Ang neisseria gonorrhea o gonorrhea ay sexually transmitted disease. Naapektuhan nito ang mucous membrane ng apektadong bahagi, karaniwan ay ang ari, anus, at lalamunan. Maaaring lumabas ang mga sintomas ng gonorrhea sa mga kalalakihan, kababaihan, at mga bata, at ang mga ito ay sa iba’t ibang paraan maaaring makita.
Mga Sintomas Ng Gonorrhea
Kabilang sa mga sintomas nito ay ang mga sumusunod:
Kalalakihan: Ang mga kalalakihang may gonorrhea ay kadalasang nakararanas ng pamamaga ng penile urethra. Ito ay nagiging sanhi ng burning sensation sa tuwing umiihi. Maaari itong sabayan ng paglabas ng dilaw o berde na nana. Ang pamamaga ay nagiging sanhi ng pagkitid at pagtigas ng urethra na sanhi ng burning sensation. Maaari ding maging sanhi ng pananakit ng testicle ang gonorrhea, kung ang epididymis, isang istructura sa likod na bahagi ng testicle, ay mamaga.
Kababaihan: Halos kalahati ng bilang ng mga kababaihan ay hindi nakararanas ng mga sintomas ng gonorrhea. Ang kalahati naman ng bilang na nito ay nakararanas ng parehong sintomas sa mga kalalakihan. Kabilang dito ang pamamaga ng uterine cervix. Nagdudulot ito sa kababaihan ng higit sa normal at hindi karaniwang discharge sa puki. Maaari silang makaranas ng pananakit habang nakikipagtalik, pagdurugo sa pagitan ng regla, pananakot ng ibabang bahagi ng tiyan o pelvis, at burning sensation sa tuwing umiihi. Posible rin ang pamamaga ng fallopian tube at ovaries at maging sanhi upang masira ang mga ito. Maaari itong maging sanhi ng mga komplikasyon sa pagbubuntis sa hinaharap.