Pagdating sa mga contraceptive, karamihan sa mga opsyon na magagamit ay para sa mga kababaihan, ngunit mayroon namang mangilan para sa kalalakihan at kabilang na roon ang vasectomy. Ang pag-alam ng higit pa tungkol sa kung ano ang vasectomy procedure ay nagpapadali para sa mga tao na magpasya kung alin ang kapaki-pakinabang para sa kanilang mga pangangailangan.
Ano Ang Vasectomy Procedure?
Ang vasectomy ay isang low-risk surgical procedure sa anyo ng permanenteng contraception. Ito ay 99% na epektibo sa pagpigil sa pagbubuntis. Gayunpaman, hindi ito kaagad at kakailanganin ng ilang buwan bago ito magkaroon ng permanenteng epekto. Hindi rin nito pinipigilan ang mga impeksyon na nakukuha sa pakikipagtalik.
Pagkatapos ng vasectomy, ang mga lalaki ay nakagagawa pa rin ng mga sperm cell ngunit hindi ito sumasama sa semen. Ito ay dahil ang tubo na kumukonekta sa mga testicle ay pinutol na. Sa halip, ang mga sperm cells ay ay ma-aabsorb ng katawan.
Ang mga karaniwang maling kuru-kuro tungkol sa mga vasectomies ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
Ang mga vasectomy ay hindi gumagawa ng alinman sa mga bagay na ito.
Ano Ang Vasectomy Procedure? At Ano Ang Maaaring Mangyayari Kapag Isinagawa Ito?
Tumatagal ng humigit-kumulang 20 hanggang 40 minuto upang makumpleto ang vasectomy. Gumagamit ang mga doktor ng local anesthetics upang mapamanhid ang balat ng scrotum ng lalaki. Ang mga vas deferens o ang mga tubo na nagkokonekta sa testicle sa urethra ay pinuputol at sinasarado. Ginagawa ang proseso upang ang sperm na nilikha sa mga testicle ay nananatili roon at hindi napupunta sa urethra. Nagagawa pa rin ng isang lalaki na mag-ejaculate ngunit wala itong laman na sperm pagkatapos ng operasyon.
Mayroong dalawang uri ng vasectomy:
Conventional
Sa isang conventional vasectomy, ang mga doktor ay gumagawa ng mga paghiwa sa scrotum upang maputol at masarado ang mga tubo.
No-Scalpel
Sa kabilang banda, gumagamit naman ang doktor ng isang tool na tumutusok sa scrotum sa isang no-scalpel vasectomy, sa halip na gumawa ng mga slits. Ginagawa nitong mas mabilis ang paggaling at mas kaunti ang pagdurugo at pagsusugar kumpara sa conventional vasectomy.
Kailan Mo Dapat Ikonsidera Ang Vasectomy?
Para sa mga nagtatanong kung ano ang vasectomy, ito ay isang mahalagang desisyon para sa mga kalalakihan marahil ito ay nangangahulugan na hindi na sila maaaring magkaroon ng anak sa hinaharap. Narito ang ilan sa mga rason kung bakit isinasaalang-alang ng iba ang operasyon na ito:
- Permanente at hassle-free na birth control method.
- Maiwasan ang genetic disorder na hindi nila nais mamana ng kanilang anak.
- Mga komplikasyon para sa kapareha na hindi nagiging ligtas na magkaroon ng anak.
- 100% siguradong ayaw ng magka-anak ngayon o sa hinaharap.
Kung may anumang pagbabago sa desisyon, may iba pang mga pamamaraan na maaaring magbigay-daan sa isang lalaki na magkaroon ng mga anak kahit na pagkatapos sumailalim sa vasectomy.
- Ang pag-reverse ng vasectomy ay isang opsyon, ngunit walang garantiya na ito ay magiging epektibo.
- IVF o in vitro fertilization kung saan direktang kinokolekta ang sperm mula sa mga testicle.
Ano Ang Vasectomy Procedure At Ang Mga Panganib At Komplikasyon Ng Pagsasailalim Dito?
Ang panganib na magkaroon ng vasectomy ay kapag posible ka pa ring maging ama ng isang sanggol kahit na pagkatapos ng operasyon. Hindi nagbibigay ng agarang birth control ang vasectomy dahil maaaring mayroong mga sperm cell sa loob ng urethra. Kinakailangang ma-ejaculate ng 15 hanggang 20 beses at kumpirmahin ng iyong doktor na walang bakas ng sperm sa semen. Maaaring tumagal ng ilang buwan upang makumpleto ito.
Mayroong ilang mga komplikasyon na hindi karaniwan at hindi gaanong seryoso. Kabilang dito ang:
Chronic Pain
Maaaring tumagal ito ng ilang araw o linggo bago humupa. Nangyayari ito sa 1 hanggang 2% ng mga lalaki pagkatapos ng naturang procedure.
Sperm Granuloma o Lump Sa Scrotum
Ito ay sanhi ng pagtagas ng sperm kapag naputol ang tubo. Ito ay maaaring magdulot ng discomfort ngunit ito ay nawawala pagkaraan ng ilang sandali at na-absorb na sa katawan.
Congestion Sa Testicle
Ito ay maaaring mangyari dahil sa sperm buildup. Gayunpaman, nawawala ito ilang linggo pagkatapos ng operasyon.
Spermatocele
Ito ay isang cyst na nabuo sa epididymis o tubo na kumukuha ng sperm cell.
Hydrocele
Ito ay likido na nakapalibot sa mga testicle na maaaring magdulot ng pamamaga sa scrotum.
Key Takeaway
Ano ang vasectomy? Ito ay isang malaking desisyon sa mga kalalakihan marahil ito ay malaking epekto sa posibilidad na magkaroon ng anak. Gayunpaman, ito ay isang mababang-panganib na pamamaraan. Bago sumailalim sa pamamaraan, mahalagang talakayin ito sa iyong kapareha at siguraduhing kumunsulta sa iyong doktor.
Alamin ang iba pa tungkol sa Mga Contraceptive dito.