backup og meta

Bakuna sa HPV: Mga Dapat Mong Malaman

Bakuna sa HPV: Mga Dapat Mong Malaman

Ang mga bakuna ay epektibo para sa pagpapababa ng banta ng impeksyon, sintomas ng mga sakit, at ibang pang mga usaping may kinalaman sa kalusugan na sanhi ng virus gaya ng human papillomavirus— o HPV. Magpatuloy sa pagbasa para matuto ng mga mahahalagang katotohanan tungkol sa bakuna laban sa HPV. 

Ano ang Bakuna Laban sa HPV? 

Ang bakuna laban sa HPV ay nagbibigay-proteksyon sa mga tao laban sa human papillomavirus o HPV. Kabilang sa mga sakit na maaaring idulot ng HPV ay ang kanser sa cervix, ari ng babae at lalaki, at gayundin ang kanser sa pwet at lalamunan. Pinipigilan din ng bakuna ang mga genital warts na dulot ng HPV. Isaalang-alang na ang mga bakuna ay paraan ng pag-iwas. Hindi nito ginagamot ang mga umiiral na mga impeksyon, sa halip ay napoprotektahan nito iyong mga hindi pa nahahawa mula sa mga nakapipinsalang epekto ng sakit. 

Paano ito Gumagana? 

Kagaya ng sa ibang bakuna, ang bakuna laban sa HPV ay nagpapakilos sa katawan na magprodyus ng mga antibodies na panlaban sa HPV. Ang mga antibodies na ito ay kakabit sa HPV virus na sumasakop sa katawan at pipigilan nito na maapektuhan ang iba pang selula upang maiwasan ang mga seryosong problemang pangkalusugan. 

Tandaan na ang bakuna ay hindi naglalaman ng nakahahawang virus ngunit mga virus-like particles (VLPs) lamang. Napakalaki ng pagkakatulad ng mga VLPs sa aktuwal na virus. Ang mga ito, sa katotohanan, ay tinutulungan ang iyong katawan na maging pamilyar sa virus upang malaman nito kung paano protektahan ang katawan mula sa mga ito sa hinaharap. 

Para Lamang ba Ito sa mga Kababaihan? 

Ang bakunang ito ay hindi lamang para sa mga kababaihan; inirerekomenda na ang parehong babae at lalaki ay magpabakuna. Gaya ng nabanggit, ang bakuna laban sa HPV ay maaaring makatulong sa pag-iwas sa maraming uri ng kanser sa kababaihan. Sa mga kalalakihan, maaari din nitong tulungang maiwasan ang mga kanser na may kaugnayan sa HPV gaya ng kanser sa pwet, lalamunan, at bibig. Gayundin, naiiwasan nito ang pagkakaroon ng genital warts sa parehong sekso. 

Karagdagan pa, naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga lalaking nabakunahan laban sa HPV strain na nagdudulot ng cervical cancer ay nakapagpapababa ng tyansa ng panghahawa ng HPV sa mga kababaihan. Sa ganitong paraan, nababawasan ang banta ng pagkakaroon ng cervical cancer ng mga kababaihan. 

Ano ang Proseso ng Pagbabakuna? 

Ang bakuna laban sa HPV ay itinuturok sa itaas na bahagi ng braso ng pasyente. Ito ay serye ng mga turok; ang bilang ng turok ay kadalasang nakabatay sa iyong edad. 

Kailan ako Dapat na Magpabakuna? 

Ang bakuna laban sa HPV ay dapat na maibigay bago pa maging aktibo sa aspetong sekswal ang isang pasyente. 

Pinakamainam, ang mga babae at lalaki ay makakuha ng kanilang unang dosis sa pagitan ng 11-12 taong gulang. Ang ikalawang dosis naman ay ibinibigay 6-12 buwan matapos ang unang dosis. 

Sa kabilang banda, ang mga nagadalaga at nagbibinata na nakatanggap ng bakuna nang sila ay 15 taong gulang na pataas ay mangangailangan ng tatlong dosis sa loob ng anim na buwan. 

Para naman sa mga edad 27 pataas, ang konsultasyon sa doktor para sa mga benepisyong makukuha mula sa pagpapabakuna sa higit na mataas na edad ay iminumungkahi. Hindi dapat magpabakuna ang mga nagdadalantao. 

Maaari ba Akong Makipagtalik Pagkatapos Magpabakuna? 

Maraming mga tao ang may kakayahang makipagtalik matapos nilang mabakunahan ng kumpletong mga turok. Pinakamainam na makapagpabakuna laban sa HPV ang mga tao bago pa man sila maging aktibo sa aspetong sekswal. 

Maging matapos mabakunahan, ugaliin pa din ang ligtas na pagkikipagtalik sa pamamagitan ng pagsusuot ng condom para maiwasan ang mga STIs o STDs. Ang bakuna sa HPV ay hindi nagbibigay ng proteksyon laban sa ibang STI; kaya ka lamang protektahan nito mula sa HPV at ilang mga usaping may kinalaman dito. 

Gaano Katagal Ito Epektibo? 

Iminumungkahi ng mga mananaliksik na ang bakuna laban sa HPV ay tumatagal nang mahabang panahon. Ang mga pag-aaral na nagsuri sa mga nagpabakuna sa loob ng 10 taon ay walang nakitang ebidensya na nababawasan ang pagiging epektibo nito sa paglipas ng panahon.

Epektibo ba Ito? 

Ang mga bakuna sa HPV ay may mahuhusay na resulta mula sa mga trials, na nagtitiyak sa publiko na ang mga bakunang aprubado ng FDA ay ligtas at epektibo para sa karamihan ng mga taong tumatanggap nito. 

Ayon sa CDC, ang mga bakuna laban sa HPV ay nakatulong para sa pagpapababa ng kaso ng HPV infections na nagdudulot ng genital warts at karamihan sa mga HPV cancer sa 86% sa mga dalaga. Ang pagbaba ay nasa 71% naman para sa mga young adult women. 

Karagdagan pa, iniulat ng CDC na mayroong 40% pagbaba sa mga cervical precancers na dulot ng HPV strains na may kaugnayan sa cervical cancer sa mga bakunadong kababaihan. 

Mayroon ding mga pag-aaral na nagpapakita kung bakit mahalaga para sa mga kalalakihan ang pagpapabakuna laban sa HPV, gaya ng pag-iwas sa kanser sa ari, pwet, leeg, at ulo. 

Tandaan

Ang pagpapabakuna ay isang mahusay na paraan para maprotektahan ka laban sa HPV at sa mga potensyal nitong banta sa kalusugan. Tandaan lamang, na bagaman ang bakuna laban sa HPV ay nakapagpoprotekta sa iyo para sa espisipikong virus na ito, hindi naman nito saklaw ang ibang mga STD. Palaging magsagawa ng ligtas na pagtatalik. 

Matuto ng higit pa ukol sa HPV dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

HPV Vaccine, https://www.cdc.gov/vaccines/vpd/hpv/hcp/vaccines.html#:~:text=Vaccine%20Composition,45%2C%2052%2C%20and%2058. Accessed January 20, 2021

Human Papillomavirus (HPV) Vaccines https://www.cancer.gov/about-cancer/causes-prevention/risk/infectious-agents/hpv-vaccine-fact-sheet#how-do-hpv-vaccines-work Accessed January 20, 2021

HPV vaccine: Who needs it, how it works,  https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hpv-infection/in-depth/hpv-vaccine/art-20047292 Accessed January 20, 2021

Vaccinating boys and girls against HPV,  https://www.cdc.gov/hpv/parents/vaccine.html Accessed January 20, 2021

HPV Vaccine Information for Young Women,  https://www.cdc.gov/std/hpv/stdfact-hpv-vaccine-young-women Accessed January 20, 2021

A Review of Clinical Trials of Human Papillomavirus Prophylactic Vaccines,  https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4636904/ Accessed January 20, 2021

Vaccinating boys and girls against HPV,  https://www.cdc.gov/hpv/parents/vaccine.html Accessed January 20, 2021

[The importance of HPV vaccination in men], https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/27481200/ Accessed January 20, 2021

Kasalukuyang Version

10/16/2024

Isinulat ni Marie Kristel Corpin

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

19 Taong Gulang Na Lalake Mayroong HPV — Ano Ang Itsura Ng HPV?

Sintomas Ng HPV: Mabilis Bang Lumabas Ang Mga Ito?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement