Pubic hair — mayroon na nito ang mga adult, at hindi natin madalas pinag-uusapan ito. Bakit mukhang hindi dapat pag-usapan ang pubic hair? At bakit mayroon tayo nito? Para saan ang pubic hair? Basahin upang malaman ang mahahalagang facts tungkol dito.
Para Saan Ang Pubic Hair? 5 Facts Na Kailangang Malaman Ng Lahat
Ang tingin ng karamihan ng mga tao sa pubic hair ay “abala” o kailangan na ahitin o i-trim. May ilang mga tao ang naiisip na ang pubic hair ay “kadiri” o unhygienic. Ngunit ang 5 facts na ito tungkol sa pubic hair ay tiyak na ikagugulat mo, at sana ay mabago ang isip mo tungkol sa pubic hair.
1. Ito ay senyales ng sexual maturation
Isa sa mga malaking tanong tungkol sa pubic hair ay bakit ba mayroon tayo nito? Para saan ang pubic hair? Hindi tulad ng mga sinaunang ninuno natin, wala na tayong makapal na buhok sa katawan. Ngunit bakit pa rin tayo tinutubuan ng pubic hair?
Isa sa mga teorya ay ito ay senyales ng sexual maturation. At totoo nga ito, dahil ang umpisa ng pagtubo ng pubic hair ay tuwing puberty. At dahil ang ating mga ninuno ay nakahubad, ang pagkakaroon ng makapal na layer ng pubic hair ay naging malinaw na senyales na ang isang tao ay handa na sa pakikipagtalik.
Isa pang interesentang fact ay pinaniniwalaan na ang pubic hair ay isang “trap” sa amoy ng ating pheromones, na nakatutulong sa paghahanap ng potensyal na mate.
2. Hindi pa rin tayo sigurado bakit mas makapal ito kaysa sa ibang mga buhok
Isa pa sa mga interesentang facts tungkol sa pubic hair ay ang mga siyentipiko ay hindi siguro bakit ito makapal. Kumpara sa buhok sa kilikili, o sa mga braso at hita, ang pubic hair ay mas makapal. At kumpara sa ating buhok sa ulo, hindi ito humahaba nang sobra.
Isa sa mga posibleng paliwanag ay ang pagkakaroon ng mahabang pubic hair ay hindi praktikal. Maaaring tayo ay nag-evolve sa pagkakaroon ng mas maikling pubic hair dahil ito ay mas convenient at mas madali na paraan ng pakikipagtalik.
3. Ang pag-ahit sa pubic hair ay hindi karaniwan hanggang noong 1990s
Sa panahon ngayon, hindi na uncommon na pumunta sa waxing salons, gumamit ng razors, at maging ang creams na para sa pagtanggal ng pubic hair. Ngunit alam mo ba na bago mag early 1900s, ang pag-ahit sa pubic hair ay hindi karaniwan? Sa usapang kasaysayan, ang mga sex workers sa Ancient Egypt ay nag-aahit din ng pubic hair. Gayunpaman, ito ay mas may kinalaman sa kanilang hygiene, at upang maipakita ang kanilang propesyon.
Sa modernong panahon, ang Gillette na razor manufacturer, ay minarket ang unang razor para sa mga babae noong 1915, at nagpadala ng mensahe na ang buhok sa katawan ng babae ay hindi magandang tingnan. Ang pagiging popular ng bikini noong 1940s ay nakakadagdag sa shaving phenomenon, dahil ang pagkakaroon ng pubic hair habang naka-bikini ay hindi magandang tingnan.
Sa panahon ngayon, ang karaniwang rason sa pag-aahit ng pubic hair ay ang aesthetics dahil maikokonsiderang unhygienic o hindi kanais-nais ang pagkakaroon nito.
4. Ang pag-ahit ng iyong pubic hair ay magpapataas sa banta ng pagkakaroon ng STIs
Narito ang isa sa pinaka interesentang facts tungkol sa pubic hair: ang pag-ahit dito ay maaaring magpataas ng banta ng STIs o sexually transmitted infections. Ito ay sa kadahilanan na ang pag-ahit ay nakakapag-irritate sa balat, o magiging sanhi ng sugat. Ang sugat ay mas magpapadali sa mga virus o bacteria upang makapasok, ma-infect ang katawan at maging sanhi ng sakit.
Ang mga tiyak na produktong pang-ahit ay maaari ding maging sanhi ng dermatitis, at ang regular na pag-ahit ay maaaring maging sanhi ng pagtubo ng ingrown na buhok, pangangati ng ari, at rashes.
5. Walang rason upang mag-ahit ng pubic hair
Mula sa perspektibo ng kalusugan, walang rason para sa isang tao na mag-ahit ng pubic hair. Ang pang-araw-araw na paghuhugas at paninigurado na tuyo ang iyong singit ay sapat na upang mapanatili ang maayos na hygiene. Ang pag-ahit o pag-wax ng iyong pubic hair ay walang positibong epekto sa kalusugan maliban sa aesthetics.
Bagaman, sa kabila ng lahat, ikaw pa rin ang magdedesisyon kung anong nais mong mangyari sa iyong pubic hair. Ngunit tandaan, huwag ma-pressure na ahitin ito dahil lamang sinasabi ng lipunan. Ang mahalaga ay magdesisyon nang kusa sa sarili mong katawan.
Matuto pa tungkol sa Sekswal na Kalusugan dito.