa mga ospital kung saan may pagtuturok ng karayom.    

Sumailalim sa screening para sa syphilis kung ikaw ay nakikipagtalik nang walang proteksyon at higit sa isa ang karelasyon.

Higit pang alamin ang tungkol sa syphilis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Syphilis: CDC fact sheet, https://www.cdc.gov/std/syphilis/stdfact-syphilis.htm

Accessed on January 6, 2021

 

Syphilis: CDC Detailed Fact Sheet, https://www.cdc.gov/std/syphilis/stdfact-syphilis-detailed.htm

Accessed on January 6, 2021

 

Sexually Transmitted Infections (STIs), https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/sexually-transmitted-infections-(stis)

Accessed on January 6, 2021

 

Syphilis Transmission: A Review of Current Evidence, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5973824/

Accessed on January 6, 2021

 

Syphilis, https://www.nhs.uk/conditions/syphilis/

Accessed on January 6, 2021

Kasalukuyang Version

12/19/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Stages ng Syphilis: Mga Dapat Mong Malaman

Uri ng Oral STD na Maaaring Makuha Sa Oral Sex


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement