Tinatawag na HIV ang isang virus na nagpapahina ng immune system ng isang tao. Maaaring makaranas ng early-stage symptoms ang taong may HIV sa loob ng unang taon ng pagkakaroon nito. Gayunpaman, posible ring walang maramdamang mga sintomas ng HIV sa early stage. Hindi mahalaga kung kailan lumabas ang mga sintomas. Mas dapat pahalagahan ang agarang paggamot dito. Kung hindi magagamot, maaaring maging AIDs ang HIV, ang huling stage ng impeksiyon.
Maagang Sintomas Ng HIV Infection
Inaatake ng HIV (human immunodeficiency virus) ang immune system ng tao at unti-unti itong pinapahina hanggang sa maging madali na kapitan ng sakit ang iyong katawan, lalo na ang mga impeksyon.
Ngunit kapag nakapasok na ito sa katawan, hindi agad nito sisirain ang iyong mga organ. Sa katunayan, maaaring tumagal ng mga 2-15 na taon ang HIV infection bago magpakita ng mga tipikal na sintomas.
Nangangahulugan ba na hindi agad makikita ang HIV infection sa early stage? Sa kabutihang palad, posible pa ring makita ang maagang sintomas ng HIV. Sinasabi ng mga report na nagsisimula silang lumitaw nang hindi lalampas sa 1-2 buwan matapos makapasok ng virus sa katawan. Sa katunayan, sinasabi ng mga health authorities na maaaring makita agad ang maagang sintomas ng HIV sa loob ng 2 linggo pagtapos mahawa ng virus ang katawan.
Karaniwang kapareha lang ng mga sintomas ng HIV sa unang bahagi ng viral incubation ang mga sintomas ng karaniwang sipon, na katulad ng:
- HIV fever (madalas na mas mataas kaysa sa karaniwang lagnat; maaaring sabayan din ng mas matinding lagnat)
- Sakit ng ulo
- Madalas mapagod
- Namamagang mga lymph nodes
- Sore throat
- HIV skin rash
- Masakit na mga muscle at joints
- Sores o mga sugat-sugat sa bibig
- Injury sa mga sensitibong organ
- Madalas pagpawisan sa gabi
- pagtatae sa mga pasyente ng HIV
Gayunpaman, hindi magpapakita sa lahat ang sintomas ng HIV sa simula ng sakit. May mga taong hindi nakararanas ng sintomas sa simula ng HIV infection.
Kaya naman, dapat sumailalim sa HIV test ang mga taong may mataas na posibilidad na magkaroon ng HIV infection.
Phases Ng HIV Infection
Upang mas maunawaan ang mga unang sintomas ng HIV infection, isa-isahin at ipaliwanag natin ang mga phases nito.
Unang Phase Ng HIV
Maaaring tumagal ng ilang araw hanggang ilang linggo ang maagang sintomas ng HIV. Tinatawag na acute infection o primary HIV infection (kilala rin bilang acute retroviral syndrome) ang maikling panahon na ito.
Kung kukuha ng HIV test sa panahon na ito, maaaring hindi makita ang impeksyon sa mga resulta ng pagsusuri. Mapanganib ito dahil maaari pa rin makahawa ng virus sa ibang tao ang mga taong may impeksyon nang hindi nalalaman na positibo sila sa HIV.
Sa stage na ito, karamihan sa mga tao ang nakararanas ng mga sintomas na parang trangkaso. Madalas na katulad din ng gastrointestinal o respiratory tract infection ang maagang sintomas ng HIV.
Ikalawang Phase Ng HIV
Tinatawag na clinical latent stage o chronic HIV infection ang pangalawang phase. Sa stage na ito, maaaring walang maramdaman na sintomas ang mga taong may HIV.
Aktibo pa rin ang HIV virus, ngunit mabagal lang itong dumami. Iyon ang dahilan kung bakit maaaring hindi maranasan ang alinman sa mga unang sintomas ng HIV.
Maaaring tumagal ng isang dekada o higit pa ang latent period nang hindi nararanasan ang anumang mga palatandaan o sintomas.
Kahit na kasalukuyang nasa latent period at walang nararamdamang sintomas, maaari pa rin makahawa ng virus sa iba ang mga taong may HIV. Sa kadahilanang kaya pa rin kontrolin ng immune system ang pagkilos ng virus, ngunit hindi lamang nito kayang tanggalin nang lubusan.
Maaaring mas matagal sa latency period ang mga pasyenteng positibo sa HIV na regular na umiinom ng mga gamot para makontrol ang impeksyon. Sa kabaligtaran, maaari namang makaranas ng mas mabilis na paglala ng sakit ang mga hindi umiinom ng mga gamot.
Bukod pa rito, kung regular naman na umiinom ng gamot at may mababang level ng virus sa katawan, mas mababa rin ang posibilidad na maipasa ang HIV virus sa iba.
Ikatlong Phase Ng HIV: AIDS
AIDS ang huling phase ng HIV. Sa huling phase na ito, nagiging sanhi ng HIV infection sa katawan ang malubhang pagkasira ng immune system at madaling pagkapit ng mga opportunistic infection– mga impeksyon na umaatake sa mga taong may mahinang immune system.
Gaano Kahalaga Ang HIV Test?
Hindi sapat ang pag-detect sa sintomas para ma-diagnose ang impeksyon. Ipapayo ng iyong doktor na magpakuha ng HIV blood test upang makasiguro.
Napakahalang kumuha ng test para sa HIV dahil maaaring hindi namamalayan ng mga taong may HIV na hindi nakararamdam ng sintomas na may nahawaan na pala sila.
Kung makaranas ng maagang sintomas, huwag mataranta. Komunsulta kaagad sa doktor, lalo na kung kabilang sa mga grupong madaling kapitan ng HIV at AIDS. Nakatutulong ang agarang test na maprotektahan ang sarili at iba pang tao.
Hindi “Death Sentence” Ang HIV Diagnosis
Nangangailangan ng treatment na may antiretroviral drugs (ARVs) ang mga taong may HIV para mabawasan ang dami ng HIV sa kanilang katawan. Nakatutulong din ang mga gamot na nagpapabagal ng paglala ng sakit.
Dagdag pa sa pagkontrol ng maagang sintomas ng HIV, nagpakita din ng mahalagang papel ang treatment na ito sa pag-iwas mula sa HIV dahil pinipigilan nito ang unti-unting paglala ng virus. Sa ganitong paraan, bumababa ang dami ng virus sa dugo.
Bukod sa mga antiretroviral, nakatutulong din sa pagbawas ng viral load ang behavioral changes.
Dapat huminto sa pag-share ng mga karayom ang mga pasyente, at masanay na mag-practice ng safe sex, tulad ng pagsusuot ng condom bilang proteksyon.
Kung ikaw o isang taong malapit sa iyo ang nakararanas ng maagang sintomas ng HIV, huwag mataranta. Komunsulta kaagad sa doktor upang matukoy nila ang diagnosis at mga posibleng treatment para dito.
Matuto pa tungkol sa Sexual Wellness dito.