Ano ang dormant gonorrhea? Ang dormant gonorrhea ay nangyayari kapag ang isang infected sa gonorrhea ay hindi nagpapakita ng anumang mga sintomas. Ito ay isang karaniwan na sexually transmitted infection (STI). Kabilang sa mga sintomas nito ay ang burning sensation kapag umiihi, at abnormal discharge.
Sa ilang mga kaso, ang gonorrhea ay maaaring asymptomatic o hindi nagpapakita ng mga palatandaan at sintomas. Ang dormant gonorrhea o asymptomatic gonorrhea ay itinuturing na mas nakakahawa at mas mapanganib dahil sa mga komplikasyon na maaaring mangyari dahil sa late treatment.
Mga uri ng Gonorrhea
Ang gonorrhea ay nai-infect ang mucous membranes sa katawan. Ito’y karaniwang matatagpuan sa reproductive system na kinabibilangan ng ari ng babae at ang urethra sa mga lalaki at babae. Maaari rin itong maka-infect sa bibig at lalamunan, tulad ng oral o pharyngeal gonorrhea, at ang tumbong/rectum, o rectal gonorrhea.
Ang oral at rectal gonorrhea ay maaaring mag-manifest bilang dormant gonorrhea. Ang mga taong nahawaan ng dormant gonorrhea ay hindi nagpapakita ng mga palatandaan at sintomas, lalo na sa mga unang yugto nito.
Maaaring mag-manifest ang oral gonorrhea bilang namamagang lalamunan, ngunit kadalasan, hindi ito nagpapakita ng anumang mga palatandaan o sintomas.
Ang rectal gonorrhea ay maaaring magpakita ng mga sintomas tulad ng pangangati at pananakit ng anal, ngunit karaniwang hindi ito nagpapakita ng anumang iba pang mga palatandaan at sintomas.
Ano ang Dormant Gonorrhea?
Maaaring mangyari ang dormant gonorrhea dahil ang impeksyon ay nasa maagang yugto. Maaaring tumagal ng hanggang 30 araw bago lumabas ang mga sintomas. Kahit na sa mga unang yugto nito, ang gonorrhea ay transmittable pa rin.
Ito’y mas karaniwan para sa mga kababaihan na magkaroon ng dormant gonorrhea. Ipinakita ng mga pag-aaral na 80% ng mga kababaihan na may gonorrhea ay hindi nagpapakita ng anumang mga palatandaan at sintomas.
Sa mga kababaihan, ang gonorrhea ay madaling mapagkamalang iba pang impeksyon gaya ng impeksyon sa ihi (urinary tract infection, UTI) o yeast infection.
Ang dormant gonorrhea ay karaniwan din sa mga lalaking nagkaroon ng anal sex. Ayon sa isang pag-aaral na ginawa sa mga lalaking nakikipag-sex sa kapwa lalaki, 58% ng mga impeksyon sa oral at rectal gonorrhea ay hindi nagpakita ng anumang sintomas.
Ano ang Nagiging sanhi ng Gonorrhea?
Ngayong alam na natin kung ano ang dormant gonorrhea, pag-usapan natin kung paano nahahawa nito.
Ang gonorrhea ay naipapasa kapag ang isang infected area o bodily fluid ay direktang nadikit sa ari, ari ng lalaki, bibig, tumbong/rectum at maging sa mga mata ng ibang tao.
Ang gonorrhea ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng hindi protektadong vaginal, anal, at oral sex gayundin mula sa ina hanggang sa anak sa panahon ng panganganak.
Naipapasa ba ang Dormant Gonorrhea?
Kahit na ang gonorrhea ay hindi nagpakita ng anumang uri ng mga sintomas, posible pa ring maging carrier nito. Ibig sabihin, maaring magpasa ng impeksyon sa pamamagitan ng direct contact.
Ang penetrative at oral sex ay ang pinakakaraniwang paraan ng transmission ng gonorrhea ngunit maaari rin itong maipasa sa pamamagitan ng paghalik, lalo na sa kaso ng oral gonorrhea.
Dahil ang mga nahawaang tao ay hindi nagpapakita ng mga senyales at sintomas, ang pagkakataong maipasa ang sakit na ito sa ibang tao ay napakataas.
Risk Factors
Ang mga taong madaling kapitan ng gonorrhea – lalo na ang dormant gonorrhea, ay ang mga taong aktibo sa pakikipag-sex at may nakaraang kasaysayan ng gonorrhea. Mas prone sa impeksyon kapag mayroong sexual partners na kasalukuyang may gonorrhea, o may kasaysayan ng sakit na ito.
Pagdating sa gonorrhea, isa pang risk factor ang unprotected anal sex at oral sex.
Ano ang Dormant Gonorrhea at mga komplikasyon nito?
Ang gonorrhea ay maaaring manatiling asymptomatic sa mahabang panahon. Sa oras na magpakita ito ng mga palatandaan at sintomas, malamang na kumalat na ang impeksiyon sa ibang bahagi ng katawan.
Sa mga kababaihan, ang gonorrhea ay maaaring maglakbay mula sa cervix at hanggang sa matris at fallopian tubes. Ang pagkalat ng gonorrhea sa mga organ na ito ay maaaring magdulot ng pelvic inflammatory disease (PID).
Kung hindi magagamot, ang PID ay maaaring magdulot ng ectopic pregnancy o pagbubuntis sa labas ng sinapupunan. Ang PID ay maaari ring maging dahilan ng pagbabara ng fallopian tubes at humantong sa pagkabaog.
Sa mga lalaki, ang gonorrhea ay maaaring maka-infect sa epididymis o ang tube na nag-iimbak ng sperm na kalaunan ay nagdudulot ng sterility.
Sa mga bihirang kaso, ang untreated na gonorrhea ay maaaring kumalat sa dugo at mga kasukasuan. Ang komplikasyong ito ay kilala bilang disseminated gonococcal infection. Kasama sa mga sintomas ang pananakit ng kasukasuan at mga sakit sa balat kung saan ang mga pantal ng pula at kulay-rosas na batik ay napupuno ng nana.
Pagpapa-check up para sa Dormant Gonorrhea
Ngayong alam na natin kung ano ang dormant gonorrhea at paano nahahawa nito, ano ba ang dapat gawin tungkol dito?
Ang pinakamahusay na paraan para malaman kung ikaw ay infected ay ang magpapa-test mo para sa impeksyon.
Kung ikaw ay aktibo sa pakikipag-sex, ipinapayo na kumuha ng full panel STI test kahit isang beses sa isang taon.
Ang full panel STI test ay hindi lamang makatutuklas ng gonorrhea kundi pati na rin sa iba pang mga asymptomatic na STI. Kabilang rito ang Human Papillomavirus (HPV), herpes, chlamydia, human immunodeficiency virus (HIV) at Trichomoniasis.
Ang gonorrhea test ay mahalaga rin para sa mga buntis na kababaihan. Ito’y upang maiwasan ang paghahatid ng virus sa sanggol sa panahon ng panganganak.
Key Takeaways
Malaki ang naitutulong pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa kung ano ang dormant gonorrhea pagdating sa sexual health. Nakatutulong ito upang makaiwas at maging aware ang mga tao kung dapat na ba silang magpatingin sa doktor.
Ang gonorrhea ay hindi palaging nagpapakita ng mga sintomas. Kaya’t ang mga tao ay maaaring hindi namamalayan na kumakalat na ang impeksiyon. Ang dormant gonorrhea ay mas madalas na nangyayari sa mga indibidwal na nagsasagawa ng unprotected ora at anal sex. Ang taunang full panel STI test ay pinapayo para sa mga taong aktibong sekswal.
Matuto pa tungkol sa gonorrhea dito.
[embed-health-tool-bmi]