backup og meta

Sex Habang May Period, Safe Nga Ba?

Sex Habang May Period, Safe Nga Ba?

Kung pag-uusapan ang sex habang may period, isinasaalang-alang ito ng mga magkapareha. Ang ilan ay naniniwala na napatataas nito ang banta ng impeksyon, ang iba ay nagsasabi na hindi ka mabubuntis, at ang iba ay naniniwala na maaapektuhan nito ang kasarian ng iyong anak kung ikaw ay mabuntis. Ngunit ano nga ba talaga ang mga totoo kung ang pag-uusapan ay ang sex habang may period?

Sex Habang May Period: Ano Ang Kailangan Mong Malaman?

Sex habang may period

Paano kung makikipag-sex ka sa iyong kapareha ngunit bigla mong nalaman na ikaw ay magsisimula na palang magkaregla? O kung nasa kalagitnaan ka ng iyong period, at ikaw at ang iyong kapareha ay bigla na lamang naramdaman na nais makipag-sex sa isa’t isa. Iiwasan mo bang makipag-sex sa mga sitwasyon na ito, o ayos lang na makipag-sex kahit na ikaw ay may period?

Maraming mga tao ang nalilito pagdating sa mga sitwasyon na ito. Isa sa mga pinaka karaniwang inaalala ng mga tao ay ang dugo na maaaring maging sanhi ng impeksyon, o ang pagkalat ng sakit.

Ang katotohanan dito ay ayos lamang na makipag-sex habang may period. Basta’t komportable ka at ang iyong kapareha tungkol dito, walang magiging problema. Ang ilang mga babae ay mas aroused o mas nais na makipagtalik sa panahon na may period sila. Kaya’t mas magandang ideya na planuhin ito kung nais ng kapananabikan sa oras na ito.

Sa katunayan, ang sex ay nakatutulong na mawala ang menstrual cramps. Kaya’t mainam na subukan ito kasama ang iyong kapareha.

Maaari Ka Bang Mabuntis Kung Nakipag-Sex Ka Habang May Period?

Ngayon na alam na natin na ayos lamang na makipag-sex habang may period, ang sunod na tanong ay, mabubuntis ka ba? Kung titingnan ang iyong buwanang dalaw, ang oras na pinaka-fertile ka ay kung kailan ka nag o-ovulate. Ang ibig sabihin nito ay ang iyong katawan ay may egg cell na pwede nang ma-fertilize ng sperm.

Sa kabaliktaran, kung ikaw ay may period, ang egg cell ay kalalabas lang ng katawan, kaya’t walang egg na pupwedeng ma-fertilize. Kung makipag-sex ka sa mga panahon na ito, ang tsansa na maaari kang mabuntis ay mababa kumpara kung sa kung ikaw ay fertile o sa mga ibang araw.

Gayunpaman, hindi ito 100% epektibong paraan upang maiwasan ang fertilization. Kailangan mong malaman na ang sperm cells ay maaaring tumagal sa loob ng katawan ng babae sa loob ng 5 araw. Ibig sabihin nito na depende kung kailan ka nakipag-sex, maaari ka pa ring mabuntis.

Kaya’t mahalaga na gumamit pa rin ng proteksyon kung hindi mo nais na magkaanak. Kung tungkol naman sa kilalang kasabihan na ang pagkikipag-sex sa panahon na ito ay nakaaapekto sa kasarian ng iyong baby, walang katotohanan dito. Walang paraan dito upang matukoy ang kasarian ng baby.

Laging Isagawa Ang Safe Sex Habang May Period

Tungkol sa STD, isang pag-aaral na napag-alaman ang pagkakaugnay sa palagiang pakikipag-sex habang may period at sa mataas na banta ng STDs. Bagaman, ang pag-aaral ay wala pang matibay na pagkakaugnay sa pagitan ng STDs at periods.

Ang dugo sa regla ay hindi naglalaman ng sakit. Gayunpaman, kung ang isang tao ay may STD tulad ng HIV, ang kanilang dugo ay maaaring may sakit. Kaya’t mahalaga na laging isagawa ang safe sex, lalo na kung maraming mga karelasyon.

Walang kaso kung ikaw ay may period o wala, maaari ka pa ring ma-infect kung nakipagtalik nang walang proteksyon.

Key Takeaways

Dahil sa pagbabago ng hormones, maaaring mas ma-arouse ang babae habang nasa menstruation. Maaari kang makipagtalik habang may period, ngunit laging ikonsidera ang tamang proteksyon upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Matuto pa tungkol sa Safe Sex dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Is it safe to have sex during a woman’s menstrual period? https://www.issm.info/sexual-health-qa/is-it-safe-to-have-sex-during-a-womans-menstrual-period-are-there-any-benefits/, Accessed September 14, 2021

2 Can I have sex during my period? Can I get pregnant during my period? https://www.plannedparenthood.org/learn/teens/ask-experts/can-i-have-sex-during-my-period-and-if-i-do-can-i-get-pregnant, Accessed September 14, 2021

3 Can You Get Pregnant on Your Period? – Cleveland Clinic, https://health.clevelandclinic.org/can-you-get-pregnant-on-your-period/, Accessed September 14, 2021

4 Sexual intercourse during menstruation and self-reported sexually transmitted disease history among women – PubMed, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/8885071/, Accessed September 14, 2021

5 Can a Girl Get Pregnant if She Has Sex During Her Period? (for Teens) – Nemours Kidshealth, https://kidshealth.org/en/teens/sex-during-period.html, Accessed September 14, 2021

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Dinugo Pagkatapos Magtalik: Ano Ang Maaaring Maging Dahilan?

Ano Ang Cunnilingus, At Paano Masisiguradong Safe Itong Gawin?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement