Ang sexual health ay ang pagiging malaya mula sa sexually-related illnesses, disability, violence, at iba pang kondisyong kaugnay ng seksuwalidad. Nangangahulugan din ito ng pagiging physically, emotionally, psychologically, intellectually, at spiritually healthy. Bago natin tingnan pag-usapan ang sexual health sa Pilipinas, alamin muna natin ang mga konseptong kabahagi sa pagbuo ng kahulugan ng sexual health.
May pitong bahaging dapat tingnan upang malaman kung ang isang tao ay maituturing na sexually healthy adult:
- Relasyon
- Self-esteem
- Komunikasyon
- Values
- Edukasyon
- Integridad ng katawan
- Espiritwalidad
Sexual Health Sa Pilipinas: Ano Ang Ibig Sabihin Ng Pagiging Sexually Healthy Adult?
Lumalaganap na ang kamalayan sa sexual health sa Pilipinas. Alam na ng mga tao ang kanilang mga karapatan at pribilehiyong kaugnay nito. Maaaring mabagal ang proseso ngunit ang mahalaga’y nabibigyan na ito ng atensyong kailangan.
Ang sexually healthy adult ay may kakayahang panatilihing balanse ang kanyang sexual relationship sa isa pang tao at maging sa sariling sexual identity.
- Ang isang sexually healthy adult ay nagagawang igalang ang desisyon ng kanyang partner kung gusto ba nito o hindi na makipagtalik.
- Kumportable silang magtanong tungkol sa kanilang sariling sexual health.
- Nagagawa nilang pag-usapan ang mga limitasyon at kagustuhan pagdating sa sex, at maging ng kanilang intensyon sa pakikipagrelasyon, kung ito ba ay para sa casual dating o sa committed relationship.
- Ang mga sexually healthy na adults ay kayang makipagkaibigan nang strictly platonic (walang halos sex) sa ibang kasarian. Nagagawa rin nilang tumuklas ng ibang mga pamamaraan ng pagpaparamdam ng pagmamahal nang hindi nagiging sexual.
- Nagagawa ng sexually healthy adults na magtakda ng boundaries at igalang ang boundaries ng iba. Kaya rin nilang tanggapin ang desisyon ng iba na tumangging makipagtalik nang hindi nakararamdaman ng galit o pagkuwestiyon sa sarili kung bakit ayaw ng ibang taong makipagtalik sa kanya.
- Ang pinakamahalaga, nagagawa nilang ma-appreciate ang sarili nilang katawan. Komportable sila sa sarili nilang sexual identity at orientation. Hindi rin nila hinahayaang pagsamantalahan sila ng ibang tao, at hindi rin nila ito pinagsasamantalahan ang iba.
Sexual Health sa Pilipinas: Ano ang Reproductive Health Law?
Sa Pilipinas, mayroon tayong Reproductive Health Law na pumoprotekta sa 13 sexual reproductive health rights ng isang tao. Tinitiyak ng batas na ito na ang lahat ng Filipino ay puwedeng magtanong tungkol sa reproductive health nang walang takot na mapahiya, mailantad, o mahusgahan sa kanilang mga desisyon. Halimbawa, kung gusto ba nilang magkaroon ng mga anak o hindi sa kanilang buhay.
Bukod pa sa pagpapatibay ng sexual health sa Pilipinas, layunin din ng batas na ito na protektahan ang mga babae mula sa mapanganib na pagbubuntis, sapilitang pagbubuntis, forced sterilization, o forced abortion. Inaasam din ng Reproductive Health Law na protektahan ang mga babae sa mga mapaminsalang traditional health practices, habang nabibigyan sila ng pinakamagandang kalidad ng healthcare na mayroon sa bansa. Isa itong tiyak na pag-usad ng estado ng sexual health sa Pilipinas.
Ang reproductive health ay tungkol ay pagkakaroon ng mga tao ng kasiya-kasiya at ligtas na sex life habang may kakayahang magkaanak – kung nais nila, at mabigyan sila ng kalayaang magdesisyon sa mga tanong na “paano kung,” “kailan,” at “gaano kadalas.” Tungkol din ito sa pagbibigay sa mga tao ng kakayahang labanan ang mga sexually transmitted diseases (STDs).
Sexual health sa Pilipinas: Mga Katotohanan tungkol sa STDs
Upang higit na maipaliwanag ang kalagayan ng sexual health sa Pilipinas, maaari muna nating tingnan ang ilan sa pinakalaganap na uri ng STDs. Kadalasang naikakalat ang sexually transmitted diseases o STDs sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Narito ang walong kilalang uri ng sexually transmitted diseases: ilang uri ng hepatitis, HIV/AIDS, syphilis, chlamydia, trichomoniasis, genital herpes, genital warts, at gonorrhea.
HIV
Ang HIV ay maaaring maging nakamamatay na virus na umaatake sa immune cells. Maaari itong maipasa sa pamamagitan ng pagsasalin ng kontaminadong dugo o sa pamamagitan ng pakikipagtalik at nadikit sa dugo. Gayundin, maaari itong makuha ng isang bata mula sa kanyang ina habang ipinagbubuntis, panganganak, at habang nagpapasuso.
AIDS
Ang AIDS ay isang life threatening condition na dulot ng HIV. Kilala rin ang kondisyong ito bilang “late-stage HIV infection.”
Syphilis
Ang syphilis ay isang bacterial infection na nagsisimula sa isang hindi masakit na sugat na kadalasang nagsisimula sa tumbong (rectum), bibig, o sa ari. Kumakalat ito sa pamamagitan ng balat o sa mucous membrane na nadikit sa mga sugat.
