backup og meta

Panaginip Tungkol sa Sex, Ano Ba Ang Ibig Sabihin Nito?

Panaginip Tungkol sa Sex, Ano Ba Ang Ibig Sabihin Nito?

Naranasan mo bang magkaroon ng panaginip tungkol sa sex? Kung saan sa’yong sex dreams, hindi ang iyong partner ang ka-sex kundi ibang tao. Palaisipan ba sa iyo kung ano ang mga kahulugan nito? Sumagi ba sa’yong pakiramdam at isip na ikaw ay nagtataksil sa’yong kapareha?

Huwag kang mag-alala dahil hindi lamang ikaw ang nakakaranas ng ganitong klaseng panaginip. Basahin ang artikulong ito para sa mga makabuluhang impormasyon tungkol sa sex dreams.

Ano ang sex dreams?

Ang sex dreams ay ang pagkakaroon ng panaginip tungkol sa sex at pakikipagtalik. Bagama’t maaari kang magkaroon ng mga literal na interpretasyon, dapat mo pa ring tandaan na kinakailangan mong mas magpokus sa symbolic at scientific representation nito.

Ayon kay Cheung, ina-allow ng sex dreams ang iyong kuryosidad para maipahayag ang sarili sa ligtas na paraan. Kung saan, sinasabi na ang panaginip tungkol sa sex ay normal na bahagi ng buhay kaya naman hindi ka dapat mabahala.

Subalit kung ang sex dreams ay nakakagambala na sa iyo, maaari ka namang magpakonsulta sa isang propesyonal sa pag-iisip para tulungan kang maunawaan ang mga nangyayari sa’yo.

Bakit nagkakaroon ng panaginip tungkol sa sex?

Ang pagkakaroon mo ng panaginip tungkol sa sex ay nagpapakita ng iyong emosyonal na pangangailangan na tinutugunan ng iyong sex dreams. 

Kaya naman mahalaga na kahit papaano ay alam natin ang kahulugan ng bawat sex dreams na nararanasan ng isang tao, maging ang pagde-decode ng ibig sabihin ng mga panaginip tungkol sa sex. Hindi dapat maging one-size-fits-all process ang pagbibigay ng interpretasyon dito dahil iba-iba ang factor kung paano nagkakaroon ng sex dreams ang isang tao.

Mga kahulugan ng panaginip tungkol sa sex

Mayroong iba’t ibang kahulugan ang panaginip tungkol sa sex at ang mga datos tungkol sa mga kahulugang ito ay ibinatay sa iba’t ibang mga pananaliksik at kaugnay na pag-aaral.

Narito ang mga sumusunod na komon na panaginip tungkol sa sex at kung ano ang ibig sabihin nito.

1. Pakikipag-sex sa’yong ex-partner

Isa sa mga sex dreams na madalas na nangyayari sa isang tao ay ang pakikipag-sex sa kanilang ex-partner. Sinasabi na ang pagkakaroon ng sex dreams kasama ang ex-partner ay pwedeng nagre-remind lamang ng happy moments, o tanda na nahihirapan kang mag-move on sa dating kapareha.

Kung ikaw naman ay may karelasyon at ganito ang panaginip mo, hindi ito dapat ipag-alala, lalo na kung wala ka namang intensyon na lokohin ang iyong kapareha. 

Subalit ayon sa paliwanag ni Dr. Tessina isang licensed marriage at family therapist, maaaring maging warning sign ang pakikipag-sex sa ex-partner sa panaginip dahil pwedeng nag-uugnay ang iyong utak sa dati at bagong relasyon.

Maaari rin itong magpahiwatig na may nawawala sa’yong kasalukuyang relasyon at pwedeng maging indikasyon na kulang ang nagiging quality time at intimacy sa isa’t isa. 

Samantala batay naman kay Cheung, ang sex dream tungkol sa dating karelasyon ay representasyon na handa ka nang gamitin ang mga natutunan mula sa’yong ex-partner para sa iyong bagong relasyon.

2. Sex kasama ang taong kinaiinisan o kinamumuhian

Sounds weird, pero may mga ganitong klase ng panaginip dahil ang iyong utak ay maaaring nagpapaalala ng mga bagay at katangian ng mga taong iyong kinaaayawan. Dagdag pa rito, maaaring ang subconscious mo ay nagre-remind sa’yo na galit ka sa isang partikular o grupo ng tao.

Kaugnay nito, makikita na hindi lamang ang sekswal na emosyon tulad ng kasiyahan ang konektado sa sex dreams. Malaki rin ang koneksyon at naiaambag ng galit mo sa pagbuo ng sariling panaginip tungkol sa sex.

3. Pagkakaroon ng same-sex dreams

Sinasabi na ang same-sex dreams o pakikipag-sex sa parehong kasarian ay pwedeng magpadama sa’yo ng disorienting lalo na kung karaniwan ay hindi ka naman naaakit sa kaparehong kasarian. Ngunit tandaan, ang ganitong klaseng panaginip ay normal lamang at hindi dapat mabahala.

Sabi ni Dr. Herbenick isang sex educator, straight ka pa rin kahit nagkaroon ka ng same-sex dreams lalo na kung alam mo naman ang iyong sariling sexual orientation.

Dagdag pa ni Cheung ang interpretasyon tungkol dito ay nakasalalay sa kung ano ba ang halaga ng taong ka-sex sa buhay mo. Habang sa kabilang banda, pwede rin itong maging senyales na ang iyong utak ay nakapokus sa mga katangian ng ka-sex na nais taglayin para sa’yong sarili.

4. Panaginip tungkol sa sex: Pakikipagtalik sa di kilala

Ang pagkakaroon ng ganitong panaginip tungkol sa sex ay maaaring tanda ng iyong pagiging aktibo o sobrang aktibo ng iyong libido. Ngunit, kung ikaw ay nasa isang relasyon, pwedeng indikasyon ito na gusto mo pang mag-explore at maaaring sign ito sa mga bagay na gusto mo para sa isang karelasyon.

5. Sex kasama ang boss o isang authority figure

Ayon sa Sleep Foundation ang pakikipag-sex sa boss o sa isang authority figure ay nagpapakita na ikaw ay naghahangad ng kanilang approval. Ngunit batay naman sa iba’t ibang datos at pag-aaral, maaaring napapanaginipan sila dahil may paghanga ka mga taong ito at madalas mo silang makasama sa trabaho, at maging sa ibang aspeto ng buhay.

6. Panaginip tungkol sa sex: Sex with your best friend

Huwag matakot kung napanaginipan mo na nakikipag-sex ka sa best friend mo. Marahil ang dahilan ng sex dream na ito ay dahil malapit kayo sa isa’t isa. Ngunit kung minsan pwedeng magpahiwatig ito ng sexual feelings para sa’yong best friend.

Relasyon ng Panaginip at Stress

Natuklasan ng mga pag-aaral na ang emotional stress ay karaniwang sanhi ng paulit-ulit at madalas na panaginip, kung saan ang stress ay maaaring makaapekto sa ating mga nagiging panaginip.

Mga teorya kaugnay ng mga panaginip

Ayon sa mga psychologists, ang mga teorya tungkol sa panaginip ay may mahalagang papel sa’ting mental health dahil ipinapakita nito ang cognitive connection at disconnection sa pagitan ng ating mga kagustuhan at totoong buhay.

Paalala lamang na ang mga teoryang mababanggit ay hindi nagsasaad ng tumpak na pangarap na sumasalamin sa’yong mga kagustuhan ang pagnanasa. Pwede lamang sila maging salamin ng antas ng iyong stress at pangangailangan ng iyong utak na maging malikhain.

Narito ang mga sumusunod:

  • Dream Theories

Mahalaga ang teoryang ito dahil sumasalamin ito sa mga pag-aaral na may layuning matukoy kung ang panaginip ay may kinalaman sa mga isyu sa totoong buhay. Sa pangkabuuan, umaasa sila na matutulungan ng teoryang ito na maunawaan ang kanilang mga panaginip.

  • Continuity Theory

Sinasabi na ang teoryang ito ay nagmumungkahi ng paraan ng pag-iisip at pagkilos ng tao sa panaginip kung saan isa itong pagpapatuloy sa kung paano sila kumilos sa totoong buhay.

  • Non-Continuity Theory

Ang teoryang ito  ay nagpapakita ng mga kathang-isip ng tao o timeline ng iyong buhay. Halimbawa ang pagkakaroon ng pangarap na makipag-sex sa isang artista sa’yong buhay. Madalas imposible ang ganitong mga pangarap lalo na sa mga ordinaryong tao, kaya minsan nagre-reflect sa’ting panaginip ang mga imposibleng bagay na ating pinapangarap.

Key Takeaways

Ang pagkakaroon ng panaginip tungkol sa sex ay isang normal na bagay at maaaring magkaroon ito ng iba’t ibang interpretasyon batay sa sitwasyon at kalagayan ng isang tao. Mas maganda pa rin na magpakonsulta sa mga propesyonal sa kalusugan sa isip para mas malinawan sa mga bagay na iyong napapanaginipan, kung ito ay labis na nakababahala na para sa’yo.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Reactions to Dream Content: Continuity and Non-continuity https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fpsyg.2019.02676/full Accessed April 4, 2022

Targets of erotic dreams and their associations with waking couple and sexual life. https://psycnet.apa.org/record/2021-38152-004 Accessed April 4, 2022

People Say That 1 in Every 5 Dreams They Have is About Sex https://www.sexandpsychology.com/blog/2019/11/18/people-say-that-1-in-every-5-dreams-they-have-is-about-sex/ Accessed April 4, 2022

What Do Sex Dreams Mean? https://www.sleepfoundation.org/dreams/dream-interpretation/dreaming-about-sex Accessed April 4, 2022

An investigation among dreams with sexual imagery, romatic jealousy and relationship satisfaction https://journals.ub.uni-heidelberg.de/index.php/IJoDR/article/view/472 Accessed April 4, 2022

Ordinary and recurrent dream recall of active past and non-recurrent dreamers during and after academic stress. https://psycnet.apa.org/record/2002-11094-002 Accessed April 4, 2022

7 Sex Dreams’ Meanings, According to a Dream Expert https://www.glamour.com/story/sex-dream-meanings Accessed April 4, 2022

Sexual Activity Reported In Dreams of Men And Women https://www.sciencedaily.com/releases/2007/06/070614085118.htm Accessed April 4, 2022

Variation in the Frequency of Relationship Characters in the Dream Reports of Singles: A Survey of 15, 657 Visitors to an Online Dating Website https://journals.sagepub.com/doi/10.2466/09.CP.4.22 Accessed April 4, 2022

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Iba't-ibang Uri Ng Contraception

Sex vs. Gender: Ano Ang Pagkakaiba Ng Dalawang Ito?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement