backup og meta

HIV Positive Na Magulang, Maari Bang Makahawa Sa Anak?

HIV Positive Na Magulang, Maari Bang Makahawa Sa Anak?

Ang pagiging positibo sa HIV ay bagay na hindi madaling sabihin sa iyong pamilya o mga kaibigan. Kadikit ng kondisyong  ito ang hanay ng preconceived notions, kaya ang pag-uusap ay maaaring maging mas mahirap kaysa sa iyong iniisip. Bilang karagdagan, ang pagiging isang magulang na may HIV ay isang mahirap na sitwasyon. Lalo na kung hindi ka open tungkol sa iyong mga relasyon sa iyong mga anak. Sa artikulong ito, binibigyang-liwanag natin kung paano bilang mga HIV positive na magulang, maaari mong kausapin ang iyong mga anak, gawin silang bahagi ng iyong paglalakbay, at magkaroon ng healthy conversation tungkol sa sex.

Ano ang ibig sabihin ng HIV positive na magulang?

Ang HIV ay pinaikli para sa human immunodeficiency virus. Ito ay isang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik na umaatake sa iyong mga immune cell, na ginagawa kang defenseless o walang laban  sa mga impeksyon o iba pang mga sakit. Kung hindi magagamot, maaari itong mapunta sa huling yugto, AIDS. Na posibleng nakamamatay, depende sa kung pipiliin mo itong gamutin o hindi.

Dahil ang HIV ay isang sakit na alam ng mga tao, maaaring nakakalito ang pagbabahagi ng balita sa iyong mga mahal sa buhay. Ang stigma at diskriminasyon na pumapalibot sa HIV o AIDS ay may mahabang listahan na dapat labanan. Ibig sabihin, mahalaga na tanggapin muna ang kondisyong kinaroroonan mo. Ang pagiging isang HIV positive na magulang ay maaaring maging isang nakakapangilabot na kalagayan. Para maunawaan ka ng iyong mga anak, kailangan mo ng confidence para ipaliwanag sa kanila ang sitwasyon.

Mga tip na makakatulong sa mga HIV positive na magulang

Narito ang 10 tips para sa mga HIV positive na magulang na maaaring makatulong sa kanila, lalo na kung sila ay nagpapalaki ng mga anak. Ang mga pangunahing kaalaman na ito ay makakatulong sa iyong kalagayan mula sa kawalan ng tiwala hanggang sa pagtrato dito ng tama.

Mag-initiate ng pag-uusap tungkol sa sex

Ang unang hakbang sa pakikipag-usap tungkol sa iyong katayuan sa HIV sa iyong mga anak ay ang simulan ang isang pag-uusap tungkol sa sex. Sa isang bansang tulad natin, ang sex ay isang taboo. Samakatuwid, kailangan mong gawing normal ang emosyon na nakapaligid nito. Makakatulong din ito sa iyo na maging mas malapit sa iyong mga anak, na nasa growing stages at exposed sa sex sa pamamagitan ng social media at peers.

Maaari kang magsimula sa pamamagitan ng pag-uusap tungkol sa kung ano ang sex, ang iyong personal na karanasan dito, at iba pa. Bagama’t tila isang mahirap na kalagayan, ito ay mas magpapaunawa sa iyong mga anak sa iyong HIV status. Maaari mo ring kausapin ang kanilang tagapayo sa paaralan tungkol sa kung paano simulan ang paksang ito sa kanila.

Ituro ang tungkol sa healthy sex practices

Dahil sa sobrang exposure ng virtual world na puno ng mga pelikula at visual ng sex, makatuwiran lamang na ituro ang healthy sex habits sa iyong mga anak. Maaari kang makipag-usap sa kanila tungkol sa mga contraceptive, condom, birth control pills, atbp. Ito ay upang turuan sila tungkol sa  healthy sexual practices. Tandaan na ang paghikayat sa gayong pag-uusap ay makakatulong din sa kanila sa hinaharap.

Mayroong iba’t ibang mga podcast at video na tumatalakay tungkol sa preventive measures at healthy sexual practices na maaaring magbigay sa iyo ng mga dapat isaisip. Bilang karagdagan, maaari mo ring talakayin kung paano makakaapekto sa kanilang kalusugan ang mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik

Unawain kung paano mo maipapaliwanag ang HIV sa iyong mga anak

Para dito, kakailanganin mong gumawa ng kumpletong homework  tungkol sa HIV. Ang iyong mga anak ay magkakaroon ng mga tanong kung ano ang HIV, paano ito nangyayari, paano ito nakakaapekto sa iyo, atbp. Kailangan mong maging handa sa mga sagot. Kung mas handa ka sa mga sagot na ito, mas magiging kumpiyansa ka na ipaunawa sa kanila ang sitwasyon.

Hindi mo kailangang sabihin kung paano ka nagkaroon ng HIV. Sa halip ay kung paano makukuha ito ng sinumang may anumang kondisyon kung sila ay nakipagtalik nang hindi protektado. Maaari mo ring talakayin kung paanong ang mga sanggol ay nagkakaroon ng HIV mula sa kanilang mga ina at kung paano makukuha ng mga tao ang virus na ito sa pamamagitan ng exposure sa blood products at and bodily fluids  tulad ng kontaminasyon ng karayom ​​at mga iniksyon ng droga.

Ipaliwanag ang HIV

Iminumungkahi ng mga pag-aaral na kapag alam ng mga bata ang tungkol sa isang sitwasyon at naiintindihan nila ito, mas pinoproseso nila ito. Samakatuwid, ang pagpapaliwanag sa HIV sa kanila ay importante sa panahong ito. Kausapin sila tungkol sa condom, kaligtasan ng karayom, at pagbubuntis. 

Maaari mo ring talakayin ang siyentipikong kahulugan ng HIV at ipakita sa kanila ang mga pag-aaral o video na nagpapaliwanag kung ano ang HIV, mga sanhi nito, sintomas, at kung paano rin nila mapoprotektahan ang kanilang mga sarili. Ang mahalagang aspeto ay gawing normal ang pag-uusap tungkol sa HIV sa inyong bahay.

Ipaalam sa ibang tao na kayo ay HIV positive na magulang 

Kapag nasabi mo na sa iyong mga anak, simulan mong ipaalam sa iba pang miyembro ng pamilya, kaibigan, at kakilala. Dapat gawin ito ng mga HIV positive na magulang, hangga’t maaari, na kasama ang kanilang mga anak.  Ito ay magdudulot ng isang malusog na pakikipag-ugnayan sa pagitan nila at ng kanilang anak o mga anak. Kapag nakita nila ang iyong pag-aalinlangan tungkol sa pagbabahagi ng iyong HIV status, maaari ka nilang i-motivate.

Sa ganitong paraan, matatanim din sa isip ng iyong mga anak na walang masama sa pagkakaroon ng HIV, basta’t ikaw ay magpagamot. Indirectly, madaragdagan nito ang kanilang tiwala sa iyo at sa kanilang sarili.

 I-debunk ang mga myth tungkol sa HIV

Maraming mga myth, stigma at diskriminasyon sa HIV. Ang mga HIV positive na magulang ay dapat na pabulaanan ang mga ito sa harap ng kanilang mga anak. Una ay ang HIV ay hindi kumakalat sa pamamagitan ng kaswal na pakikipag-ugnayan.

Ang pagpapawalang-bisa sa mga myth na may kaugnayan sa HIV o AIDS ay makakatulong din sa kanila na mas maunawaan ang iyong kalagayan.

Suriin ang iyong mga report, plano sa paggamot kasama nila

Kailangan ito para sa mga magulang na may HIV. Ito ay dahil sa oras na simulan mong ibahagi sa kanila ang iyong mga plano sa paggamot at mga ulat, isinasama mo rin sila sa iyong journey. Sa ganitong paraan, hindi sila makakaramdam ng pagpapabaya at makakakuha ka ng kailangang mental support sa panahong tulad nito.

Bisitahin ang iyong doktor kasama ang mga  anak

Ang pagpunta sa klinika ng doktor kasama ang iyong mga anak sa isang regular na pagsusuri ay makabubuti. Ito ay para sila mas maging komportable sa iyong kalagayan. Maaari ding ipaliwanag ng iyong doktor kung paano ka niya ginagamot, anong mga gamot ang kasalukuyan mong iniinom, kung paano bubuti ang iyong treatment, at kung paano responsable din ang iyong mga anak para sa iyong kapakanan. 

Sabihin sa kanila ang tungkol sa mga STI at kung paano protektahan ang kanilang sarili

Dapat ding sabihin ng mga HIV positive na magulang ang tungkol sa iba pang mga STI tulad ng gonorrhea o syphilis. Ito ay isang magandang panahon upang turuan at pahusayin ang kanilang kaalaman tungkol sa pakikipagtalik at healthy sexual practices. 

Maging transparent sa bawat hakbang, lalo na kung ikaw ay HIV positive na magulang 

Ang pagiging transparent sa bawat hakbang ay maaaring maging tatlong beses na kalamangan sa mga magulang na may HIV:

Mapapalapit sa kanila ang kanilang mga anak. 

Makakatulong ito sa kanila na labanan ang HIV nang mas mahusay.

Madarama ng kanilang mga anak na sila ay responsable para sa kanilang parent’s treatment plan  at mas makikilahok sila. Mauunawaan din ng mga bata ang kahalagahan ng safe sex.

Ang mga nabanggit na tip ay maaari lamang maging kapaki-pakinabang kung una mong tatanggapin na ikaw ay may HIV. Ito ay isang ganap na magagamot na sakit. Ang mga magulang na positibo sa HIV ay maaari ding makipag-ugnayan sa isang therapist. Ito ay upang pangasiwaan ang pakikipag-usap sa kanilang mga anak.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Fears about HIV Transmission in Families with an HIV-Infected Parent: A Qualitative Analysis: https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5549785// Accessed October 6, 2020

HIV and AIDS (for Parents) https://kidshealth.org/en/parents/hiv.html

Accessed March 30, 2021

Kasalukuyang Version

10/03/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Sintomas Ng HIV Sa Maagang Yugto: Mga Dapat Malaman

Sintomas ng HIV: Timeline Ng Sintomas Ng Sakit Na Ito


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement