backup og meta

Antiretroviral Therapy Sa Pilipinas: Mga Dapat Malaman Tungkol Dito

Antiretroviral Therapy Sa Pilipinas: Mga Dapat Malaman Tungkol Dito

Naging madali ang paghahanap ng gamutan para sa HIV bunsod ng teknolohiya at mga makabagong pamamaraan. Malakas ang anti-HIV information drive ng Pilipinas at ang mandato nitong antiretroviral (ARV) treatment methods. Nakatutulong ito upang mabawasan ang mga komplikasyong dulot ng HIV. Matuto pa tungkol sa antiretroviral therapy sa Pilipinas.

Nagbabagong Trend

Ayon sa Department of Health, higit doble ang hawahan ng HIV sa pagitan ng taong 2011 at 2020 sa Pilipinas. Ang nakaaalarmang pagdami nito ay nagtulak upang magsagawa ng information drives at pagbibigay ng karagdagang legislative support sa bansa.

Noong una, ang mga babae na nasa sex worker industry ang nagkakaroon ng sakit. Ngunit ayon sa mga sumunod na statistics, nagbago na ito at natuon sa mga lalaking nakikipagtalik sa iba pang lalaki. Sabay na ginawa ang malawakang pagtataguyod ng paggamit ng condoms bilang sexual protection laban sa sakit na ito at pag-iwas sa hindi ligtas na anyo ng pakikipagtalik. 

Dagdag Na Atensyon, Pag-Target Sa Mga Mas Batang Henerasyon

Sa kabila ng pagpapalawak ng kaalaman hinggil dito, nananatiling mataas ang mga kaso ng hawahan ng HIV sa bansa. Ang kasalukuyang demographic ng mga pasyenteng nagpositibo sa HIV sa nakalipas na mga taon ay nasa edad 25-36, na malinaw na nagsasabing ang mga mas batang henerasyon ang nasa panganib ng sakit na ito. 

Gayunpaman, ang younger age demographic na ito ay nagbibigay ng pag-asa sa usapin ng HIV. Nakikita ang tsansang mas maging bukas ang isip ng mga nasa mas batang edad pagdating sa HIV medication and treatment kumpara sa mga mas matatandang pasyenteng maaaring nakararanas ng maraming komplikasyon.  

Pagtugon Sa HIV

Dulot ng technological advancements sa medisina, ang sakit na ito ay hindi na tinitingnan bilang isang death sentence. Nagbigay ng suporta ang mga organisasyong tulad ng Sustained Health Initiatives of the Philippines (SHIP) para sa mga pasyenteng may HIV na sumasailalim sa gamutan. Nagpupunta ang SHIP sa mga komunidad na mas nangangailangan ng mga serbisyo para sa gamutan ng HIV ngunit wala silang kakayahang magkaroon nito.

Isinasagawa ang screening sa HIV sa pamamagitan ng paunang HIV test na sinusundan ng confirmatory test. Noon, kailangan ng 2 linggo para sa resulta ng HIV test. Sa ngayon, may mga kits na nakapagbibigay ng mabilis na kumpirmasyon sa loob lamang ng limang minuto. Kailangan lang dito ng patak o sample ng dugo. Hindi invasive ang test na ito at halos walang mararamdamang sakit.

Antiretroviral Therapy Sa Pilipinas

Ang antiretroviral treatment (ARV) ay hindi talaga pumapatay ng virus ngunit ginagamit upang mapahaba ang buhay ng isang pasyente. Pinipigilan ng kombinasyon ng 3 HIV drugs sa ARV treatment batay sa rekomendasyon ng World Health Organization ang paglala ng sakit ngunit hindi nito tuluyang pinupuksa. Dagdag pa, binabawasan ng ARV ang hawahan sa Pilipinas at iniiwasang lumala ang kondisyon na maging AIDS.

Nakatutulong ito sa mga pasyenteng may HIV na magkaroon ng normal na buhay. Nagiging mas kontrolado na ang kondisyon. Ang antiretroviral therapy sa Pilipinas ay nagbibigay ng mga pangako ng pagtaas ng mga nakaka-survive laban sa tahimik ngunit nakamamatay na epidemyang ito. 

Malinaw ang lumalaking gap ng mga nagamot na pasyente at mga nagpositibong kaso. Ito ay makikita sa charts ng AIDS Data Hub for Asia and Pacific. Upang matugunan ang lumalaking gap, nagdagdag ang Department of Health ng listhaan ng mga treatment centers para sa HIV bilang easy reference ng mga taong nais na magpagamot. Sa ganitong paraan, mas marami nang lugar na nagbibigay ng mga pangangailangan ng mga HIV positive. Nagbibigay rin ito ng lugar para sa gamutan ng AIDS sa mga ospital sa buong bansa. 

Ang Batas Ay Nasa Panig Ng Mga HIV Patient

Ang kasalukuyan at pinakakilalang moda sa paglaban sa sakit na ito ay sa pamamagitan ng antiretroviral therapy sa Pilipinas. Kamakailan lang, isang batas sa bansa ang naipasa na tinawag na “Philippine AIDS and HIV Policy Act of 2018″ (Republic Act No. 11166). Isinaad sa batas na ito ang ARV. Bukod sa pagsasaad na ang antiretroviral therapy sa Pilipinas ay isang HIV-suppressing treatment option, binigyang diin din dito ang mga kaparusahan para sa discriminatory behavior. Kabilang dito ang diskriminasyon at bullying behavior laban sa mga pasyenteng nagpositibo sa HIV. Kasama rin ang burial service rights, travel restrictions, at marami pang iba.

Key Takeaways 

Prevention is better than cure. Ngunit kung kailangan na ng gamutan, nakatutulong ang healthy living habits kasabay ng kasalukuyang protocol para sa HIV treatment. Ang Canadian resource para sa HIV na tinawag na CATIE ay mayroong ilang tips para sa healthy living at may kasamang side effect management plan para sa mga sumasailalim sa antiretroviral therapy sa Pilipinas. Ang HIV ay hindi na isang death sentence. Maaaring maging daan pa ito upang magkaroon ng malusog na pamumuhay kung ang sakit ay mapapamahalaan nang mabuti sa pamamagitan ng antiretroviral therapy sa Pilipinas.

Matuto pa tungkol sa Sekswal na Kalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

DOH, https://www.doh.gov.ph/node/10649, Accessed Jan 4, 2020

HIV treatment, https://www.who.int/hiv/topics/treatment/art/en/, Accessed Jan 4, 2020

UNAIDS Feature on Pia Wurtzbach’s Advocacy, https://www.unaids.org/en/resources/presscentre/featurestories/2017/august/20170809_pia, Accessed Jan 4, 2020

Philippine HIV and AIDS Policy Act, https://lawphil.net/statutes/repacts/ra2018/ra_11166_2018.html, Accessed Jan 4, 2020

HIV Basics, https://cnnphilippines.com/life/culture/2019/02/19/HIV-basics.html, Accessed Jan 4, 2020

CATIE of Canada, https://www.catie.ca/en/home, Accessed Jan 4, 2020

Kasalukuyang Version

03/04/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Pagtaas ng Kaso ng HIV sa mga Kabataang Pilipino

HIV test sa Pilipinas: Saan nakakakuha, at paano ito ginagawa?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement