backup og meta

Paano Kumakalat Ang Syphilis? At Paano Ito Naiiwasan?

Paano Kumakalat Ang Syphilis? At Paano Ito Naiiwasan?

Ano ang sanhi at paano kumakalat ng syphilis? Ang syphilis ay sanhi ng bacteria na tinatawag na Treponema pallidum. Ito ay nakukuha sa pamamagitan ng direktang contact sa isang infectious lesion sa kapareha habang nakikipagtalik. Ang contact sa infected secretions na mayroong mga tissue ay hahantong sa primary infection.

Kabilang dito ang pakikipaghalikan o paghipo na may aktibong sugat sa mga labi, suso, o genitals. Sa mga buntis, ang karamdaman ay maaaring kumalat sa fetus sa pamamagitan ng placenta.

Sa simula na mangyari ang infection, umaabot ng 10 mga araw hanggang 3 mga buwan bago makita ang syphilis sore, at ang infection ay maaaring mag progreso mula rito.

Bakit kumakalat nang mabilis ang syphilis sa tiyak na bahagi kumpara sa iba? Mga salik tulad ng namamana, salik sa ekonomiya, at pangkabuoang gawain sa sekswal ay malaking bahagi. 

Narito ang mas malalim na pagtingin sa mga salik na maaaring sanhi ng pagkalat ng syphilis.

Paano Kumakalat Ang Syphilis? Sanhi Ng Bacteria

paano kumakalat ang syphilis

Paano Kumakalat Ang Syphilis Habang Nagbubuntis?

Ang mga nanay na mayroong syphilis habang nagbubuntis at sa panganganak ay maaaring maipasa ang sakit sa mga anak. Maaari nilang maipasa ang sakit sa pamamagitan ng placenta o mataas na infectious lesions sa bahagi ng ari habang nanganganak.

Ang syphilis na sanhi ng bacteria na namana mula sa nanay ay tinatawag na congenital syphilis. Ito ay maaaring maging sanhi ng mapanganib na komplikasyon sa mga sanggol at kung hindi malulunasan, nakamamatay.

Salik Sa Ekonomiya Na Nagpapalala Ng Pagkalat Ng Syphilis

Ang salik sa ekonomiya ay dahilan din kung paano kumakalat ang syphilis.

Halimbawa, ang pressure sa ekonomiya ay maaaring maging sanhi sa mga babae at lalaki na maging sex workers nang hindi nalalaman ang mga gawain sa ligtas na pakikipagtalik. Ito ay maaaring maging sanhi ng syphilis upang kumalat dahil ang isang tao na may syphilis ay maaaring mahawa hindi lamang ang sex worker, ngunit pati na rin sa ibang mga kapareha.

Ang hindi sapat na insurance at limitadong tugon sa kalusugan ay maaaring mag-contribute sa kung paano kumakalat ang syphilis. Ang kahirapan ay nakapipigil sa pag-alam ng mga inklusibo at premyadong insurance na packages. Ibig sabihin nito na kapag nagkaroon ka ng syphilis, hindi mo kayang bayaran ang mga lunas kahit na may insurance coverage.

Hahantong ito sa maraming tao na hindi na magpapagamot at makararanas ng mas malalang kondisyon.

Ang grupo ng mababang sahod, na mayroon nang mas mataas na populasyon na infected sa STD ay mayroon ding limitadong access sa contraceptives at iba pang mga gamot.

Ibig sabihin nito na ang mga taong may mababang sahod ay mas mataas din ang tsansa na makipagtalik nang walang proteksyon at mas kaunting pagpipilian sa lunas. Ito ay naging sanhi ng mass outbreak ng STDs sa mga lugar na mababa ang sahod sa mga bansa.

Sexual Practices

Ipinakita ng estadistika na ang populasyon ng mga lalaking homosexual ay may mataas na rate ng pagkahawa ng STD.

Ang penile penetrative na pakikipagtalik sa pagitan ng dalawang lalaki ay napatataas ang tsansa ng pagkahawa, kumpara sa mga heterosexual na magkarelasyon na kung saan ang isang lalaking kapareha ang nagpe-penetrate, pati na rin sa babaeng homosexual na hindi nangyayari ang penile penetration. 

Naipakita ng mga pag-aaral na ang mga lesbian ang may pinakamababang rate sa pagkahawa ng STD, kabilang ang pagkukumpara sa heterosexual na magkapareha.

Ipinakita rin ng pag-aaral na ang anal na pakikipagtalik ay mas mapatataas ang tsansa na mahawa ng STD, na nagreresulta sa mas mataas na tsansa na magkaroon ng syphilis na sanhi ng bacteria.

Ang tamang paggamit ng condoms ay makatutulong mas mapababa ang pagkalat ng syphilis at iba pang STDs.

Key Takeaways

Ang syphilis ay kumakalat sa paraan ng direktang sekswal na contact.
Gayunpaman maraming mga sirkumstansya at salik na humahantong sa pagkalat ng syphilis.

Higit pang alamin ang tungkol sa Syphilis dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

ADDRESSING POVERTY AS RISK FOR DISEASE: RECOMMENDATIONS FROM CDC’S CONSULTATION ON MICROENTERPRISE AS HIV PREVENTION, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2099321/, Accessed January 5, 2021

THE NEGLECTED HEALTH AND ECONOMIC IMPACT OF STD, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK232938/, Accessed January 5, 2021

FACTORS AFFECTING THE SPREAD OF STDs, https://www.fhi360.org/sites/default/files/webpages/Modules/STD/s1pg10.htm#:~:text=Women%20with%20little%20power%20in,in%20the%20spread%20of%20STDs, Accessed January 5, 2021

SYPHILIS – CDC FACT SHEET, https://www.cdc.gov/std/syphilis/stdfact-syphilis.htm#:~:text=The%20rash%20usually%20won’t,fatigue%20(feeling%20very%20tired), Accessed January 5, 2021

SYPHILIS, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/syphilis/symptoms-causes/syc-20351756, date Accessed January 5, 2021

WHAT ARE THE SYMPTOMS OF SYPHILIS, https://www.plannedparenthood.org/learn/stds-hiv-safer-sex/syphilis/what-are-the-symptoms-of-syphilis, Accessed January 5, 2021

SEXUAL ORIENTATION DISPARITIES IN SEXUALLY TRANSMITTED INFECTIONS: EXAMINING THE INTERSECTION BETWEEN SEXUAL IDENTITY AND SEXUAL BEHAVIOUR, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3575167/, Accessed January 5, 2021

SYPHILIS, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/syphilis/symptoms-causes/syc-20351756, Accessed April 2, 2021

SYPHILIS & MSM (MEN WHO HAVE SEX WITH MEN) – CDC FACT SHEET, https://www.cdc.gov/std/syphilis/stdfact-msm-syphilis.htm, Accessed April 2, 2021

Kasalukuyang Version

09/11/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Stages ng Syphilis: Mga Dapat Mong Malaman

Sintomas Ng Syphilis, Anu-Ano Nga Ba Ang Mga Ito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement