backup og meta

Ano Ang HIV Tongue, At Bakit Nagkakaroon Nito?

Ano Ang HIV Tongue, At Bakit Nagkakaroon Nito?

Ang HIV o human immunodeficiency virus ay isa sa pinakakilala at nakapipinsalang mga virus. Noong 1981, isang cluster of cases at malubhang impeksyon at kanser ang naiulat, pangunahin sa mga young adult na homosexual na lalaki. At hanggang sa sumunod na taon, ang terminong AIDS (acquired immunodeficiency syndrome) ay opisyal na ginamit para ma-classify ang mga mysterious symptoms na ito. Ang mga taong may HIV ay maaaring magpakita ng mga palatandaan tulad ng HIV tongue, pagpapawis sa gabi, at mabilis na pagbaba ng timbang. Matuto nang higit pa tungkol sa mga palatandaang ito na dapat bantayan at ang mga sanhi nito.

Ano ang HIV Tongue at Iba pang mga Isyu sa Bibig

Ano ang HIV Tongue? – Alam mo ba na ang HIV tongue ay maaaring mag-appear kapag ang immune system ay lubhang humina? Karaniwan, ang isang malusog na dila ay kulay rosas, basa-basa, at non-tender. Gayunpaman, ang ilang mga pasyente ng HIV ay maaaring magdebelop ng white folds o patches sa kanilang dila. Hindi tulad ng tipikal na white build-up sa dila mula sa pagkain at normal na bakterya, ang white patches ay hindi maaaring ma-brush o maalis. Ang white patches ay maaaring magdulot ng pananakit, discomfort, at makaapekto sa iyong panlasa.

Ano ang HIV tongue term? Ang medikal na termino para sa HIV tongue ay oral hairy leukoplakia. Sa kabila ng pangalan, walang aktwal na buhok na tumutubo sa dila. Ironically, ang virus na nagdudulot ng AIDS ay hindi nagiging sanhi ng HIV tongue, ngunit sa halip ay isa pang virus na tinatawag na Epstein-Barr virus (EBV). Ang EBV ay isang pangkaraniwang impeksiyon, gayunpaman, karamihan sa mga tao ay hindi nakararanas ng mga sintomas. Ang virus na ito ay isang uri ng herpes virus at maaaring magdulot ng sakit na kilala bilang mononucleosis o “kissing disease.” Pakitandaan na ang kissing disease ay maaari ring mayroon ang mga taong walang HIV.

Ang isa pang karaniwang oral concern sa mga taong may HIV ay ang oral thrush, isang impeksiyon na dulot ng yeast o fungi. Sinabi ng mga ulat na humigit-kumulang 80 hanggang 90% ng mga pasyente ng HIV ang nagkakaroon ng oral thrush.

Iba Pang Telltale Signs ng HIV/AIDS

Mga pantal at diskolorasyon

Gaya ng nabanggit kanina, ang mga taong may AIDS ay may mahinang immune system. Dahil dito, karaniwang hindi nakapipinsala at ang kapaki-pakinabang na normal flora ay maaaring magdulot ng mga impeksiyon. Bukod pa rito, ang mga taong may AIDS ay may mas mataas na risk na magkaroon ng malalang impeksiyon.

Ang mga pantal at diskolorasyon sa balat ay karaniwang nangyayari. Ang katawan ay maaaring maging mas sensitibo sa substances, kahit na dati ay wala kang allergy. Ang tritment para sa AIDS ay nagsasangkot ang ilang medications, ang ilan ay maaaring magdulot ng pangangati at pagkasensitibo sa balat. Ang pantal ay maaaring mamula-mula o lila at flat o may maliliit na bukol. Ang mga pantal ay maaaring lumitaw kahit saan, kabilang ang mga palad.

Ang iba pang viral infections tulad ng herpes at shingles (reactivated chickenpox) ay maaaring makaapekto sa mga pasyente ng AIDS. Ang herpes ay madalas na lumilitaw bilang mga sugat sa loob at paligid ng bibig. Ang mga sugat na ito ay pula at puti, masakit, at nakahahawa. Minsan ang mga ito ay tinutukoy bilang “cold sores.”

Maaaring mangyari ang shingles sa sinumang dating nagkaroon ng bulutong-tubig. Ang bulutong-tubig ay lumilitaw bilang pula, makating paltos sa balat. Ang mga sugat na ito ay nakahahawa sa mga taong hindi nabakunahan sa virus. Bagama’t ang karamihan sa mga tao ay gumagaling mula sa bulutong-tubig, gayunpaman, ang virus ay hindi kailanman ganap na nawawala. Ito ay nagiging inactivated o “latent” hanggang sa humina ang immune system. Ang na-reactivate na virus ay nagdudulot ng mga pantal na kilala bilang shingles, na mas masakit at tumatagal ng ilang linggo kumpara sa mga pantal ng bulutong-tubig.

Mabilis na pagbaba ng timbang

Habang ang ilang mga tao ay nasasabik na bumaba ng ilang kilo sa maikling panahon, ito ay bad signs para sa mga taong may mga impeksyon. Bukod sa HIV tongue, ang mabilis na pagbaba ng timbang ay isa ring palatandaan ng mga seryosong sakit tulad ng AIDS.

Ang factors na nakatutulong sa pagbaba ng timbang ay kinabibilangan ng stress, mahinang nutrisyon, at dehydration. Ang mga taong may sakit ay kadalasang nakaratay o kailangang ma-quarantine. Dahil dito, kadalasan ay hindi sila makapag-ehersisyo para mapanatili ang kanilang muscle mass. Bukod pa rito, maraming mga gamot ang maaaring maging sanhi ng pagduduwal at pagkawala ng gana. Kapag ang impeksyon sa HIV ay nag-progress sa AIDS, ang katawan ay nagsusunog ng mas maraming calorie kaysa sa karaniwan. Ito’y humahantong sa pag-aaksaya at pagbaba ng timbang, na maaaring higit pang magpahina sa immune system at katawan.

Namamagang lymph nodes

Sa pangkalahatan, kapag ang katawan ay nakatagpo ng impeksyon, ang ating mga lymph node ay nakararamdam ng init at bahagyang paglaki. Ang mga karaniwang nararamdamang lymph node ay ang mga nasa leeg sa ibaba ng jawline. Ang iba pang mga lymph node ay matatagpuan malapit sa kilikili at singit. Ang mga node na ito ay mararamdaman kapag tayo ay may sakit dahil dito iniimbak ang mga white blood cell at ang lymph fluid ay sinasala. Karaniwan, ang mga node na pinakamalapit sa lugar ng impeksyon ay namamaga. Halimbawa, ang impeksyon sa lalamunan ay makikita na may namamagang node sa paligid ng leeg kaysa sa kilikili o singit.

Karaniwan, ang pamamaga ay minimal at pansamantala. Gayunpaman, sa HIV infections, ang namamagang lymph nodes ay nakararamdam ng pagka-firm at tumatagal ito ng ilang linggo hanggang buwan. Ang mga namamagang node na ito ay maaaring masakit o hindi komportable kapag hinawakan. Maraming iba pang viral infections ang self-limiting, samakatuwid ang pamamaga ng lymph node ay nawawala pagkatapos ng ilang araw. Gayunpaman, sa HIV, walang lunas at ang mga lymph node ay patuloy na mamamaga.

Mga pawis sa gabi

Panghuli, ang pagpapawis sa gabi kasama ang iba pang mga sintomas kabilang ang pagbaba ng timbang at HIV tongue ay maaaring maging indicator ng HIV infections. Ang mga kondisyon sa pag-iisip (hal. pagkabalisa, bangungot), gamot, at hormonal imbalances ay maaari ring mag-trigger ng pagpapawis sa gabi. Ang pagpapawis sa gabi ay mas karaniwan sa mga unang yugto ng HIV infections, kapag ang katawan ay unang nagsimulang labanan ang impeksyon. Ang pagpapawis ay maaaring samahan ng lagnat.

Key Takeaways

Sa buod, ang HIV tongue, pagbaba ng timbang, at namamaga na mga lymph node ay maaaring magsabi na mayroon kang HIV infections. Para sa mga taong hindi pa nasusuri, at nakararanas ng alinman sa mga senyales at sintomas na ito kasama ng pagkakalantad sa mga injectable na gamot o hindi protektadong pakikipag-sex, ngayon na ang pinakamagandang oras para magpatest. Para sa mga HIV-positive na, ang nakararanas ng paglala ng mga palatandaan at sintomas na ito ay maaaring magpahiwatig na ang sakit ay umuunlad. Sa alinmang kaso, pinakamahusay na makipag-usap sa isang doktor para sa pagsusuri at tritment.

Matuto pa tungkol sa HIV/AIDS dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Oral Hairy Leukoplakia https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/oral-hairy-leukoplakia Accessed April 19, 2021

A Timeline of HIV and AIDS https://www.hiv.gov/hiv-basics/overview/history/hiv-and-aids-timeline Accessed April 19, 2021

Symptoms of HIV https://www.hiv.gov/hiv-basics/overview/about-hiv-and-aids/symptoms-of-hiv Accessed April 19, 2021

Infectious Mononucleosis https://www.msdmanuals.com/professional/infectious-diseases/herpesviruses/infectious-mononucleosis Accessed April 19, 2021

Lymph node https://www.cancer.gov/publications/dictionaries/cancer-terms/def/lymph-node Accessed April 19, 2021

Swollen Lymph Nodes https://www.msdmanuals.com/home/heart-and-blood-vessel-disorders/lymphatic-disorders/swollen-lymph-nodes Accessed April 19, 2021

Oropharyngeal Candidosis in HIV-Infected Patients—An Update, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5962761/, Accessed July 6, 2021

Kasalukuyang Version

03/23/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Sintomas Ng HIV Sa Maagang Yugto: Mga Dapat Malaman

Sintomas ng HIV: Timeline Ng Sintomas Ng Sakit Na Ito


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement