Saan nakukuha ang tulo? Maaaring makuha ang tulo sa pamamagitan ng direktang kontak sa likido ng katawan. Karaniwan itong nangyayari sa panahon ng vaginal, oral, o anal sex. Ang tulo o gonorrhea ay nakahahawa at maaaring maipasa mula sa sandaling makuha mo ito, hanggang matapos ang paggamot.
Mga Bahagi Ng Katawan Na Maaring Mahawa Ng Gonorrhea
Cervical Gonorrhea
Sa mga kababaihan, ang tulo ay maaaring makaapekto sa cervix, o ang kanal sa pagitan ng ari ng babae at ang sinapupunan. Ang bacteria ay madaling maipadala sa panahon ng pakikipagtalik.
Base sa mga pag-aaral ay nagpakita na 80% ng mga kababaihan ay hindi nagpapakita ng anumang mga palatandaan at sintomas kapag sila ay nahawaan ng tulo. Ang hindi pagpapakita ng anumang mga palatandaan at sintomas ay nagdaragdag ng panganib kung saan nakukuha ang tulo dahil maaaring hindi sinasadya na ipasa ito sa iba.
Ang cervical gonorrhea, kung hindi napansin at hindi nagamot kaagad, ay maaaring maging sanhi ng pagkabaog.
Rectal Gonorrhea
Ang tulo ay maaari ring makuha at ipadala sa pamamagitan ng anus. Ang mga taong nagsasagawa ng anal sex ay mas mataas ang panganib ng pagkuha ng rectal gonorrhea.
Lubos na nakakahawa ang rectal gonorrhea dahil ang sakit ay hindi karaniwang nagpapakita ng mga palatandaan at sintomas, at hindi nababatid na naipasa sa iba.
Oral Gonorrhea
Paano nakukuha ang tulo? Isa na rito ay ang oral na paraan.
Ang pagkahawa ng tulo ay maaari ring mangyari sa pamamagitan ng bibig. Ang uri ng impeksyon na ito ay kilala bilang oral gonorrhea o pharyngeal gonorrhea.
Maaaring ipasa ang gonorrhea kapag ang bibig o laway ay nagkaroon ng kontak sa puki ng iba pang tao, penis, o anus.
Ang gonorrhea ay maaari ring ipadala sa bibig kung ito ay nakipagkontak sa isang puki, titi, o anus. Ang oral gonorrhea ay maaari ring ipadala sa pamamagitan ng paghalik.
Urethral Gnorrhea
Sa mga lalaki, ang tulo ay madalas na nakakaapekto sa urethra o ang tubo kung saan ang semen at ihi ay dumaan bago ang secretion. Ang mga taong nagdurusa sa urethral gonorrhea ay maaaring makaranas ng sakit sa area na ito. Maaari rin silang maglabas ng puti, dilaw, o berdeng urethral discharge
Kung ang isang nahawaang tao ay may penetrative na sex sa ibang tao, ang gonorrhea ay maaaring ipadala kahit na walang secretion ng semen.
Sa mga babae, ang urethral gonorrhea ay karaniwang nagpapakita ng zero hanggang sa banayad na sintomas. Ang mga sintomas ng urethral gonorrhea sa mga kababaihan ay may mainit na pakiramdam (burning sensation) at may sakit habang umiihi.
Conjunctival Gonorrhea
Kahit na ito ay bihira lamang, ang tulo ay maaaring makahawa sa mata. Sa mga matatanda, ang conjunctival gonorrhea ay karaniwang nangyayari kapag ang nahawaang semen o vaginal fluid ay direktang magkaroon ng kontak sa mata.
Ang mga impeksyon sa mata dahil sa tulo ay mas karaniwan sa mga sanggol. Ito ay mas kilala bilang newborn conjunctivitis. Ang conjunctivitis sa mga sanggol ay nangyayari kapag ang conjunctiva, isang takip sa mga mata, ay nahawaan at nagsisimulang mamaga.
Nakakakuha ng impeksyon ang mga bagong silang mula sa kanilang mga ina na nahawaan ng tulo. Ang mga ina ay maaaring magpasa ng impeksyon sa kanilang mga sanggol sa panahon ng panganganak.
Ang newborn conjunctivitis ay hindi lamang tulo ang sanhi ngunit maaari rin itong makuha dulot ng iba pang mga STD tulad ng chlamydia at herpes.
Kung hindi nakita at nagamot kaagad, ang newborn conjunctivitis ay maaaring maging sanhi ng pagkabulag at permanenteng sakit sa paningin ng mga bagong panganak na bata.
Proteksyon Mula Sa Pagkahawa ng Tulo
Ngayong alam na natin kung saan nakukuha ang tulo, ano ang magagawa upang protektahan ang sarili?
Maraming mga kaso ng pagkahawa ng tulo ang hindi nakikita kaagad dahil hindi ito palaging nagpapakita ng mga palatandaan at sintomas.
Mula sa oras ng pagkakalantad, maaari ito na manatiling dormant hangga’t 30 araw. Sa mga lalaki, ang tulo ay hindi maaaring magpakita ng mga palatandaan at sintomas hanggang 14 na araw.
Upang mapababa ang impeksiyon, ipinapayong gumamit ng dental dams sa panahon ng oral sex at condom sa panahon ng penetrative na sex. Gayunpaman, ang mga ito ay hindi nagreresulta sa kumpletong proteksyon.
Kapag na-diagnose ka na ng tulo ng isang beses, nagpapayo ang mga eksperto na hindi muna makipagtalik hanggang sa magamot ang tulo. Ito ay tumatagal ng 7 araw para sa antibiotics at isang pang 7 araw bago ang katawan ay malaya na sa tulo ( gonorrhea).
May mga kaso na ang bacteria ay naging immune na sa antibiotics. Mahalaga na huwag makipagtalik ng ilang araw ng pagtatapos ng panggagamot. Kumonsulta sa iyong doktor para sa karagdagang paggamot kung ang mga sintomas ay nanatili.
Tiyaking muli na magpa-test bago magsagawa muli ng mga sekswal na gawain.
Ang mga buntis ay dapat ding masuri para sa mga STD bago ang panganganak, upang maiwasan ang pagpasa sa bata ng anumang STD na nanatiling dormant.
Muling Pagkakaroon Ng Tulo Dahil Sa Reinfection
Walang sinuman ang maaaring maging immune sa sakit na gonorrhea. Maaaring madaling makakuha muli ng impeksyon sa pamamagitan ng tinatawag na reinfection. Ayon sa isang pag-aaral, ang pagkakaroon ng tulo ay nakakadagdag ng tyansang muling mahawahan muli.
Upang protektahan ang iyong sarili laban sa gonorrhea, magsanay ng safe sex, kabilang ang paggamit ng condom. Inirerekomenda din na makakuha ng full-panel STD test ng hindi bababa sa isang beses sa isang taon. Sa paraang ito, magiging mababa ang panganib ng impeksyon, o pagbuo ng mga komplikasyon.
Key Takeaways
Ang pagkahawa ng tulo ay karaniwang nangyayari sa pamamagitan ng vaginal, anal at oral sex. Maaari ring maipasa ang gonorrhea ng mga nahawaang ina sa kanilang mga bagong panganak na sanggol sa panahon ng panganganak. Ang tulo ay maaaring magkaroon ng banayad at walang mga sintomas lalo na sa mga maagang yugto nito kaya ang pagkahawa ng tulo ay napakataas. Ang mga tao ay hindi maaaring maging immune sa gonorrhea. Maaari nilang pigilan ang kanilang sarili mula sa impeksyon sa pamamagitan ng pagsasanay ng safe sex.
Matuto nang higit pa tungkol sa Gonorrhea dito.
[embed-health-tool-bmi]