Sa kasalukyang panahon, ang paksa tungkol sa sex at gender ay isang mainit at mahabang usapin sa ating lipunan. Ito’y marahil dahil sa mga ongoing discussion, at debate tungkol sa iba’t ibang isyu tulad ng gender equality, LGBTQ+ rights, recognition at inclusion ng mga non-binary individual, at “interchangeably” na paggamit sa “sex” at “gender”, na resulta ng kawalan ng sapat na kaalaman tungkol sa dalawang bagay na ito.
Ayon sa mga psychologist, marami ang patuloy na naguguluhan sa dalawang konsepto na ito, dahil ang sex at gender ay malapit na magkakaugnay, at maaaring maimpluwensyahan ng iba’t ibang factors tulad ng biology, lipunan, at kultura, na sanhi upang maging mahirap para sa iba na maunawaan ang mga pagkakaiba ng dalawang bagay na ito.
Gayunpaman, mahalaga na linawin sa bawat isa ang pagkakaiba ng sex at gender , dahil habang umuunlad o evolve ang ating societal norms at attitudes, kinakailangan rin natin na magkaroon ng higit na pag-unawa sa sex at gender, upang ma-promote ang pagiging inklusibo, at pagkakaiba-iba sa’ting mga komunidad, at maiwasan ang maling paggamit sa dalawang konsepto na ito.
Kaya naman para matulungan ka na maintindihan ang pagkakaiba ng sex at gender, patuloy na basahin ang article na ito.
Sex vs. Gender
Bagama’t ang sex at gender ay madalas na ginagamit “interchangeably”, lagi mong tatandaan na magkaiba ang dalawang bagay na ito, dahil ang “sex” ay tumutukoy sa biological physicals na pagkakaiba, habang ang “gender” ay tumutukoy sa mga katangian ng mga babae, lalaki, babae at lalaki na binuo sa lipunan o “socially constructed”.
Sa madaling sabi, ang sex ay nagre-refer sa biological at physiological differences sa pagitan ng babae at lalaki, kasama ang reproductive systems, chromosomes, hormones, physical characteristics, at anatomical structures. Samantala, ang gender naman ay tumutukoy sa social at cultural roles, behaviors, at expectation na nauugnay sa pagiging babae at lalaki sa isang partikular na lipunan, at kultura — kabilang dito ang mga bagay tulad ng gender norms, gender roles, at gender identity.
Iba pang kahulugan ng sex at gender, ayon sa iba’t ibang organisasyon
1.The World Health Organization (WHO)
Isa ang WHO sa mga nagpahayag na ang gender ay tumutukoy sa socially constructed na characteristic ng lalaki at babae — gaya ng pamantayan, tungkulin at relasyon sa pagitan ng mga grupo ng babae at lalaki, na nag-iiba-iba sa bawat lipunan.
Dagdag pa ng WHO ang konsepto ng gender ay kinabibilangan ng limang mahahalagang elemento: relational , hierarchical, historical, contextual, at institutional. Bagama’t karamihan sa mga tao ay ipinanganak na lalaki o babae, sila ay tinuturuan ng mga naaangkop na pamantayan at pag-uugali — kabilang kung paano sila dapat makipag-ugnayan sa pareho o opposite sex sa loob households, komunidad, at workplace.
Habang ang sex ay tumutukoy sa pagkakaiba ng physiological at biological characteristic ng babae at lalake, tulad ng reproductive organs na mayroon dapat ang babae at lalaki.
- The European Institute for Gender Equality
Ang sex ay tumutukoy sa mga biological at physiological characteristic na tumutukoy sa mga tao bilang babae o lalaki. Gayunpaman, ang sets ng biological characteristics ay hindi mutually exclusive, dahil may mga indibidwal na nagtataglay ng pareho, ngunit ang mga katangiang ito ay may posibilidad na makilala ang mga tao bilang babae o lalaki.
Samantala ang gender ay tumutukoy sa mga katangiang panlipunan at mga oportunidad na nauugnay sa pagiging babae at lalaki, at sa mga relasyon sa pagitan ng mga babae at lalaki, at babae , at iba pang set ng relasyon o ugnayan. Ang mga katangian, oportunidad at relasyon na ito ay binuo sa lipunan at natutunan sa pamamagitan ng socialization processes. Kung saan ang mga ito ay context- at time-specific, at nababago.
Kahalagan ng pag-unawa sa pagkakaiba ng sex at gender
Bagama’t may pagkakataon na nakakalito para sa iba ang pag-unawa sa pagkakaiba ng sex at gender, mahalaga pa rin na matutunan ito ng bawat isa. Ang pagkakaiba sa pagitan ng sex at gender ay importante para sa ganap na pag-unawa sa mga isyu tulad ng kalayaan sa pagpili ng kasarian at mga karapatan ng mga kasapi ng LGBTQ+ community.
Key Takeaways
Tandaan na ang sex at gender ay dalawang magkaibang konsepto. Dahil ang sex ay tumutukoy sa mga pisikal na katangian ng isang tao, biological aspect. Habang ang gender naman ay tumutukoy sa mga katangian, papel, at mga gawi na kinakabit ng lipunan sa babae at lalaki, na kinabibilangan ng mga kaisipan tungkol sa pagiging lalaki at babae, gaya ng mga responsibilidad, o mga pamantayan ng pag-uugali. Ang gender rin ay hindi lamang nakabase sa pisikal na katangian, pero maaari rin itong magbago sa iba’t ibang kultura, at konteksto.