Isa ang Pilipinas sa pinakamababang rate ng kaso ng HIV sa buong mundo, ngunit sa parehong pagkakataon, sila rin ang pinaka mabilis sa pagtaas ng kaso ng HIV. Mula 2001 hanggang 2009, 1047 na mga bagong kaso ang naiulat, habang sa pagitan ng 2010 at 2017, ang bilang ng mga kaso ay tumaas ng 25%.
Ang lebel ng pagtaas ng kaso ay naranasan lamang sa anim na mga bansa. Ang kasalukuyang bilang ng kaso ng HIV sa Pilipinas ay ang pinaka mabilis na pagtaas hindi lamang sa rehiyon ngunit sa buong mundo. Ngunit ang pinaka nakalulungkot na katotohanan ay ang mabilis na pagtaas ng bilang ay nangyayari sa mga kabataang Pilipino.
Pagtaas ng Kaso ng HIV: Ano ang Kailangan mong Malaman Tungkol sa Kondisyong Ito
Ang HIV — human immunodeficiency virus —- ay virus na nagresulta sa HIV infection. Gayunpaman, ang daglat na HIV ay kadalasan na tumutukoy sa virus o infection. Ang AIDS —- ay nakukuha mula sa immunodeficiency syndrome —- ito ang pinaka-advance na stage ng HIV. Ang HIV ay nakaaapekto sa immune system, sa partikular ay ang grupo ng white blood cells na kilala sa tawag na CD4 cells.
Kung bumaba ang CD4 cells, mas mahirap sa katawan na labanan ang iba pang impeksyon at pigilan ang cancers. Kung hindi alam ng mga tao na sila ay may HIV o hindi sila nakatanggap nang maayos na lunas, ang HIV ay hahantong sa AIDS.
Nangyayari ang HIV sa pamamagitan ng contact sa tiyak na body fluids ng isang infected na tao. Ang mga body fluid na nagpapasa ng HIV ay kabilang ang:
- Dugo
- Semen
- Pre-seminal fluid
- Vaginal discharge
- Fluids galing sa rectum at
- Breast milk
Sa buong mundo, ang pinaka karaniwang paraan kung paano naipapasa ang HIV ay sa pakikipagtalik, ito man ay anal o vaginal. Ang HIV ay hindi nakakahawa sa paghalik, pagyakap, o pakikipag kamay sa isang infected na indibidwal. Hindi ka rin mahahawa sa pakikipag-share sa plato, baso, at inidoro. Hindi rin ito vector, water, o airborne.
HIV sa Pilipinas
Ang unang kaso ng infection sa Pilipinas ay naitala noong 1984. Habang ang dami ng kaso ng HIV ay nananatiling mababa noong 2007, ang DOH ay napansin ang pagtaas ng kaso ng HIV at ang pagbabago ng populasyon ng mga taong nagkakaroon nito. Ang pagkalat ng kaso sa mga sex workers sa mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki at ang mga gumagamit ng intravenous drugs ay natigil.
Habang ang totoo na ang pagkalat ay nasa mababa pa sa 0.1% ng populasyon, ang kasalukuyang estado ng HIV sa Pilipinas ay nagpapakita na ang mga kabataan ang bagong nagkakaroon ng infection. Nasa 62% na mga bagong kaso ng HIV na nasa bansa ay edad 15 hanggang 24 na taong gulang. Ang ibig sabihin nito na sa bawat 29 na mga Pilipino na infected araw-araw, 19 dito ay nasa pagitan ng edad na 15 hanggang 24 taong gulang.
Pagtaas ng Kaso ng HIV: Sino ang Pinaka Nanganganib?
Noong 2019, Ang Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ay sinabing ang mga kabataang lalaki, sa partikular, ay nagiging biktima ng infection. Ito ay nangyari sa isang conference sa Quezon City.
Si Mary Joy Morin isang Central Office National AID, at STI Prevention and Control Officer, ay nag-ulat na ang pinaka karaniwan na kaso ng pagkahawa ay sa pamamagitan ng pagkikipagtalik. Nabanggit niya na mayroong 65,463 na mga kaso na naitala mula sa pagitan ng 1984 hanggang Marso ng 2019.
Ang United Nations Organization (UNO) ay naitala ang 13,384 na mga bagong kaso ng HIV noong 2018. Ayon sa UNAIDS, ibig sabihin nito na nasa 203% ang pagtaas kumpara as naitala noong 2010. Inestima ng UNAIDS ang bilang ng mga taong nabubuhay na may HIV (PLHIV) ay nasa 77,000. Sa mga naitalang numerong ito, ang 62,000 lamang ang nakakaalam sa kanilang kalagayan.
Ang 39% ng PLHIV ay nasa National Capital Region (NCR), ang rehiyon na may pinakamataas na populasyon ng PLHIV.
Sa mga PLHIV, 80% ay millennials. Higit 19,000 ay mga taong nasa pagitan ng edad na 15 at 24 na positibo sa HIV.
Pagtaas ng Kaso ng HIV sa Kabataan
Kabilang sa 25 hanggang 35 taong gulang, ang bilang ng kaso ng HIV ay umakyat ng 34,500. Ipinapakita nito na ang ating epidemic demographics ay patuloy na bumabata. Ito ay naging dahilan para sa UNAIDS upang irebisa ang lumang AIDS na batas.
Ang malaking pagbabago sa batas ay ang pagbaba ng edad sa pagpahintulot na magpa-test sa HIV. Ang mga nasa edad 15 ay maaaring sumailalim na sa HIV testing nang walang pahintulot ng kanilang magulang.
Bago ito, ang UNICEF at kanyang partners noong 2016 ay nagkaroon ng paraan na baguhin ang lumang AIDS na batas. Pinagtalunan nila ang pagbabago ng protocol na pahintulot sa pagsasagawa ng HIV testing. Sa pamamagitan ng pilot testing sa mga siyudad, higit sa 5,000 na mga kabataan ang nagpa-test sa kapalit na consent.
Kalaunan ay inaprubahan ng ahensya ng gobyerno ang protocol, kabilang na ang DOH, ang National Youth Commission (NYC), at ang Council for Welfare of Children. Ang kasalukuyang estado ng HIV sa Pilipinas na nakaapekto sa mga kabataan ay hindi na tulad ng dati, salamat sa interbensyon na ginawa. Halimbawa, sa siyudad ng Iloilo, 4 sa 135 na menor de edad na nagpa-test sa pagitan ng 2016 at 2018 ay positibo sa HIV.
Pagsalungat sa Pagpigil ng HIV at Edukasyon
Noong Enero 2017, ang DOH ay nagmungkahi na ang mga paaralan ay magkaroon ng access sa mga mag-aaral upang magbahagi ng condoms at counseling. Ang mungkahing ito gayunpaman ay tinutulan ng mga seryosong sumasalungat mula sa mga grupo ng konserbatibo at mga magulang.
Inihalimbawa sa rason ng pagsalungat ang kasalukuyang estado ng HIV sa Pilipinas. Ang mga kabataan ay walang access sa mga paraan upang mapigilan ang banta ng infection. Dahil sa pagkakaroon ng konserbatibong kultura ng Pilipinas, ang pakikipagtalik bago ay kasal ay tinitignan na mali.
Malaki ang impluwensya ng simbahang Katoliko sa buhay ng mga tao at ang patuloy na pangangaral sa pag-iwas sa pakikipagtalik. Gayunpaman, inilabas ng mga pag-aaral na ang pagsulong ng pag-iwas sa pakikipagtalik ay hindi natugunan ang antala sa mga gawaing sekswal.
Ang comprehensive sexual education (CSE) sa kabilang banda ay nakakitaan na nakatutulong sa mga kabataan na magkaroon nang mas maayos na desisyon tungkol sa sekswalidad, kasama na ang usapin sa maingat na pakikipagtalik.
Pagdami ng Pagsisikap
Ang DOH ay patuloy na nilalabanan ang pagtaas ng kaso ng HIV sa pamamagitan ng pagdami ng pagte-test at mga pasilidad sa paglunas.
Hinahayaan nito na hindi lang malaman ng mga tao ang kanilang kalagayan maging ang paggamit ng antiretroviral therapy (ART) din upang maiwasan ang paghantong ng HIV sa AIDS. Ang kagawaran ay nakipag-partner sa maraming mga NGOs at support groups upang mamulat ang mga tao sa maingat na pakikipagtalik at pagte-test.
Ayon sa kasalukuyang estado ng HIV sa Pilipinas, bagaman nagpapakita ng mababang pagkalat, ito naman ang pinaka mataas ang rate ng infection sa buong mundo. Ang pagtaas na ito ay prominente sa mga taong may edad 15-30.
Kinakailangan ang comprehensive sexual education upang lalong magkaroon ang mga kabataan ng mas maayos na pagdedesisyon sa kanilang sexual life.
Matuto ng higit pa tungkol sa HIV at AIDS dito.