Chlamydia
Ang chlamydia ay isang bacterial infection. Maaaring magkaroon nito ang mga babae sa kanilang cervix, rectum, o sa lalamunan. Maaaring magkaroon nito ang mga lalaki sa kanilang urethra, rectum, at lalamunan. Puwede rin itong maipasa ng isang ina sa kanyang anak habang ipinapanganak ang bata.
Trichomoniasis
Isa itong karaniwang sexually transmitted infection na dulot ng isang parasite. Ang mga babaeng may trichomoniasis ay maaaring makaranas ng masakit na pag-ihi, pangangati ng ari, at mabahong vaginal discharge. Hindi kadalasang nag-de-develop ang mga lalaki ng mga sintomas nito.
Genital Herpes at HSV
Ang herpes ay nagdudulot ng maliliit at masasakit na paltos na natatagpuan sa genital area (ari). Pumuputok ang mga paltos na ito na nag-iiwan ng mga sugat na dumudugo o nilalabasan ng nana. Normal itong sinasabayan ng lagnat o pananakit ng ulo. Maaari itong mapamahalaan ngunit hindi ito nagagamot.
Ang herpes simplex virus (HSV) ay isang impeksyon na sanhi ng herpes at lumalabas sa iba’t ibang bahagi ng katawan, kadalasan ay sa ari at bibig. May dalawang uri ng virus na ito: HV-1 na maaaring maipasa sa mga genitals sa pamamagitan ng oral sex, at HSV-2 na nagdudulot ng genital herpes.
Genital Warts at HPV
Ito ang mga pinakanakakairitang uri ng STDs, ngunit ito rin ang pinakamababa ang kakayahang makapaminsala at pinakamadaling gamutin. Madalas itong natatagpuan sa bukana ng anus at genitals.
Bagaman kadalasan ay hindi mapanganib at nawawala nang kusa, ang human papillomavirus o HPV ay maaaring maging sanhi ng genital warts o mauwi sa cancer.
Gonorrhea
Ang gonorrhea ay isang impeksyong sanhi ng mahapding pakiramdam kapag umiihi. Sinasabayan ito ng madilaw o maputing discharge mula sa iyong ari. Isa itong seryosong komplikasyon ngunit maaari itong mapagaling gamit ang tamang gamutan.
Hepatitis B
Isa itong impeksyon sa atay na naikakalat kapag ang isang tao ay nagkaroon ng contact sa dugo, body fluids, o open sores ng sinumang may hepatitis B virus. Magagamot ito at nawawala kapag nagkaroon na nito nang adult ka na.
Ang sexually transmitted diseases ay ilan sa mga pinakanakahahawang mga sakit. Isa itong seryosong sakit na nangangailangan ng gamutan, bagaman ilan dito, gaya ng HIV ay hindi nagagamot at maaaring nakamamatay. Kung magkakaroon ng mas marami pang kaalaman tungkol sa mga sakit na ito, matutulungan mo ang sariling higit na mapoprotektahan laban sa mga ito.
Maaaring makapanghawa ang STDs sa pamamagitan ng oral, vaginal at anal sex. Sa kabilang banda, ang trichomoniasis ay maaaring maikalat sa pamamagitan ng mga basang bagay. Karaniwan ding naikakalat ang sakit sa mga toilet seats, basang damit at tuwalya, bagaman ang pinakakaraniwang dahilan ng pagkalat nito ay sa pamamagitan ng sexual contact.
Sino Ang Mas Malapit Sa Panganib Ng Pagkakaroon Ng STDs?
Mas madaling kapitan ng sexually transmitted diseases ang mga taong ayaw gumamit ng condom habang nakikipag-oral, vaginal o anal sex.
Tumataas din ang panganib ng STDs kung may higit sa isang sexual partner ang isang tao, o kung ang kanilang partner ay may intimate na relasyon din sa ibang tao. Ang mga sex worker, o kaya’y ang mga naghihiraman ng karayom sa pagturok ng recreational drugs ay maikokonsidera ding nasa high risk ng pagkakaroon ng impeksyong dulot ng sexually transmitted diseases.
Sa Pilipinas, syphilis, human papillomavirus na kilala rin sa tawag na HPV, herpes simplex virus, at HIV infections ay ilang lamang sa karaniwang sexually transmitted diseases sa Pilipinas.
Ang Estado Ng Sexual Health Sa Pilipinas
Mula 2011 hanggang 2018, mayroon nang kabuuang 665 na pasyenteng may syphilis, 2,053 may HPV, at 977 na may herpes. Para sa HIV, umabot na sa 58,181 ang bilang ng nagkasakit nito mula January 1984 hanggang August 2018.
Sa tulong ng mga ginawang pagbabago sa estado ng sexual health sa Pilipinas, dapat nating matugunan, masubaybayan, at malagpasan nang paunti-unti ang mga sakit na ito.
Bagaman mahaba-haba pa ang lalakbayin ng sexual health sa Pilipinas, unti-unti naman itong sumasabay sa world standards. Binibigyang kaalaman ng city health workers ang mga mamamayan at pinaaalam sa mga babae ang kanilang mga karapatan.
Hindi na rin nakararanas ng diskriminasyon ang mga mga taong kabilang sa LGBTQ+. At nagkaroon na sila ng pantay sa karapatang makakuha ng impormasyon at pangangalaga sa kanilang kalusugan. Mabagal man, ngunit tiyak na makakamtan natin ang tunay na kahulugan ng sexual health dito sa Pilipinas.
Matuto pa tungkol sa Sekswal na Kalusugan dito.
[embed-health-tool-bmi]