backup og meta

Sex Education sa High School sa Pilipinas: Bakit ito Mahalaga?

Sex Education sa  High School sa Pilipinas: Bakit ito Mahalaga?

Ang sexuality education ay isang mataas na kalidad ng instruksyon at pagkatuto tungo sa malawak na saklaw ng mga paksa na konektado sa sex at sekswalidad. Ginagalugod nito ang mga pagpapahalaga at pananaw na sangkot sa mga isyung ito. Ang sexuality education ay nagbibigay rin ng mga kasanayang kailangan para sa maayos na pamamahala ng mga personal na ugnayan at maprotektahan ang kagalingang sekswal ng isang indibidwal. Narito ang dapat mong malaman tungkol sa sex education sa high school sa Pilipinas. 

Kabilang sa mga paksang kasangkot sa comprehensive sexual education (CSE) ay ang sumusunod: 

  • Human Sexual Anatomy 
  • Sekswal na Aktibidad 
  • Sekswal na Reproduksyon 
  • Edad ng Consent 
  • Ligtas na Pagtatalik 
  • Contraceptives 
  • Reproductive Health 
  • Reproductive Rights 
  • Sekswal na Abstinence 

Sex Education sa High School sa Pilipinas: Sa Lehislatura 

Ang Responsible Parenthood at Reproductive Health Act ng 2012 ay naipasa bilang batas upang palawakin ang sexuality education sa mga high school sa Pilipinas. Nais din nitong makapag-garantiya ng panlahat na akses sa mga metodo ng kontrasepsyon, fertility control, at maternal care. 

Ang pagkakapasa ng batas ay lumikha ng kontrobersya dahil sa hating pananaw mula sa mga akademya at relihiyosong institusyon. Dahil dito, ipinagpaliban ng Korte Suprema ang implementasyon ng batas hanggang sa 2014 kung kailan ito idineklarang konstitusyunal. Ito ay matapos tanggalin ang bahagi o kabuoan ng 8 probisyon. 

Mga Konsiderasyong Kultural 

Ang pangangailangan para sa mas mainam na sexuality education sa bansa ay masasalamin sa mataas na antas ng maagang pagbubuntis. Naitala ng 2013 National Demographic and Health Survey na 8% ng mga kababaihang Pilipino sa pagitan ng edad 15 hanggang 19 ay mga ganap nang ina. Ang dagdag na 2% ay buntis sa kanilang unang anak. 

Nalaman din ng isang pag-aaral mula sa Woman Health Philippines na maraming mga dalaga ang nag-iisip na ang pakikipagtalik ay ang tanging paraan ng pagpapadama ng pag-ibig. Maraming mga Pilipinong kababaihan ang umiiwas sa mga serbisyo para sa reproductive health dahil sa takot na husgahan ng lipunan. 

Sa kadahilanang ang Pilipinas ay isang konserbatibo at relihiyosong bansa, maraming mga pagtuligsa para sa pagpapatupad ng sexuality education. 

Ang mga dalaga at binata sa mga bansang may kahawig na kultura ay hindi nabibigyan ng tamang pagpapaliwanag na may kinalaman sa kanilang mga isyu sa sekswalidad. Ito ay dahil ang mga ganitong paksa ay nakikita bilang mga taboo. 

Ang Sekswal na Edukasyon at Ang Simbahang Katoliko 

Maraming mga Pilipino ang miyembro ng Simabahang Katoliko, na siyang nagpapasubali ng mga ugnayang sekswal bago ang kasal. Gayunpaman, hindi napahinto ng pagsesermon at panghihikayat ng abstinence ay palagiang pagtaas ng antas ng maagang pagbubuntis. 

Naitala rin ng Philippine Statistics Authority na sangkatlo (⅓) ng mga kabataang Pilipino ay nakapagtalik na bago ang kasal. Marami sa kanila ang hindi gumagamit ng proteksyon. 

Karagdagan pa, malaking bahagdan ng populasyon ang namumuhay sa kahirapan. Malaking bahagdan ng mga taong ito ay ang mga kabataang magkakapareha na may mababang antas ng kaalaman ukol sa ligtas na pagtatalik. 

Sex Education sa High School

May nosyon na ang sexual education ay hindi dapat gawing sapilitan sa mga paaralan. Sa kabila nito, ang mga binata’t dalaga ay masasangkot pa rin sa mga sekswal na gawi meron man o walang oryentasyon. Ito ay maaaring magdulot ng mga sexually transmitted diseases (STDs), hindi inaasahang pagbubuntis, at sa paglaon, ay mababang kalidad ng buhay. 

Gaya ng kung paanong posible ang mga ito sa mga bansang gaya ng New Zealand, ang counseling para sa mga relasyong non-sexual ay dapat na magsimula sa mga maagang yugto ng pag-aaral. Ang sexuality education sa Pilipinas ay dapat na simulan sa Junior High School. 

Epekto ng Sexuality Education sa Sekswal na Paggawi ng mga Kabataan 

Napatunayan ng mga pag-aaral na ang sexual education ay nakatutulong para maiwasan ang maagang pagtatalik. Ang mga tinedyer ay nakakukuha pa rin naman ng impormasyon ukol sa pakikipagtalik, itinuturo man sa kanila ito o hindi. Maaari silang mahantad sa mga sekswal na kagamitan o kaalaman sa pamamagitan ng internet at ng kanilang mga kaibigan. Ang mga impormasyon na maaaring makuha sa mga sangguniang ito ay maaaring kulang o nakapagdududa, na nagbubunsod ng mga hindi gaanong napag-isipang pagpili. 

Ang United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) ay nakapag-ulat na ang makatotohanan, angkop sa kultura, angkop sa edad, gender-sensitive, at komprehensibong sexual education ay nakapag-aalis ng mapanganib na paggawi sa mga aktibong nagbibinata’t nagdadalaga at mga batang adulto. Kapag maayos na naihatid ang komprehensibong sekswal na edukasyon, napakikilos nito ang mga kabataan na gumawa ng napagplanuhang desisyon. 

Maraming mga kabataan ang nakatatanggap ng mga nagbabanggaan at nakalilitong mga impormasyon na may kinalaman sa sekswalidad at mga ugnayan. Ang kakulangang ito ay nagbunga ng pangangailangan sa kaparaanan kung saan maaari silang makakuha ng mapagkakatiwalaang impormasyon. 

Kahalagahan ng Makalidad na Sex Education 

Salungat sa mga karaniwang miskonsepsyon, ang sekswal na edukasyon ay hindi nagpapataas ng mga sekswal na aktibidad sa loob o labas ng paaralan. Hindi rin ito nakapagbubunga ng mapanganib na paggawi o pagtaas ng kaso ng HIV o iba pang sexually transmitted infections. Sa halip, nakapagpapaunlad ito sa kaalaman ng mga kabataan kung saan ang kanilang sekswal at reproductive na kalusugan ay mahalaga. Sa kabilang banda, ang mga programang nanghihikayat ng abstinence bilang tanging opsyon ay hindi naging epektibo sa pagpapaliban ng mga sekswal na aktibidad ng mga kabataan. Hindi rin napawala ng mga ito ang dalas o dami ng mga sekswal na kapareha nila. 

Tandaan

Ang pakikipagtalik ay isang normal na bahagi ng buhay. Sa karamihan ng mga tao, ito ay nangyayari sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata at ng pagiging batang adulto. Talamak sa Pilipinas ang hindi makalidad na impormasyon tungkol sa pagtatalik dahil sa panrelihiyon at kultural na mga salik. 
Ang sex education sa high school sa Pilipinas ay naghahanda sa mga kabataan para sa kasiya-siyang gawain na ito na maaari ding magdulot ng mga seryosong epekto sa kanila. Ang pagpapasulong sa mga kabataan sa pagsasagawa ng mga ligtas na gawaing sekswal at pag-unawa sa mga epekto nito sa kanilang mga sekswal na pangangailangan ay nagdudulot sa kanila ng kagalingang sekswal. 

Matuto ng higit pa ukol sa Kagalingang Sekswal dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Why comprehensive sexuality education is important, https://en.unesco.org/news/why-comprehensive-sexuality-education-important
Accessed March 7, 2020

National Demographic and Health Survey 2013, https://dhsprogram.com/pubs/pdf/FR294/FR294.pdf
Accessed March 7, 2020

One in every 10 Filipina teens is a Mom!, https://psa.gov.ph/gender-stat/announcement/FS-201403-SS2-01
Accessed March 7, 2020

Abstinence-Only Education and Teen Pregnancy Rates: Why We Need Comprehensive Sex Education in the U.S, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3194801/
Accessed March 7, 2020

Original Research Article in the Journal of Adolescent Health – Author Version Consequences of Sex Education on Teen and Young Adult Sexual Behaviors and Outcomes,
https://www.guttmacher.org/sites/default/files/article_files/j.jadohealth.2011.12.028.pdf
Accessed April 9, 2021

Facing the facts: the case for comprehensive sexuality education, https://unesdoc.unesco.org/ark:/48223/pf0000368231
Accessed March 7, 2020

Effect of sex education programme on at-risk sexual behaviour of school-going adolescents in Ilorin, Nigeria, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2584331/
Accessed March 7, 2020

Abstinence-Only-Until-Marriage: An Updated Review of U.S. Policies and Programs and Their Impact, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S1054139X17302604
Accessed March 7, 2020

Sexual behaviour factsheet, https://www.fpa.org.uk/factsheets/sexual-behaviour
Accessed March 7, 2020

Department of Health, https://www.doh.gov.ph
Accessed March 7, 2020

Kasalukuyang Version

05/31/2023

Isinulat ni Marie Kristel Corpin

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

7 Katanungan Sa Sex Na Madalas Itanong Sa Eksperto!

Tips Sa Oral Sex: Narito Ang Ilang Technique Para Sa Lalaki At Babae


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement