backup og meta

Hormonal Contraceptive: Ano ang mga Ito?

Hormonal Contraceptive: Ano ang mga Ito?

Maraming mga paraan upang makaiwas sa pagbubuntis at sexually transmitted infections o STIs sa pamamagitan ng contraception. Maliban sa latex condoms, mayroong mga hormonal contraceptives na nakapagbibigay ng parehong epekto at mas mainam na bisa. Ano ang hormonal contraceptive at mga uri nito?

Ang hormonal contraceptive ay gumagamit ng karagdagang lebel ng hormones upang mapababa ang posibilidad ng pagbubuntis. Maaari itong maglaman ng parehong estrogen at progesterone o progesterone lamang. Maaaring ikonsumo ang hormonal contraceptive orally, tinuturok, ilalagay sa ilalim ng balat, o ilalagay sa loob ng puke.

Ano ang Hormonal Contraceptive at mga Uri nito?

Maraming bilang ng hormonal pills at hormonal contraceptives na mabibili sa mundo, at marami sa mga ito ay mabibili sa Pilipinas. Narito ang mga sumusunod na hormonal pills at ibang mga uri ng hormonal contraceptives na mabibili sa local.

Pills o Oral Contraceptives

Ang pills ay isa sa pinaka karaniwang hormonal contraceptives na ginagamit sa buong mundo. Sa Pilipinas, available ang pills sa pampublikong health centers at maging sa drug stores. Ang Logenthol, Mercilon, at Micropil ay ilan sa brands na mabibili sa local drug stores.

Ang kaibahan ng oral birth control mula sa iba ay ang lebel ng estrogen at progestin na nilalaman nito. Kailangan na uminom ng mga babae ng isang pill kada araw upang masiguro ang pagiging epektibo.

Ilan sa advantages ng hormonal pills ay:

  • Non-invasive
  • Hindi gaanong masakit na dysmenorrhea o cramping
  • Nagpapatuloy ang menstrual cycle o nahuhuli ang dating
  • Kapansin-pansing pagbawas ng tigyawat sa mukha
  • Maaaring makabawas ng pagkakaroon ng ovarian cyst

Ilan sa disadvantages ng hormonal pills ay:

  • Breast tenderness
  • Migraines o sakit ng ulo
  • Pagiging iritable
  • spotting 

Kung kinokonsidera mo ang pag-inom ng pills, tandaan na magpatingin kung ikaw ba ay nakakukuha ng sobra o kaunting lebel ng hormone sa dugo dahil sa pills. Kung ito ang kaso, maaaring magpayo ang iyong doktor na magpalit ng ibang brand.

Transdermal Patch

Ang transdermal patches ay tulad ng bandage adhesive na kailangan ng mga babae upang ilagay kada linggo sa loob ng 3 linggo. Maaari kang maglagay ng patches sa puwet, tiyan o itaas na bahagi ng katawan. Maaari mo ring ilagay ang transdermal patches sa simula ng iyong menstrual period, ngunit sa pangkalahatan, maaari mo itong magamit sa kahit na anong panahon basta’t hindi ka buntis.

Mahalaga na malaman ng mga babae na gumagamit ng patch na sila ay magkakaroon ng mas mataas na lebel ng estrogen kaysa sa mga taong gumagamit ng hormonal pills at ibang uri ng hormonal contraceptives.

Ilan sa advantages ng transdermal patch ay kabilang ang:

  • Madaling gamitin
  • Kaunting sakit ng dysmenorrhea o cramping
  • Nababawasan ang banta ng pelvic inflammatory disease o PID
  • Maaaring makabawas ng tigyawat

Ilan sa mga disadvantages ng transdermal patch ay kabilang ang:

  • Breast tenderness
  • Maaaring matanggal ang patches
  • Kailangan na palaging palitan upang masiguro ang pagiging epektibo
  • Hindi maaaring gumamit ng lotion o creams sa balat na nalagyan na ng patch

Vaginal Ring

Ang vaginal ring ay maliit at flexible na plastic ring na ginagamit at nakalagay sa loob ng 3 linggo, at gagamitin muli (matapos makapaglagay ng bagong ring), matapos ang 7 araw na wala nito. Mas consistent ito sa pagbibigay ng concentration ng hormones kaysa sa hormonal pills at ibang mga uri ng hormonal contraceptives.

Ilan sa advantages ng vaginal rings ay kabilang ang:

  • Hindi gaanong masakit na dysmenorrhea o cramping
  • Nagpapatuloy ng menstrual cycle o nagiging huli ang pagdating
  • Kapansin-pansing pagbawas ng tigyawat sa mukha
  • Maaaring makabawas ng pagkakaroon ng ovarian cysts

Ilan sa disadvantages ng vaginal rings ay kabilang ang:

  • Kailangan ng backup contraceptives 7 araw matapos malagay ang panibagong ring kung mangyayari ang intercourse
  • Maaaring mangyari ang withdrawal na pagdurugo matapos ang pagtanggal

Injectable Progestin

Ito ay tinuturok na uri ng hormonal contraceptive na gumagamit ng progestin upang maiwasan ang pagbubuntis. Kailangan nito ng regular na pagturok kada 12 linggo upang maging epektibo. Kailangan mong maghintay ng 12 buwan upang bumalik ang iyong fertility matapos magkaroon ng progestin shots.

Sa Pilipinas, progesterone shots lamang ang mabibili sa market. Ang Depo Trust ay isang injectable progestin brand na mabibili sa drugstore. Maaari itong iturok sa mga health center, clinics, at maging ang may karanasan na service providers.

Ilan sa advantages ng injectable progestin ay kabilang ang:

  • Ito ay epektibo matapos ang injection
  • Mayroong kaunting side effects
  • Nakatutulong na mabawasan ang menstrual flow
  • Hindi gaanong masakit na dysmenorrhea o cramping

Ilan sa disadvantages ng injectable progestin ay kabilang ang:

  • Sakit at pamamaga sa bahagi na tinurukan
  • Pagkahilo
  • Breast tenderness
  • Sakit sa ulo
  • Spotting
  • Mataas na banta ng osteoporosis

Maaaring mawala ang side effects matapos ang ilang doses ng pagturok dahil ang progesterone ay natural na makikita sa katawan.

Subdermal Implant

Ang subdermal implant ay maliit, tulad ng rod na hormonal contraceptive, na naglalaman ng progestin. Ipapasok ng medikal na propesyonal ang implant sa iyong hindi dominanteng kamay nang may anesthesia. At mananatili ito sa iyong katawan sa loob ng 3 taon upang patuloy na maglalabas ng progesterone.

Ilan sa advantages ng subdermal implants ay kabilang ang:

  • Pagbabalik ng fertility matapos matanggal ito sa balat
  • Hindi na kailangan na inumin orally o ilagay manually
  • Hindi nakaaapekto sa intercourse o anuman
  • Walang side effects na kaugnay ng estrogen tulad ng pagkahilo o epekto sa breast milk

Ilan sa disadvantages ng subdermal implants ay kabilang ang:

  • Kailangan ng professional sa pagtanggal
  • Ang rods ay kailangan tanggalin matapos ang kaunting panahon
  • Pangangati at ilang local/allergic skin reaction sa bahagi ng implant
  • Walang proteksyon mula sa sexually transmitted infections o STIs
  • Ang rods ay mahal

Karamihan sa mga babae ay gumagamit ng subdermal implants ngunit ang mga babaeng may cardiovascular na sakit, hypertension at high blood pressure ay kailangang bisitahin ang kanilang doktor para sa follow-ups. Ang mga babaeng kasalukuyang nagpapasuso, mga babaeng may history ng stroke at breast cancer ay hindi maaaring gumamit ng contraceptive na ito.

Intrauterine Devices o IUDs

Ang IUD ay maliit, flexible na plastic na inilalagay sa uterus o uterine cavity. Sa Pilipinas, mayroong 2 uri ng IUDs na available. Ang Copper T380 at ang hormone-releasing IUD. 

Ang Copper T380 ay mayroong copper coiled sa paligid ng device, at ginagamit nito ang reaksyon ng immune system ng katawan sa copper, upang makaiwas sa pagbubuntis.

Maaaring gamitin ng mga babae ang ganitong uri ng IUD nang epektibo sa loob ng 12 taon. Ang hormone-releasing IUD, sa kabilang banda ay ang naglalabas ng progesterone at epektibo sa loob ng 3-6 na taon.

Ilan sa advantages ng IUDs ay kabilang ang:

  • Napaka epektibo
  • Ligtas na gamitin
  • Hindi nakaaapekto sa breast milk
  • Isang beses lamang ilalagay

Ilan sa disadvantages ng IUDs ay kabilang ang:

  • Side effects tulad ng pamamaga at mabigat na menstrual flows
  • Ang devices ay maaaring ma-misplace at matanggal nang hindi nalalaman
  • Kailangan ng pelvic examination mula sa healthcare professional upang ilagay ang IUD
  • Hindi nakaiiwas sa sexually transmitted infections o STIs

Paano Pipili ng Akmang Birth Control Method

Kung ikokonsidera ang options para sa hormonal pills at ibang uri ng hormonal contraceptives, tumingin sa mga salik tulad ng sensitivity na mapataas ang hormones. Maging ang pangkalahatang kalusugan, lifestyle, dalas ng intercourse, at abilidad na mag-comply sa kahingian ng contraceptive. Maaari mong talakayin kasama ng iyong healthcare provider ang tungkol sa kung anong akmang option na para sa iyo.

Key Takeaways

Ano ang hormonal pills? Ang mga ito ay maaaring epektibo rin tulad ng condoms, ngunit maaari itong magkaroon ng maraming side effects depende sa tao. Maaaring makaranas ang isang tao ng mas maayos na menstrual flow, mabawasan ang tigyawat, at maging mabawasan ang banta ng pelvic inflammatory disease o PID. Bagaman hindi lahat ng contraceptive ay maaaring magprotekta laban sa STIs at maaaring mas makasama pa kaysa makabuti dahil sa disadvantages nito. Mahalaga na talakayin nang mabuti kasama ng iyong partner at doktor kung anong hormonal contraceptive ang akma para sa iyo.

Matuto pa tungkol sa Contraception dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Hormonal contraception, https://www.cancer.gov/publications/dictionaries/cancer-terms/def/hormonal-contraception, Accessed October 21, 2021

Hormonal Contraception, https://www.reproductivefacts.org/news-and-publications/patient-fact-sheets-and-booklets/documents/fact-sheets-and-info-booklets/hormonal-contraception/, Accessed October 21, 2021

Side effects of hormonal contraceptives, https://www.aafp.org/afp/2010/1215/p1509.html, Accessed October 21, 2021

Birth control options, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/11427-birth-control-options, Accessed October 21, 2021

The Philippine Clinical Standards Manual on Family Planning, https://doh.gov.ph/sites/default/files/publications/FPCSM_2014.pdf, Accessed October 21, 2021

Birth Control: Pros and Cons of Hormonal Methods, https://www.uofmhealth.org/health-library/tw9513, Accessed October 21, 2021

Kasalukuyang Version

11/28/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Male Birth Control: Alamin Kung Ano Ang Vasectomy Dito

Paano Malalaman kung Mabisa ang Birth Control Pills?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement