Ang sekswalidad ng may kapansanan ay exciting rin! Hindi totoo na tapos na ang sex life kapag may disability. Sex is not all about pleasure! Lahat pwedeng magkaroon ng sex life— lalo na sa taong mahal mo.
Bagama’t maaaring maging happy ang sex life ng mga may disability na tao, pwede pa ring magdulot ng low self-esteem at lack of sexual confidence ang pisikal at mental na kapansanan ng isang tao. Kaugnay nito, hindi malayong magresulta ito sa hindi pagkakaroon ng regular na sex life. Dahil sa medical conditions na mayroon ang isang indibidwal.
Basahin ang artikulong ito, para malaman ang ilan sa kanilang alalahanin, karanasan at impormasyon tungkol sa sekswalidad ng may kapansanan.
Ano ang sexuality at disability?
Ang sexuality at disability ay tumutukoy sa sexual behavior at practices ng tao na may disability (PWD). Ayon sa World Health Organization (WHO) ang online disabled dating websites ay nakatulong para mapunan ang pagkukulang o void. Nang mga adult na may disability na walang sexual relationship.
Sekswalidad ng may kapansanan: We are also sexual beings!
Mayroon ka mang kapansanan o wala, madalas ang tao ay matatawag na “sexual beings”. Kung saan, nagkakaroon din ang bawat isa ng sexual thoughts, attitudes, sekswal na damdamin, pagnanasa at pagpapantasya. Mayroon tayong 2 uri ng kapansanan na hindi basta-basta mababago ang iyong sekswalidad at pagnanasa sa sex:
- Intelektwal na kapansanan
- Pisikal na kapansanan
Ayon pa nga sa WHO ang sekswalidad ay isang pangunahing pangangailangan at aspeto ng pagiging isang tao. Ito ang bagay na hindi pwedeng ihiwalay sa buhay ng isang indibidwal.
Kung ang iyong physical at intellectual disability ay nagpapahina sa’yong ma-engage sa regular sex life o pagkakaroon ng tiwala sa sarili, huwag mag-alala, dahil normal lamang makaramdam ng pagkabalisa tungkol sa sex, mayroon ka mang kapansanan o wala.
Intellectual disability
Ang intellectual disability ay terminong ginagamit kapag ang isang tao ay may limitasyon sa pagkatuto sa inaasahang antas at paggana sa pang-araw-araw na buhay. Kung iuugnay ito sa sexual health, madalas na napapabayaan (neglected aspect) ng healthcare people ang usaping ito, partikular sa mga taong may intellectual disability. Marahil na mahirap para sa general practitioner na itaas ang usaping ito— lalo na sa mga taong may intellectual disability. Subalit, tandaan may mga simple interventions pa rin na pwedeng gamitin para sa awareness.
Madalas, kapag ang isang tao ay may intellectual disability, iniisip ng lipunan na wala silang anumang karapatan na ipagpatuloy ang social at sexual relationships kaya madalas silang pagkaitan ng edukasyon sa sex.
Dahil kadalasan ang mga may intellectual disability ay itinuturing na sexually deviant sapagkat pwede silang magpakita ng mga hindi naaangkop na sexual behaviour tulad ng pampublikong masturbesyon, o paghingi ng sex mula sa mga bata o sa publiko, ito ay mas malamang na mangyari kapag ang tao ay kulang sa sex education. O hindi nabibigyan ng naaangkop na edukasyon tungkol sa panlipunang etiquette at legal issues tungkol sa sekswal na pag-uugali at mga relasyon.
Physically disability
Ang physical disability ay tumutukoy sa limitasyon ng isang tao na gumawa ng physical functioning, mobility, dexterity o stamina kung saan, ang mga ito ay may substantial at long-term negative effects sa bawat indibidwal lalo na sa paggawa ng mga normal daily activity.
Sinasabi na ang physical disabilities, tulad ng spinal cord injury ay maaaring baguhin ang sexual functioning ng isang tao.
Subalit, maaari pa ring enjoyin ng mga may kapansanan ang pakikipagtalik sa pamamagitan ng sex toys at pag-alam ng suitable sex positions.
Sekswalidad ng may kapansanan: Mga Alalahanin
Hindi basta-basta maaalis sa mga may kapansanan ang magkaroon ng mga alalahanin. Ito ay bunga rin ng kanilang diskriminasyong nararanasan at mababang self-esteem. Narito ang mga madalas na karanasan ng mga taong may kapansanan, lalo na sa usapin ng sex:
- Pag-iisip kung attractive ba sila sa paningin ng partner
- Pag-aalala tungkol sa sexual abilities at kanilang performance
- Pagiging concern tungkol sa kanilang body moves
- Pagkakaroon ng anxiety tungkol sa nararamdaman para sa kanila ng partner
- Mababang enerhiya at kawalan ng gana para sa sex
- Pag-iisip tungkol sa pagkakaroon ng anak
- Pag-aalala sa kung anong iisipin ng iba (diskriminasyon)
Mga dapat gawin para gawing mas exciting ang sex life
Tandaan, kagaya ng mga nabanggit sa unang bahagi ng artikulong ito, hindi dahil may kapansanan ay hindi na pwedeng gawing exciting at masaya ang sex life. Narito ang ilan sa mga tip para gawing mas masaya ang buhay ng sex:
- Pakikipag-usap sa’yong partner tungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa inyong sex life
- Maging malikhain, gumamit ng sex toys na angkop kung kailangan
- Sikaping maging tapat at open sa partner, partikular sa mga insecurity at kung gaano kamahal ang kapareha
Hindi dapat mag-generalize ang isang indibidwal, na kapag ang isang tao ay may kapansanan ay wala ng kakayahan magkaroon ng sex life. Dapat ring mapag-usapang ang bagay tungkol dito para mapunan ang pangangailangan ng bawat isa. Para mahinto na rin ang diskriminasyon sa bagay na ito.
Tandaan ang sex, hindi lamang ito tungkol sa penetration at pleasure. Kasama sa sex, ang paghawak, intimacy, pakikipag-usap at ang emosyon. Ang mga bagay na ito ay pwedeng gawin ng isang may kapansanan, lalo na kung tutulungan siya ng kapareha niya na mas makapag-express.
Sekswalidad ng may kapansanan: Kahalagahan ng emosyon sa sex
Sinasabi na isa sa mga pangunahing core sa pakikipag-sex ay ang “love”. Bawat isa ay may kagustuhan na matanggap at mahalin may kapansanan ka man o wala. Kung dahil sa iyong emosyon kaya nawawala ang iyong sex drive. Maaaring gawin ang mga sumusunod para matugunan ang disability issues kaugnay ng pakikipag-sex:
- Pakikipagkomunikasyon sa kapareha
- Pagbabasa ng mga bagay na may kaugnayan sa disability condition
- Paghingi ng tulong sa mga doktor at eksperto para sa counselling o anumang atensyong medikal na kailangan
- Pagtanggap sa new normal na maraming nababago sa sex life sa pagkakaroon ng disability
Bakit mahalaga pa rin para sa mga may kapansanan ang sex?
Kung gaano kahalaga ang sex sa mga taong walang kapansanan, ganoon din para sa mga may disability. Ayon sa mga scientific studies, ang loving relationship, physical touching at sex ay mainam para sa pagpapaganda ng blood pressure.
Ang sexual arousal ay dahilan ng pagtaas ng heart rate at tibok ng puso. Ito ay umaabot sa pinakamataas na peak habang nag-o-orgasm. Kaugnay nito, ipinakita ng mga pag-aaral na kapareha ito ng habang nagkakaroon ng light exercises.
Key Takeaways
Tandaan, hindi binabago ng kapansanan ang karapatan ng isang tao na ipahayag ang kanyang sekswalidad. Maaari pa rin magkaroon ng sex life— syempre sa pamamagitan na rin ng tulong ng kapareha. Kaya’t napakahalaga ng komunikasyon at pagtanggap. Huwag ring kakalimutan na may karapatang mag-asawa, maging magulang, at alagaan ang mga anak ang lahat ng tao. May kapansanan man o wala. Maganda rin kung makikipag-ugnayan sa mga doktor at eksperto kaugnay sa kondisyon at mga payong kinakailangan. Para sa pagpapabuti ng kagalingan at kalusugan.