backup og meta

Basahin: Ano ang Barrier Method na Paraan Upang Hindi Mabuntis?

Basahin: Ano ang Barrier Method na Paraan Upang Hindi Mabuntis?

Ano ang barrier method? Iniiwasan ng barrier method ang posibleng pagbubuntis sa pamamagitan ng pagharang sa sperm. Maraming barrier method contraceptives ang mabibili sa mga botika, ngunit ilan sa mga ito ay nangangailangan ng reseta ng doktor. Bagaman epektibo ito kung tama ang paggamit, marami sa mga ito ay hindi kayang protektahan ang gumagamit laban sa sexually transmitted infections o STIs. 

Mga Advantage ng Paggamit ng Barrier Method

May ilang barrier method contraceptives na kayang magpababa ng panganib ng cervical cancer na dulot ng ilang STIs. Hindi lang ‘yan. Marami pang magandang dulot ang barrier method. Kabilang dito ang:

  • Hindi nakaaapekto sa pangmatagalang fertility
  • Hindi binabago ang normal na hormonal level ng isang tao
  • Maaaring gamitin lamang kapag nakikipagtalik
  • Ligtas sa mga nagpapasuso
  • Walang masamang epekto tulad ng pagduduwal o pagkahilo
  • Mas sulit kumpara sa hormonal contraceptives tulad ng pills.

Mga Disadvantage ng Paggamit ng Barrier Method

Isa sa mga cons ng paggamit ng barrier method contraception ay mas mataas ang rate na hindi ito gumana sa pag-iwas sa pagbubuntis kumpara sa iba pang uri ng birth control dahil ito ay physical/mechanical in nature. Kabilang sa ilang disadvantage ng barrier method ang:

  • Potensyal na mga allergy sa spermicide
  • Potensyal na mga allergy sa latex condom
  • Maaaring nakakahiyang gamitin para sa mga mag-asawa

Mga Uri ng Barrier Method Contraception

Mga External Condom

Ang external condom, na kilala rin na male condom, ay isang stretchable, latex o rubber material na isinusuot sa penis. Ginawa ito upang saluhin at ikulong ang semen upang maiwasang makapasok sa vagina. Isa sa mga pinakamabisang barrier method ang mga external condom upang makaiwas na mabuntis at makakuha ng STIs.

Maaaring gawa sa latex o non-latex ang mga male condom. Kabilang sa iba pang materyal nito ang:

  • Balat ng tupa
  • Polyurethane plastic
  • Goma

Ang pagkakaroon ng maraming pagpipilian ang nagiging dahilan upang magamit ito maging ng mga may latex allergy. Maaari ding bilhin ang mga polyurethane condom ng mga taong may allergy sa goma. Halos lahat ng latex at non-latex na male condom ay mabibili sa alinmang botika at piling supermarket.

Upang matiyak ang pagiging epektibo nito, tingnan muna ang expiry date upang malaman kung ang latex o rubber material ay hindi masisira bago ito gamitin nang tama.

Mga Internal condom

Hindi lamang limitado sa mga condom na panlalaki ang barrier method. Gawa sa polyurethane plastic ang condom ng babae na inilalagay sa vagina bago makipagtalik. Gaya ng condom ng lalaki, epektibo rin itong sandata upang maiwasang mabuntis at mahawa ng STIs kung magagamit nang tama. Marami sa mga ito ay pwedeng mabili online o sa mga klinika nang hindi na kailangan ng reseta.

Diaphragm

Ang diaphragm ay isang reusable (pwedeng gamiting muli) na uri ng barrier method contraceptive na hugis dome. Isinusuot ito nang may spermicide sa loob ng vagina upang maiwasang makapasok ang sperm. Kinakailangang isuot ang diaphragm nang hindi bababa sa anim na oras matapos makipagtalik. Kung hindi, maaaring magtagal at makapasok ang sperm sa vagina.

Upang makakuha ng diaphragm, kailangang kumuha ng reseta mula sa healthcare professional. Minsan, mabibili rin ito sa ilang health center.

Cervical Cap

Tulad ng diaphragm, puwedeng gamitin ulit ang cervical cap contraceptive na ipinapasok sa vagina upang harangan ang sperm. Dapat itong gamitin nang may kasamang spermicide upang maging mabisa. Matapos gamitin, dapat itong manatili sa vagina sa loob ng hindi bababa sa anim na oras upang maiwasan ang hindi sinasadyang pagbubuntis.

Puwedeng gamitin ulit ang cervical cap ng hanggang isang taon matapos ang unang paggamit kung maiingatan. Mabibili ito sa mga botika o sa health center na may reseta ng doktor.

Ang Sponge

Gawa ng sponge-like foam ang barrier method contraceptive na ito na may spermicide. Tulad ng diaphragm at cervical cap, ipinapasok ito sa vagina bago makipagtalik. Bagaman limitado lamang ito pagdating sa availability, puwede mo pa ring mabili ito sa mapagkakatiwalaang tindahan online.

Ang Kahalagahan ng Spermicide sa Barrier Method

Ang spermicide ay isang kemikal na tumutulong upang pigilan ang sperm sa pamamagitan ng pagbawas sa galaw at motility nito. Hindi nito pinapatay ang sperm. Madalas itong ginagamit kasabay ng iba pang barrier method tulad ng diaphragm, cervical cap, at sponge.

Maraming mga pagpipiliang spermicide. Kabilang dito ang:

  • Foam
  • Cream
  • Gel
  • Tableta
  • Suppository

Depende sa klase ng spermicide na iyong ginagamit, kung paano mo ito ipinasok o inilagay sa ibang mga barrier method ay nagkakaiba-iba. Ang foam, cream, at gel ay maaaring ipasok gamit ang applicator habang ang natitira pang iba ay puwedeng direktang ilagay sa vagina gamit ang daliri.

Ang panganib ng paggamit ng spermicide ay maaaring mga allergy sa nonoxynol-9, isang sangkap na matatagpuan sa karamihan sa mga kemikal ng spermicide. Maaaring magdulot ng mga sugat sa penis ang allergy na ito at pwede ring makasira sa vaginal lining, na magiging dahilan upang mas kumalat ang STIs at mga sakit sa iyong partner.

Paano Epektibong Gamitin ang Barrier Method Contraceptives

Kung nasa panganib ka ng anumang STI o nais mo lang makaiwas na mabuntis, pwede mong pagsamahin ang mga barrier method kasabay ng iba pang birth control na mapagpipilian tulad ng hormonal pills, patches, implants, at iba pa.

Mahalaga ang emergency contraception kung sa palagay mo na ang barrier method na ginamit mo habang nakikipagtalik ay hindi epektibo o hindi tama ang pagkakalagay. Kailangan mong makipag-ugnayan sa iyong healthcare provider kung kailangan mo ng karagdagang hakbang upang lubusang maiwasan ang pagbubuntis.

Key Takeaways

Ang barrier method ay isang uri ng contraceptive na pumipigil sa sperm na makapasok sa vagina. Maraming mga pagpipilian nito. May internal at external na paggamit. Maaari ding gamitin ang barrier method contraceptive kasabay ng iba pang uri ng birth control tulad ng hormonal pills, upang lalong maging ligtas. Bagaman, karamihan sa mga pagpipilian ay nangangailangan ng spermicide upang maging mabisa at mayroon ding ibang hindi gaanong epektibo pagdating sa pag-iwas sa STIs. 

Matuto pa tungkol sa Contraception dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Barrier Methods of Birth Control: Spermicide, Condom, Sponge, Diaphragm, and Cervical Cap, https://www.acog.org/womens-health/faqs/barrier-methods-of-birth-control-spermicide-condom-sponge-diaphragm-and-cervical-cap, Accessed October 22, 2021

Barrier Methods of Birth Control, https://wa.kaiserpermanente.org/kbase/topic.jhtml?docId=hw138685, Accessed October 22, 2021

Barrier Methods, https://www.familyplanning.org.nz/news/2013/barrier-methods, Accessed October 22, 2021

 Barrier Birth Control Methods, https://www.teensource.org/birth-control/barrier-methods, Accessed October 22, 2021 

Barrier methods, https://www.tht.org.uk/hiv-and-sexual-health/sexual-health/improving-your-sexual-health/contraception/barrier-methods, Accessed October 22, 2021

Kasalukuyang Version

10/19/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Male Birth Control: Alamin Kung Ano Ang Vasectomy Dito

Paano Malalaman kung Mabisa ang Birth Control Pills?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement