backup og meta

HIV test sa Pilipinas: Saan nakakakuha, at paano ito ginagawa?

HIV test sa Pilipinas: Saan nakakakuha, at paano ito ginagawa?

Bagama’t marami na ang nagawa upang maikalat ang kamalayan at pag-iwas, ang rate ng transmisyon ng HIV sa bansa ay nakagugulat pa rin. Matuto nang higit pa tungkol sa HIV test sa Pilipinas at gamot na magagamit.

Paano inaatake ng HIV ang katawan? 

Ang human immunodeficiency virus (HIV) ay ang causative agent ng HIV infection. Naiimpeksiyon nito ang immune system sa pamamagitan ng pag-atake at pag-infiltrate ng puting mga selula ng dugo (white blood cells) na kilala bilang CD4 cells. Ito ay unti-unting nagpapahina sa katawan ( body’s defense ) laban sa mga pathogens at pagdebelop ng mga kanser.

Ang virus ay kumakalat sa pamamagitan ng dugo at ilang mga likido sa katawan tulad ng seminal, pre-seminal fluid, vaginal fluid, gatas mula sa suso (breast milk) , at anal secretions. Hindi ito maaaring kumalat sa pamamagitan ng mga luha o laway. Hindi rin ito maaaring kumalat sa pamamagitan ng pagyakap, pakikipagkamay at pagbabahagi ng pagkain. Ang pinaka-karaniwang paraan ng pagkalat sa Pilipinas ay sa pamamagitan ng hindi protektadong pakikipagtalik (unprotected sexual intercourse), puwit man o sa kiki/ puki (anal or vaginal).

Ang sakit na ito ay hindi maaaring mapagaling ngunit ang kombinasyon ng gamot na kilala bilang antiretroviral therapy (ART), ang virus ay mapipigilan. Maaaring mapahinto ang pagdebelop nito upang makuha ang immunodeficiency syndrome (AIDS), ang pinaka-advanced na anyo ng impeksiyon.

Ang mga HIV test sa Pilipinas ay ginagamit upang makita ang pagkakaroon ng virus, gamit ang mga sampol sa serum, laway, at ihi. Ito ay lubos na tumpak (accurate), ngunit walang test na maaaring makakita kaagad ng HIV pagkatapos ng impeksiyon. Ang mga resulta ay nananatiling kumpidensyal, at ang mga tiyak na positibo rito ay hinihikayat na magkaroon o dumaan ng counselling. Ang mga sesyon na ito ay dapat ding isagawa lamang kung ito ay may pahintulot ng indibidwal na sinuri.

Narito ang iba’t ibang HIV test sa Pilipinas na ginagamit sa pag-diagnose ng isang pasyente:

Antibody test

Karamihan sa mga HIV test sa Pilipinas ay sa ganitong uri. Kabilang dito ang pinaka mabilis at home test kit. Ang mga antibodies ay mga sangkap na ginawa ng ilang mga puting selula ng dugo (white blood cells) kapag may mga nakakasakit na mikroorganismo sa iyong katawan. Sa test na ito dine-detect ang mga antibodies na ginawa laban sa HIV.

Gayunpaman, ang mga pagsusuri sa antibody ay maaaring magbigay ng false negative sa window period. Ang durasyon nito ay mula sa 3 linggo hanggang 6 na buwan. Ito ay ang panahon sa pagitan ng oras ng impeksiyon at ang produksyon ng mga antibodies sa detectable quantity.

Antigen test 

Mas partikular na kilala bilang P24 antigen test. Natuklasan nila ang pagkakaroon ng isang protina na mayroon sa HIV na kilala bilang P24. Ang mga ito ay kadalasang ginagamit para sa maagang pagtukoy ng HIV. Ito ay madalas na ginagamit na kombinasyon ng isang antibody test dahil hindi ito nagbibigay ng tumpak na positibong resulta. Gayundin, ang test na ito ay hindi partikular na kapaki-pakinabang pagkatapos ng ilang sandali, dahil ang katawan ay nagsisimulang makabuo ng mga antibodies at ang konsentrasyon ng P24 ay nawawala rin. 

Kombinasyon ng Antigen at Antibody Test 

Ang test na ito ay tinatawag ding 4th generation assay. Ito ay kombinasyon ng dalawang nabanggit na mga test. Inirerekomenda ito sa mga laboratoryo dahil maaari nitong makita ang impeksiyon nang maaga sa loob lamang ng 2 hanggang 6 na linggo.

Nucleic Acid-based Test 

Ito ay napakamahal na mga test at hindi karaniwang ginagamit sa screening. Ito ay tinatawag ding viral load test dahil maaari nilang kunin ang tiyak na dami ng virus sa dugo. Karaniwang ginagamit ito para sa mga taong may mataas na panganib na pagkakalantad o nakakaranas ng pinaghihinalaang maagang mga sintomas ng impeksyon sa HIV.

Ang isang qualitative nucleic acid test (Nat) ay maaari ring makita ang acute HIV viremia sa mga pasyente na antibody-negative. Para sa malaking screening ng populasyon (tulad ng screening ng donor ng dugo) ang pangunahing layunin ng NAT, na karaniwang ginagawa sa mga pinagsama-samang mga specimen.

Ang HIV sa Pilipinas 

Ang Pilipinas ay nangunguna sa mabilis na pagtaas ng mga impeksyon sa HIV sa mundo. Nagkaroon ng 174% na pagtaas sa pagkalat ng HIV sa pagitan ng 2010 at 2017. Karamihan sa naapektuhan ng populasyon na ito ay mga lalaki na nakikipagtalik sa mga lalaki (MSM) at mga kababaihan ng transgender. Sa kasalukuyan, marami ang di naisasagawang HIV test sa Pilipinas sa mga grupong ito. 

Ang isa pang grupo na may mataas na pasanin ng HIV ay mga kabataan. Ang tumataas na porsyento ng mga taong positibo sa HIV ay nasa edad na 15 hanggang 24 na taon. Sa pagitan ng 2006 at 2010, ito ay 25%. Ngunit ang bilang na ito ay umabot sa 29% sa pagitan ng 2011 at 2018. Kabilang rito ang mga taong nahawaan ng HIV sa pagitan ng 15 hanggang 19 taon, 4% lamang ang na-diagnose. Ang porsyento na ito ay mas malaki sa 26% para sa mga may edad na 20 hanggang 24 taong gulang.

Sa pagitan ng Enero 1984 at Marso 2018, ang bilang ng mga taong mayroong HIV (PLHIV) ay mayroong kabuuang 53,192. Mula Enero 2001 hanggang Disyembre 2005, ang pangunahing pangkat ng edad ay 35 hanggang 49 taong gulang. Gayunpaman, ang trend na ito ay lumipat sa pagitan ng Enero 2006 at Marso 2018 upang maisama ang mga nasa pagitan ng 25 at 34 taon.

Mababang Rate ng HIV test sa Pilipinas 

Ang mababang rate ng HIV testi sa Pilipinas ay sanhi ng restrictive legal and regulatory framework. Kabilang sa iba pang mga kadahilanan ang mahinang pag-access sa pangangalagang pangkalusugan at mahinang sex education ng mga kabataan. Ang ilang mga lokal na pamahalaan ay mayroong mga condom bilang patunay na ang prostitusyon ay ilegal sa Pilipinas.

Ang pambansang polisiya ay nagsasaad ng  pangangailanagn na ang HIV test sa Pilipinas ay isasagawa ng isang espesyalisadong sinanay (specially trained) na  medical laboratory scientist. Kahit na ang edad ng pinahintulutan  para sa HIV test, kamakailan lamang ay binabaan sa 15 taong gulang, dahil sa mas nagiging bata ang  aktibo sa sex.  Ang pangunahing modelo ng pag-access ng mga test  ay sa pamamagitan ng pagpunta sa isang pasilidad na mayroon nito halimbawa : facility-based testing. Posible lamang ang test na ito sa sa mga center na may akreditasyon ng Kagawaran ng Kalusugan.

HIV test sa Pilipinas: Paano ang screening?

Dahil mabilis ang diagnostic screening test kit, posible ang screening sa komunidad. Ang mga pagsisikap na itaas ito sa antas ng status-quo ay ginawa sa Metro Manila, Davao, at Cebu. Nakatulong ito ng napakalaki upang matiyak na ang populasyon na nasa panganib ay maging maalam sa HIV status.

Ang HIV self-testing (HIVST) ay inirerekomenda na estratehiya para sa matagumpay na pagtaas ng testing rate sa mga grupo na nasa panganib sa Vietnam at China. Ito ay natuklasang nagpabuti sa uptake ng mga serbisyo ng test lalo na sa populasyon na may mahinang access. Maraming mga tao na nais ang HIVST na ipinaliwanag nila na mas mataas na antas ng pagiging kompidensyal nito ay nagiging crucial din ito.

Sa ngayon, ang HIV self-testing kits na may prequalification ay wala pa sa Pilipinas. Gayunpaman, ang mga kampanya ay ginagawa upang mapasimulan at mapabilis ang pagpapakilala ng mga kit na ito sa bansa. Upang makakuha ng kit para sa HIV o iba pang mga STI, maaari mong bisitahin ang iyong doktor, klinikang pangkalusugan ng komunidad (community health clinic), o sa DOH. Makakuha rin ng test sa mga Planned Parenthood Health Center.

Pangunahing Konklusyon 

Ang HIV test sa Pilipinas ay mababa ayon sa mga pinakabagong estadistika. Ito ay dapat baguhin, na nagibibigay ng mabilis na pagtaas ng rate ng impeksiyon. Ang maagang pagtukoy ng mga positibong indibidwal ay nagbibigay-daan sa mabilis na paggamot, na maaaring magpahinto sa pagdebelop sa AIDS. Tulad ng mga lokal at internasyonal na pagsisikap, ito ay ginawa upang mapabuti ang mga bilang na ito. At ang mga mamamayan ay hinihikayat na lumantad at magpa-test. 

Matuto nang higit pa tungkol sa HIV/AIDS dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

HIV/AIDS and ART Registry of the Philippines: August 2019, https://www.aidsdatahub.org/sites/default/files/publication/EB_HARP_August_AIDSreg2019.pdf, Accessed Jan 5, 2020

HIV Self Testing, https://www.who.int/hiv/topics/self-testing/en/, Accessed Jan 5, 2020

HIV Reduction Tool, https://wwwn.cdc.gov/hivrisk/how_know/different_tests.html, Accessed Jan 5, 2020

Assessment of country policies affecting reproductive health for adolescents in the Philippines, https://reproductive-health-journal.biomedcentral.com/articles/10.1186/s12978-018-0638-9, Accessed Jan 5, 2020

Department of Health, https://www.doh.gov.ph/node/14062, Accessed Jan 5, 2020

Sex education in PH schools still lacking – UNFPA, https://www.rappler.com/nation/139118-sex-education-philippines-unfpa, Accessed Jan 5, 2020

New law allows HIV testing of minors without parental consent, http://cnnphilippines.com/news/2018/12/28/minors-hiv-testing-parents-consent.html, Accessed Jan 5, 2020

Acquired Immunodeficiency Syndrome, https://aidsinfo.nih.gov/understanding-hiv-aids/glossary/3/acquired-immunodeficiency-syndrome, Accessed Jan 5, 2020

HIV testing and counselling: the gateway to treatment, care and support, https://www.who.int/3by5/publications/briefs/hiv_testing_counselling/en/, Accessed Jan 5, 2020

Is the Philippines ready for HIV self-testing, https://bmcpublichealth.biomedcentral.com/articles/10.1186/s12889-019-8063-8, Accessed Jan 5, 2020

Acute and early HIV infection: Clinical manifestations and diagnosis, https://www.uptodate.com/contents/acute-and-early-hiv-infection-clinical-manifestations-and-diagnosis?search=hiv&source=search_result&selectedTitle=1~150&usage_type=default&display_rank=1#H18410709, Accessed Jan 5, 2020

Kasalukuyang Version

03/03/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Sintomas Ng HIV Sa Maagang Yugto: Mga Dapat Malaman

Sintomas ng HIV: Timeline Ng Sintomas Ng Sakit Na Ito


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement