backup og meta

Nakakahawa Ba Ang Hepatitis? Paano Ito Maiiwasan?

Nakakahawa Ba Ang Hepatitis? Paano Ito Maiiwasan?

Nakakahawa ba ang hepatitis? Ito ang kalimitang tanong tuwing pag-uusapan ng mga tao ang sakit na ito.

Upang malaman kung nakakahawa ba ang hepatitis o hindi, kailangan nating maunawaan ang mga sanhi ng sakit na ito, at kung papaano ito naipapasa mula sa isang tao patungo sa isa pa. Basahin upang matuto pa.

Ano Ang Hepatitis?

Ang salitang hepatitis ay tumutukoy sa impeksyon ng atay na madalas na sanhi ng virus. Bagaman may mga bihirang kaso kung saan nagdudulot ng hepatitis ang iba pang kondisyon na may kinalaman sa kalusugan, toxins, at pag-inom ng alak.

Pagdating sa viral hepatitis, ang pinakakaraniwang uri nito ay ang hepatitis A, B, at C. Sa kabila ng kanilang katawagan, ang mga sakit na ito ay sanhi ng iba’t ibang virus, at nangangahulugang maaari nilang mahawaan ang mga tao sa iba’t ibang paraan. Kaya mahalaga na may kamalayan ukol sa iba’t ibang uri ng hepatitis upang maingatan ang sarili mula sa pagkakaroon ng sakit na ito.

Nakakahawa Ba Ang Hepatitis?

Ngayon, ukol sa tanong na “Nakakahawa ba ang hepatitis?” lubhang nakahahawa ang parehong mga sakit na hepatitis A at hepatitis B.

Maaaring maipasa ang hepatitis A sa pamamagitan ng person-to-person contact, o hindi naman kaya’y sa pamamagitan ng kontaminadong inumin at pagkain. Halimbawa, ang pakikipaghalikan, pakikipagtalik, o sa simpleng close personal contact sa taong may hepatitis A ay sapat na upang maipasa ang virus.

Posible ring makontamina ng hepatitis A ang mga pagkain o inumin. Naitala sa iba’t ibang lugar ang paglaganap ng hepatitis A kung saan may malaking bilang ng mga tao ang nakakonsumo ng mga produktong kontaminado ng virus. Gayunpaman, matataas ang mga kasong ito sa mga lugar na kung saan ang hepatitis A ay karaniwan.

Maaaring makapanghawa ang taong may hepatitis A nang hanggang dalawang linggo bago ang paglitaw ng mga sintomas. Pagkatapos gumaling mula sa sakit, nagiging immune ang mga tao sa virus na ito at hindi na muling mahahawa pa ng sakit sa hinaharap.

Ang hepatitis A ay hindi laging naitatalang malubhang sakit, dahil sa ilang mga taong nakararanas lamang ng mild na mga sintomas, o sa iba nga ay halos walang sintomas na naranasan. Ngunit para sa mga matatanda at taong may problema sa atay, mabilis na nagiging seryosong problemang pangkalusugan ang hepatitis A, kaya’t hindi ito dapat na ipagsawalang bahala.

Ano Naman Ang Hepatitis B?

Nakakahawa ba ang hepatitis B? Tulad ng hepatitis A, lubhang nakahahawa ang hepatitis B. Ang pangunahing anyo ng paglaganap ng hepatitis B ay sa pamamagitan ng dugo. Dito matatagpuan ang mataas ang konsentrasyon ng virus. Makikita rin ito sa mga body fluids maging sa mga body tissues bagaman sa mas mababang konsentrasyon.

Ang direktang contact sa infected na dugo ang pinakakaraniwang paraan upang mahawaan ang mga tao ng hepatitis B. Ibig sabihin, ang paggamit ng gamit na needles, paggamit ng mga kontaminadong scalpel, pagdikit o paghawak sa mga open sores o sugat, at hindi sinasadyang makainom ng dugo ay maaaring makapagpalaganap ng nasabing sakit.

Ang surfaces na may kontaminadong dugo ay maaari ding makapagpalaganap ng sakit. Kaya mahalagang malinis at ma-disinfect ang mga surfaces na ito nang mabuti upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na ito.

Maaari ding makita ang hepatitis B sa laway ng tao, bagaman walang naitalang mga kaso ng hepatitis B na nakukuha sa pagpapahiram ng utensils o lalagyan ng inumin.

Gayunpaman, nagdudulot ng impeksyon ang hepatitis B na makikita sa semilya at vaginal fluids ng tao. Kaya mahalagang laging magsuot ng proteksyon habang nakikipagtalik upang maiwasan hindi lamang ang magkaroon ng hepatitis B, kundi maging ang STDs.

Maaaring maging panandaliang sakit lamang ang hepatitis B. Ngunit may ilang mga tao na nakararanas ng mga problemang pangmatagalan kahit gumaling na sila mula sa sakit.

Paano Ito Maiiwasan?

Nakakahawa ba ang hepatitis? Oo, ngunit hindi ibig sabihin nito ay hindi na maiiwasan.

Narito ang ilang mga bagay na maaari mong gawin upang mapababa ang panganib:

  • Magpabakuna. May mga bakuna laban sa hepatitis na magbibigay sayo ng immunity sa mga sakit na ito. Gayunpaman, hindi ito magiging epektibo kung ikaw ay mayroon na.
  • Siguraduhing naluto nang maayos ang iyong pagkain at tiyaking ligtas at hindi kontaminado ang iyong mga inumin.
  • Magsuot ng proteksyon kapag nakikipagtalik.
  • Kapag bumabyahe, tingnan kung ang bansang pupuntahan ay may mataas na bilang ng kaso ng hepatitis. Kung gayon, lubos na maging maingat sa mga kakainin. At siguraduhin na malinis ang iyong mga kamay sa lahat ng oras.
  • Kung nagtatrabaho ka sa lugar na namamahala ng kontaminadong dugo, tiyaking sumunod sa safety protocols.

Key Takeaways

Nakakahawa ba ang hepatitis? Lubos na nakahahawang mga sakit ang hepatitis A at B. Ngunit sa pagsunod sa safety measures, at pagpapabakuna, maaari mong maiwasan ang panganib na magkaroon nito.

Matuto pa tungkol sa iba pang STIs at STDs dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Hepatitis B : OSH Answers, https://www.ccohs.ca/oshanswers/diseases/hepatitis_b.html, Accessed April 14, 2021

What is Hepatitis A – FAQ | CDC, https://www.cdc.gov/hepatitis/hav/afaq.htm#:~:text=Hepatitis%20A%20can%20be%20spread,virus%20before%20they%20feel%20sick., Accessed April 14, 2021

Hepatitis A, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/hepatitis-a, Accessed April 14, 2021

Hepatitis A – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hepatitis-a/symptoms-causes/syc-20367007, Accessed April 14, 2021

Viral Hepatitis A and E | Johns Hopkins Medicine, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/hepatitis/viral-hepatitis-a-and-e, Accessed April 14, 2021

Kasalukuyang Version

03/04/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Safe Ba Ang Sex Practices Mo? Alamin Ang Kasagutan Dito!

Uri ng Oral STD na Maaaring Makuha Sa Oral Sex


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement