backup og meta

Nahahawa Ba Ng AIDS Sa Laway? Mga Facts Tungkol Sa AIDS At HIV

Nahahawa Ba Ng AIDS Sa Laway? Mga Facts Tungkol Sa AIDS At HIV

Ang AIDS, o acquired immunodeficiency syndrome, ay isang immunodeficiency. Kahit ngayon, marami pa ring tao ang may mga tanong, gaya ng “Nahahawa ba ng AIDS sa laway?” o “Magkakaroon ba ako ng AIDS sa pamamagitan ng pakikipag-contact sa isang taong mayroon nito?”

Ito ang dahilan kung bakit mahalagang turuan ang mga tao kung ano ang AIDS at kung ano ang HIV, kung paano kumalat ang mga sakit na ito, at linawin ang anumang mga paniniwala o maling impormasyon na nakapalibot sa mga kondisyong ito.

Ano ang AIDS?

Ang AIDS ay komplikasyon ng HIV, o human immunodeficiency virus. Gaya ng isina-suggest ng pangalan, ang HIV ay isang virus na nagpapahina sa immune system, na nagiging sanhi ng mga taong may ganitong kondisyon na maging mas mahina sa mga impeksiyon na kadalasang hindi nakapipinsala para sa karamihan ng mga tao.

Ang HIV ay nagpro-progress sa AIDS kung ang isang pasyente ay hindi umiinom ng gamot sa HIV. Ang nangyayari – ang virus ay nagsisimulang kumalat sa buong katawan, at ito ang lalong sumisira sa immune system. Nangangahulugan ito na ang isang bagay na kasing simple ng sipon ay maaaring maging isang kondisyon na nagbabanta sa buhay ng isang taong may AIDS.

Sa kabutihang palad, mayroon na ngayong mga paraan para pabagalin o ihinto ang pag-progress ng HIV. Sa pamamagitan ng pagsasailalim sa antiretroviral therapy, na kinabibilangan ng pag-inom ng gamot araw-araw, ang mga taong may HIV ay maaaring mabuhay ng mahaba at malusog na buhay.

Ang ginagawa ng antiretroviral therapy ay tsinetsek nito ang virus, at pinipigilan itong dumami sa katawan. Bagama’t hindi nito mapapagaling ang HIV, pinapanatili nitong kontrolado ang virus at pinananatiling malusog ang tao. Sa wastong tritment, ang HIV ay hindi kailangang mag-progress sa AIDS.

Sa katunayan, ang ilang mga tao ay may hindi matukoy na viral load pagkatapos ng mga taon ng therapy. Ang ibig sabihin nito, HIV-positive pa rin sila, subalit ang dami ng virus sa system ay balewala, at hindi gaanong makaaapekto sa kanilang kalusugan.

Nahahawa ba ng AIDS sa laway?

Ngayon, para matugunan ang tanong na “Maaari bang maipasa ang AIDS sa pamamagitan ng laway?”, ang maikling sagot ay hindi. Ang paghalik sa isang taong may HIV o AIDS, pagbabahagi ng tasa o mga kagamitan, atbp. ay hindi makahahawa sa ibang tao ng sakit. At sa pagiging pedantic tungkol dito, ang isang tao ay hindi maaaring mahawahan ng AIDS nang diretso, dahil ang AIDS ay isang komplikasyon ng HIV.

Nangangahulugan ito na maaari kang ligtas na magkaroon ng pisikal na pakikipag-kontak sa isang taong positibo sa HIV nang walang anumang epekto. Gayunpaman, may iba pang mga paraan para mahawaan ng HIV ang tao.

Paano Nahahawa ang mga Tao?

Ang HIV ay isang nakahahawang sakit, ngunit hindi sa mga paraan na maaaring isipin ng ilang tao. Ang ilang mga tao ay nag-iisip na ito ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng pisikal na pakikipag-kontak, o sa pamamagitan ng pawis at laway, ngunit ang lahat ng ito ay hindi totoo.

Ang pangunahing paraan para mahawaan ng HIV ang mga tao ay sa pamamagitan ng walang protektadong pakikipag-sex sa isang taong may kondisyon. Ito’y dahil ang semilya, vaginal fluid, at rectal fluid ay nagdadala ng virus. Ang nangyayari ang fluids ay dumadaan sa mga mucus membrane tulad ng pagbukas ng ari ng lalaki, puki, at tumbong, at maaaring magdulot ng impeksiyon.

Sa mga bihirang kaso, maaari ding mahawaan ang mga tao kung makatanggap sila ng blood transfusion mula sa isang taong positibo sa HIV. Ang mga buntis na ina ay maaari ring magpasa ng HIV sa kanilang mga sanggol sa panahon ng pagbubuntis, at gayundin sa pamamagitan ng pagpapasuso.

Paano Mo Mapoprotektahan ang Iyong Sarili?

Ang isa sa mga pinakamalaking risk sa HIV ay kapag ang isang tao ay nahawahan pa lamang, ito ang panahon na pinaka nakahahawa. Ngunit ang problema dito ay hindi malalaman ng mga tao na mayroon silang HIV, dahil hindi ito nagpapakita ng anumang initial symtoms.

Kaya mahalagang malaman kung ano ang maaari mong gawin upang maprotektahan ang iyong sarili mula sa HIV. Narito ang kailangan mong malaman:

  • Gumamit ng proteksyon kapag nakikipag-sex, lalo na kung marami kang kapareha.
  • Kung nakipag-sex ka nang walang proteksyon, siguraduhing magpatest para sa HIV.
  • Magandang ideya din na hilingin sa iyong kapareha na magpatest, para lamang maging ligtas.
  • Ang mga healthcare workers na humahawak ng dugo ay dapat magsagawa ng tamang protocol ng kaligtasan upang maiwasan ang impeksyon.

Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga simpleng tip na ito, maiiwasan mong mahawa ng HIV.

Key Takeaways

Ang HIV ay isang nakakahawa at malubhang sakit. Gayunpaman, mayroon maraming maling impormasyon at mga paniniwala na nakapalibot sa kundisyong ito.
Mahalagang malaman ng lahat kung ano ang HIV, kung paano ito kumakalat, at kung paano protektahan ang iyong sarili mula sa pagkahawa. Sa ganitong paraan, mababawasan natin ang stigma, at tumuon sa pagtulong sa mga taong may HIV, at pagpigil sa mga hinaharap na kaso ng HIV na mangyari.

Matuto pa tungkol sa HIV at AIDs dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How do you get HIV? | Avert, https://www.avert.org/hiv-transmission-prevention/how-you-get-hiv, Accessed April 15, 2021

How Is HIV Transmitted? | HIV.gov, https://www.hiv.gov/hiv-basics/overview/about-hiv-and-aids/how-is-hiv-transmitted, Accessed April 15, 2021

Ways HIV Can Be Transmitted | HIV Transmission | HIV Basics | HIV/AIDS | CDC, https://www.cdc.gov/hiv/basics/hiv-transmission/ways-people-get-hiv.html, Accessed April 15, 2021

Transmission of HIV/AIDS | Stanford Health Care, https://stanfordhealthcare.org/medical-conditions/sexual-and-reproductive-health/hiv-aids/causes.html, Accessed April 15, 2021

HIV and AIDS – Causes – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/hiv-and-aids/causes/, Accessed April 15, 2021

HIV and AIDS – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/hiv-and-aids/, Accessed April 15, 2021

Kasalukuyang Version

03/23/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Sintomas Ng HIV Sa Maagang Yugto: Mga Dapat Malaman

Sintomas ng HIV: Timeline Ng Sintomas Ng Sakit Na Ito


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement