backup og meta

Pagkakaiba ng HIV at AIDS: Heto ang Dapat Mong Malaman

Pagkakaiba ng HIV at AIDS: Heto ang Dapat Mong Malaman

Hindi lahat na may HIV ay mayroong AIDS. Ngunit ang lahat na may AIDS ay may HIV. Karaniwan na nakalilito ang HIV at AIDS. Iniisip ng ilang tao na ito ay isa at pareho. Kahit na may pagkakatulad, may pagkakaiba ang HIV at AIDS.

Ang Pagkakaiba ng HIV at AIDS

Ang HIV ay kumakatawan sa Human Immunodeficiency Virus. Sinisira ng HIV ang immune system sa pamamagitan ng pagsira sa mga puting selula ng dugo na tumutulong sa katawan na labanan ang impeksiyon. Kapag nangyari ito, nasa panganib ka na makakuha ng mas malalang mga impeksyon kasama ang ilang mga kanser. Kung ang HIV ay hindi naagapan, maaari itong maging banta sa buhay. At ang sanhi ng kamatayan ay kadalasang mula sa mga impeksiyon na karaniwang kayang labanan ng katawan.

Ang mga tao ay maaaring makakuha ng impeksyon sa HIV kung ang dugo (kapag ang pagbabahagi ng mga karayom, halimbawa) o fluid (tulad ng semen o vaginal fluids) mula sa isang taong may HIV ay pumasok sa kanilang katawan. Maaari itong pigilan sa pamamagitan ng paggamit ng condom sa panahon ng pakikipagtalik. Kabilang dito ang vaginal, anal, at oral sex.

Iba Pang Pagkakaiba ng HIV at AIDS

Maraming mga taong may HIV na walang anumang mga sintomas sa loob ng maraming taon at pakiramdam nila na sila ay ganap na malusog. Dahil dito, hindi nila namamalayan na sila ay may HIV at maaaring hindi nila namamalayan na mahawahan ang kanilang mga partner. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang laging gumamit ng proteksyon kapag nakikipagtalik, may sakit man o wala.

Walang lunas para sa HIV. Sa sandaling mayroon ka ng virus, habambuhay na ito. Ngunit ang pag-unlad ng agham sa antiretroviral ay nagiging daan upang ang mga taong may HIV ay mabuhay nang mahaba at malusog. Sinusupil ng mga gamot ang mga viral counts sa mga pasyente upang hindi maipapadala ang virus sa kanilang mga kapartner sa sex.

Sa kabilang banda, ang AIDS, ay Acquired Immunodeficiency Syndrome, ay malubha at maaaring nakamamatay sanhi ng HIV. Ang huling yugto ng impeksyon sa HIV ay tinatawag na AIDS. Ito ang yugto ng impeksyon sa HIV kapag ang immune system ay napakahina na. Ito ang pangunahing pagkakaiba ng HIV at AIDS.

Paano Kumakalat ang HIV?

Maaaring kumalat ang HIV mula sa isang tao patungo sa ibang tao sa pamamagitan ng walang proteksyon na oral, vaginal, o anal sex, pagbabahagi ng mga karayom ​​sa droga, o pagkakaroon ng bukas na sugat na nadikit sa ilang likido sa katawan ng isang taong may HIV.

Ang mga likido sa katawan na ito ay dugo, semilya, pre-seminal fluid, vaginal fluid, at rectal fluid. Tandaan na ang mga likido sa katawan na ito ay kailangang madikit sa mga nasirang tissue, mucous membrane, o iturok sa daluyan ng dugo (tulad ng kaso sa mga karayom). Ang Oral sex ay bihirang magpadala ng sakit.

Sa madaling salita, ang isang tao ay hindi makakakuha ng HIV sa pamamagitan ng casual contact, tulad ng pakikipagkamay, pagyakap, o pagbahing.

Maaaring makuha ito ng mga sanggol kung ang kanilang mga ina ay HIV positive sa panahon ng pagbubuntis.

Pagkakaiba ng HIV at AIDS: Mga Sintomas

Mayroong ilang mga sintomas ng HIV ngunit ang tanging paraan na maaari mong sabihin na mayroon kang HIV kung ikaw ay na-test na. Gayunpaman, bago ang test, maaaring mapapansin mo ang sumusunod na sintomas na maaaring magpahiwatig na mayroon kang HIV sa pasimulang yugto nito (acute stage).

Maaari kang makaranas ng mga sintomas tulad ng trangkaso tulad ng:

  • Rashes
  • Pananakit ng kalamnan at kasukasuan
  • Pagpapawis sa gabi
  • namamagang lalamunan
  • pagkapagod
  • Ulcer sa bibig
  • Namamagang kulani (lymph nodes)

Hindi lahat ay nakakaranas ng mga sintomas na ito. At kahit na magkaroon ka ng mga sintomas na ito, hindi mo dapat isipin kaagad na mayroon kang HIV maliban kung ito ay nakumpirma na sa pamamagitan ng pagsusuri sa dugo.

Sa yugto ng clinical latency, ang virus ay patuloy na dumarami.

Sa huling yugto, ito ay nagiging ganap na AIDS. Ito ang pinakamalaking pagkakaiba ng HIV at AIDS.

Kapag ikaw ay may AIDS, ang mga sintomas ay:

  • Paulit-ulit na lagnat
  • Mabilis na pagbaba ng timbang
  • Labis at hindi maipaliwanag na pagkapagod
  • Matagal na pamamaga ng lymph glands
  • Mga sugat sa bibig, anus, o ari
  • Pneumonia at iba pa impeksyon sa baga
  • Pagtatae na tumatagal ng higit sa isang linggo
  • Pula, kayumanggi, o purplish blotches sa balat
  • Nawalan ng memorya, neurological disorder, at depression

Karamihan sa mga impeksyon na viral ay kinokontrol ng immune system ng katawan. Ang pagkakaroon ng impeksyon sa HIV ay nangangahulugan na hindi nagiging epektibo ang immune system, kaya’t ang mga benign na impeksyon ay nagiging mahirap kontrolin–kaya tinatawag itong mga opportunistic infection.

Ang taong mayroong HIV na nakararanas ng mga sintomas ay dapat kumunsulta sa doktor.

Timeframe para sa HIV na maging AIDS

Bagama’t magagamit na ngayon ang mga gamot para sa mga taong may HIV upang ang sakit ay hindi mag-progress sa AIDS, may mga tao pa ring hindi alam na sila ay may HIV. Kapag nangyari ito, lima hanggang sampung taon na ang HIV ay maging full blown AIDS.

Gayunpaman, maaaring makaapekto ang ilang partikular na salik sa timeline lalo na kung wala silang natatanggap na paggamot.

  • Pangkalahatang kalusugan ng taong may HIV
  • Availability ng/ o access sa paggamot
  • Ang henetika (genetics) o family history ng indibidwal
  • Paninigarilyo at pag-aabuso sa substance
  • Genetic strain ng HIV na nahawaan ng isang tao

Pag-iwas sa paghawa ng HIV

Ang HIV ay naililipat mula sa tao patungo sa tao. Ang pinakamainam na paraan upang maiwasang mangyari ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng proteksyon sa tuwing nakikipagtalik ka sa bibig (oral sex), vaginal, o anal sa isang tao.

Hindi ka rin dapat magbahagi ng mga karayom ​​sa sinuman at iwasang madikit sa dugo, semilya, vaginal o anal fluid pati na rin sa gatas ng ina ng isang taong may HIV. Ang HIV ay hindi maipapasa sa pamamagitan ng pawis, ihi, o laway.

Para maiwasan ang HIV, laging tandaan na gumamit ng external male condom o internal female condom. Kung kailangan mong mag-iniksyon ng mga gamot, siguraduhing gumamit ka ng sterile na karayom ​​at hiringgilya sa bawat pagkakataon. Ang pagbabahagi ng kagamitan ay isang malaking no-no. Kung marami kang kapareha sa pakikipagtalik, nakipagtalik ng walang proteksyon, o gumamit ng mga ilegal na droga na ginagamitan ng mga karayom, kailangan ang regular na pagsusuri para sa HIV.

Maiiwasan ang AIDS kung magagawa ang tamang paggamot upang mapigil ang pagsulong ng HIV. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-inom ng antiretroviral na paggamot na mabisa at magagamit para sa lahat. Ang paggamot sa antiretroviral ay binabawasan ang antas ng HIV sa katawan, kung mababa ang antas, hindi na ito makikita sa pagsusuri ng dugo.

Key Takeaways

Laging tandaan, ang isang tao ay maaaring magkaroon ng HIV, ngunit hindi ito maaaring humantong sa AIDS. Ngunit ang sinumang may AIDS ay may HIV dahil ang AIDS ay ang huling yugto ng impeksyon sa HIV. Ang HIV ay isang seryoso na sakit, ngunit mayroon na itong mga gamot na magagamit. Hangga’t ginagamot mo ito, maaari ka pa ring mabuhay nang mahaba at malusog kahit positibo ka sa HIV.
Matuto ng higit pa tungkol sa HIV at AIDS dito

Isinalin mula sa orihinal na Ingles na akda ni Kathy Kenny Ngo.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

About HIV, https://www.cdc.gov/hiv/basics/whatishiv.html, accessed 23 July, 2020

HIV/AIDS, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hiv-aids/symptoms-causes/syc-20373524, accessed 23 July, 2020

What Are HIV and AIDS?, https://www.hiv.gov/hiv-basics/overview/about-hiv-and-aids/what-are-hiv-and-aids, accessed 23 July, 2020

What Are HIV and AIDS?, https://www.avert.org/about-hiv-aids/what-hiv-aids, accessed 23 July, 2020

HIV & AIDS, https://www.plannedparenthood.org/learn/stds-hiv-safer-sex/hiv-aids, accessed 23 July, 2020

HIV/AIDS, https://medlineplus.gov/hivaids.html, accessed 23 July, 2020 

HIV and AIDS: Know about the facts, https://newsinhealth.nih.gov/2015/06/hiv-aids-know-facts

Kasalukuyang Version

01/21/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

HIV Hotline sa Pilipinas: Heto ang mga Maaari mong Tawagan

Sino Ang Mas Nakaka-Experience Ng Sexual Pleasure - Babae o Lalaki?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement