Ang calendar na pamamaraang pagpaplano na kilala rin sa tawag na rhythm method, ay porma ng natural family planning. Paano gawin ang calendar method ng family planning?
Nakatutulong ito sa mga babae na malaman kailan sila pinaka fertile kada buwan. Kung nais nilang iwasan na mabuntis, kinakailangan nilang makasiguro na hindi sila nakipagtalik na walang proteksyon sa mga araw na iyon. Sa kabilang banda, kung nais nilang magkaroon ng anak, maaari nilang subukan sa mga araw na iyon. Ang pag-aaral paano ang calendar method family planning ay madali lamang, ngunit ang pagiging tiyak nito ay nakabase sa pagiging regular ng pagreregla.
Paano Gawin ang Calendar Method ng Family Planning?
Step 1: Subaybayan ang iyong regla
Ang unang step kung paano isagawa ang calendar method family planning nang maayos ay subaybayan ang iyong menstrual history. Isulat ito sa loob ng kahit 6 na mga buwan upang makita ang pattern ng pagreregla. Maaari mo itong isulat sa iyong dyornal o sa app. Makatutulong ito na malaman kung kailan ka mag-ovulate at kung kailan ka maaaring mabuntis.
Ang unang araw ng cycle ng pagreregla ay Day 1. Sa sunod na buwan, markahan ang iyong cycle. Mula sa Day 1 ng nakaraang buwan hanggang Day 1 ng sumunod na buwan, bilangin ang kabuuang dami ng araw sa pagitan ng cycle.
Step 2: Alamin ang iyong fertile window
Ang fertile window ay sa pagitan ng Day 8 hanggang Day 19. Kung malaman mo na kung anong mga araw na maaari kang mabuntis, maaari kang pumili kung makikipagtalik ka nang walang proteksyon o depende sa iyong layunin: magkaroon ng anak o iwasan ang hindi inaasahang pagbubuntis.
Paano gawin ang calendar method sa fertile window?
Kung hindi mo sinusubukan na magkaanak, inirerekomenda na huwag makipagtalik sa mga araw na ito. Kung hindi ka gagamit ng proteksyon sa mga araw na ito, may tsansa na ikaw ay mabuntis. Ang ika-20 araw hanggang sa unang araw ng iyong susunod na pagreregla ay kinokonsiderang ligtas.
Ang calendar method family planning ay isa sa mga pinaka mainam na natural birth control. At wala itong kahit na anong side effects.
Paano Gawin ang Calendar Method na Kasama ng Iba Pang Birth Control
Para sa mga magkarelasyon na nais pa rin makipagtalik sa mga araw na hindi ligtas, inirerekomenda na iwasan ang vaginal sex. Kung nais ng vaginal sex, gumamit ng condom o diaphragm. Maaari mo ring gamitin ang withdrawal method o spermicides. Gayunpaman, ang mga ito ay hindi 100% na epektibo.
Ang rason sa mga ito ay dahil ang iyong ovulation period, na mga oras na nagre-release ng egg, ay sa pagitan ng Day 12 at Day 16 ng iyong pagreregla. Gayunpaman, ang mga tiyak na araw sa iyong haba ng cycle maging sa ang iyong lebel ng hormones ay nakadepende.
Simula nang ma-release ang egg, mayroon lamang na 24-48 na mga oras upang manatili itong buhay. Gayunpaman, ang sperm cell ng lalaki ay nananatiling buhay sa loob ng katawan ng babae sa loob ng 5 mga araw. Kaya’t kung ikaw ay nakipagtalik nang walang proteksyon limang araw bago ka mag ovulate, maaari ka pa ring mabuntis.
Kung ang iyong buwanang dalaw ay nagtatagal sa pagitan ng 26-32 day cycle, maaari itong maging epektibo sa iyo. Kung iniiwasan mong mabuntis, kailangan mong makasiguro na hindi ka makikipagtalik nang walang proteksyon sa mga araw na Day 8-19 ng iyong cycle.
Mga Hamon sa Calendar Method Family Planning
Mabisa lamang sa mga babaeng may regular na pagreregla
May limitasyon sa paggamit ng calendar method family planning. Maaari mo lang gamitin ito bilang epektibong paraan sa natural birth control kung ikaw ay may regular na pagreregla. Ibig sabihin nito, ikaw ay nagkakaroon ng regla kada buwan o kilala sa tawag na “regular.” Kahit na ganun, hindi pa rin ito 100% garantisado na epektibo.
Para sa mga babaeng hindi regular ang pagregla, ang tsansa na maging buntis ay mas mataas kung ang cycle mo ay nasa labas ng 26 hanggang 32 days na range kahit na iwasan ang makipagtalik nang walang proteksyon sa Day 8-19.
Hindi 100% na tiyak
Isa pa sa mga hamon ng ganitong porma ng family planning ay ang katotohanan na hindi mo ito malalaman kung kailan ka fertile. Maaari ka nitong bigyan ng estimated window na maaring ligtas o fertile. Kung ang iyong cycle ay hindi magkapareho ng haba kada buwan, ang calendar method ay mas hindi epektibo.
Kung ikaw ay mayroong higit na dalawang cycle kada buwan na mas maikli o mahaba sa 26-32 na mga araw, ang calendar method family planning ay hindi rin magiging epektibo. Kailangan mo ring alalahanin na dahil hindi ito 100% na tiyak, ang ibang mga doktor ay magrerekomenda na ipagsama ang calendar method family planning sa temperature at cervical mucus method. Isa ito sa pinaka mabisang paraan paano gawin ang calendar method family planning.
Lapse in tracking
Maliban sa mga hamong ito, isa sa mga rason na maaaring maging sanhi ng calendar method upang hindi maging mabisa ay ang pagkalimot dito. Kung ang babae ay hindi nasubaybayan ang kanyang cycle at hindi isinulat ito sa dyornal, planner, o digital calendar, ang tsansa na makalimutan ang unang araw ng regla ay mataas.
Yamang ang pamamaraan ay hindi 100% na tiyak, ang konting maling pagkalkula ay maaaring risky lalo na kung ang pamamaraan na ito ay para iwasan ang pagbubuntis.
Mahalagang Tandaan
Ang pag-aaral paano isagawa ang calendar method family planning nang maayos ay madali lamang kung naunawaan ang basic sa pagreregla. Ang calendar method family planning ay maaaring epektibo at sulit na birth control. Gayunpaman, dahil hindi ito 100% na tiyak, mainam na gawin ito kasama ng ibang porma ng family planning. Ang buong patunay upang hindi mabuntis ay iwasan ang pakikipagtalik.
Alamin ang marami pa tungkol sa sekswal na kalusugan dito.
Isinalin mula sa orihinal na Ingles na sinulat ni Kathy Ngo.