backup og meta

HPV Test Sa Lalaki: Mahalaga Ba Na Magpa-Test Ang Mga Kalalakihan?

HPV Test Sa Lalaki: Mahalaga Ba Na Magpa-Test Ang Mga Kalalakihan?

Ang Human papillomavirus (HPV) ay isa sa pinaka karaniwang sexually transmitted disease sa buong mundo at isa din sa pinaka mapaminsala. Maraming mga kaso ng HPV infection ang gumagaling na lang nang kusa kahit hindi ginagamot. Gayunpaman, hindi it dapat ipagwalang bahala. 

Ang mga lalaki ang mas nagkakaroon ng HPV kaysa sa mga babae dahil marahil sa mas marami silang nagiging na karelasyon sa kanilang buong buhay. Ito ang dahilan kaya mas kritikal na magpa-HPV test ang mga lalaki. Narito ang mga dapat ninyong malaman tungkol sa HPV test sa lalaki. 

HPV Test para sa Kalalakihan

Walang teknikal na inaprubahan na HPV test sa lalaki, Gayunpaman, mayroong HPV screening at anal cytology tests. Hindi ito inirerekomenda ngunit ginagamit ito sa mga lalaki na mayroong immunodeficiencies, at sa mga gay o bisexual. 

Pap Test

Ang Papanicolaou (Pap) test ay kadalasang isinasagawa sa mga babae upang malaman kung mayroon silang cervical cancer. Gayunpaman, napag-alaman na maaari rin itong isagawa sa mga lalaki na mayroong immunodeficiencies o may mataas na banta ng pagkakaroon ng cancer at iba pang mga sakit at impeksyon. 

Bukod sa cervical cancer para sa mga babae, ang test na ito ay mukhang maaari ding maging HPV test sa lalaki. 

Ang doktor ay kukuha ng sample cells mula sa urethra (ang daluyan ng ihi palabas ng katawan). Pagkatapos ay ipadadala ang mga cells sa laboratoryo upang maeksamina. Lalagyan nila ang mga sample cells na ito ng immunoperoxidase. Nakatutulong ito para sa mga doktor na mahanap ang Human Papillomavirus na nakapipinsala ng iba mga cells. 

Anal cytology

Ang anal cytology ay isang uri rin ng Papanicolaou test. Ngunit, sa halip na sa urethra kukuha ng sample cells ang doktor, kukuha sila mula sa anus. Madalas ay gumagamit ang mga doktor ng swab para dito. 

Ang mga Ito ba ay Epektibong Uri ng HPV test sa Lalaki?

Habang ang Papanicolaou testing ay nirerekomenda at epektibo sa mga kababaihan, hindi ito inaprubahan ng medical community para sa kalalakihan dahil sa mataas na banta sa kalusugan. 

Bukod dito, kakaunti lang ang magandang resulta mula sa test kapag isinagawa sa mga lalaki. Ang Papanicolaou testing kada taon ay walang mataas na tsansa na makakita ng virus. Isa pa, ang urethral opening ng kalalakihan ay mas makitid kaysa sa opening ng ari ng babae. 

Karagdagan, ang kahit na anong pamamaraan na invasive ay nakapagtataas ng banta ng komplikasyon

Mga Posibleng Banta ng HPV Test sa Lalaki

Ang papanicolaou testing ay kadalasang nagdudulot ng pagdurugo sa bahaging na-scrape gamit ang swab. Maaaring ang injury na ito, na posibleng nasa isang infected na bahagi, ay humantong sa paglala ng impeksyon o kahit na ibang impeksyon. 

Ang mga kalalakihang bisexual, homosexual, at mga lalaking may mahinang immune system ay maaaring payuhan ng doktor na sumailalim sa Papanicolaou test. Ito ay sa dahilan ng kanilang mataas na banta na mas magkaroon ng HPV at ng cancers na naiiuugnay sa HPV transmission.

Ang HPV ay kadalasan na kusang nawawala kahit na hindi gamutin. Kadalasan itong kaso sa mga lalaking may malakas na immune system. At mas madalas sa hindi, hindi ito nagiging sanhi ng cancers at hindi nakakikitaan ng sintomas. Kaya’t ang ligtas na pakikipagtalik at ang pagpapabakuna (HPV vaccine) ay mainam na paraan upang maiwasan ang HPV transmission.

Mahalagang Tandaan

Bagaman ang HPV ay kadalasan na hindi mapaminsala dahil sa mga sintomas na hindi lumalabas, at ang testing para rito ay hindi reliable at risky, ang pinaka mainam na paraan upang mapigilan ang sarili sa pagkuha ng virus ay pagsasagawa ng ligtas na pakikipagtalik at pagpapabakuna. Kung mayroon pa kayong mga katanungan ukol sa HPV infection at HPV test sa lalaki, mainam na sumangguni na sa inyong doktor. 

Alamin ang marami pa tungkol sa HPV dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

YOU MAY NOT NEED A PAP SMEAR, https://www.health.harvard.edu/womens-health/you-may-not-need-a-pap-smear, Accessed January 18, 2021

A “PAP” SMEAR FOR MEN? MALE URETHRAL SMEARS AS SCREENING TOOLS FOR DETECTING SUBCLINICAL PAPILLOMAVIRUS INFECTION https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/1846989/, Accessed January 18, 2021

OBTAINING A SPECIMEN FOR ANAL CYTOLOGY,https://analcancerinfo.ucsf.edu/obtaining-specimen-anal-cytology, Accessed January 18, 2021

HUMAN PAPILLOMAVIRUS TESTING IN MEN, https://jaoa.org/article.aspx?articleid=2094178, Accessed January 18, 2021

HPV AND MEN – FACT SHEET, https://www.cdc.gov/std/hpv/stdfact-hpv-and-men.htm#:~:text=Can%20I%20get%20tested%20for,men%20in%20the%20United%20States, Accessed January 18, 2021

Kasalukuyang Version

10/18/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Koneksyon Ng HPV At Cervical Cancer?

Sintomas Ng HPV: Mabilis Bang Lumabas Ang Mga Ito?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement