backup og meta

G-Spot Ng Lalake, Saan Ba Ito Mahahanap?

G-Spot Ng Lalake, Saan Ba Ito Mahahanap?

Kapag naririnig natin ang salitang g-spot, madalas natin itong nauugnay sa mga babae. Pero alam mo bang mayroon ding g-spot ng lalake? Hindi ito madalas napag-uusapan dahil sa pagkakaalam ng karamihan na mga lalaki lang ang nagbibigay ng pleasure tuwing sexual activity o hindi sila nangangailangan ng anumang tulong sa orgasm.

Panahon na para tanggalin ang stigma sa mga sexual role. May kakayahan ding magbigay ng pleasure ang mga babae tulad ng ginagawa ng mga lalaki, at ang pag-alam tungkol sa g-spot ng lalake ang unang hakbang na kailangang gawin ng mga babae.

Ano at nasaan ang g-spot ng lalake?

Iniisip ng ilang tao na nasa testicular o penile area ang g-spot ng lalake, ngunit wala ito sa mga lugar na iyon. Dahil matatagpuan sa prostate gland ang g-spot ng lalake.

Ayon sa karanasan ng mga lalaki sa prostate-induced orgasm, nakaranas sila ng mas matindi at mas mabilis na orgasm sa pagmamasahe ng kanilang prostate glands, gawa man ng laruan, daliri, o ng penis. Kung maramdaman ang stimulation sa rectum, makararanas din ang mga lalaki ng matinding pleasure.

Nahahalintulad din ang prostate-induced orgasms sa g-spot ng babae dahil pareho silang nagbibigay ng matinding pleasure. Higit pa rito, may ilang lalaki rin na dahil sa tindi ng prostate orgasm, nagagawa nila itong maramdaman sa buong katawan.

Matatagpuan ang prostate sa ibaba ng pantog at kasinlaki ng isang walnut. Dito ginagawa ang seminal fluid, at mula rito, sumasama ang fluid na ito sa sperm na mula sa testicles, na lumalabas sa penis tuwing orgasm.

Kaunti lang ang pananaliksik tungkol sa g-spot ng lalake. Ngunit sinasabi ng isang hypothesis tungkol sa sanhi ng matinding pleasure sa prostate gland na ang mga nerve na nakapalibot sa prostate gland ang dahilan kung bakit sensitibo ito sa sexual stimulation.

Ano ang nagagawa ng g-spot ng lalake?

Kabilang sa mga tungkulin ng prostate gland sa male anatomy ang reproductive system, ejaculation, at kasiyahan mula sa orgasm. Pangunahing tungkulin ng prostate gland ang gumawa ng fluid na nagpapatibay at nagdadala sa sperm.

Ano ang mas nagdadala ng pleasure? Penile stimulation o prostate stimulation?

Walang malinaw na sagot sa tanong na ito, dahil marami pa ang dapat pag-aralan pagdating sa kung alin sa dalawang stimulation ang mas nagbibigay ng matinding pleasure. Sinasabi ng ilang mas higit kaysa sa penile stimulation ang prostate stimulation. Ngunit base lamang ito sa mga ibinahagi ng mga lalaking parehong nakaranas na ng dalawa. Dahil dito, maaaring hindi totoo para sa lahat ng kalalakihan ang mga karanasan ng mga piling lalaki.

Sexual dysfunction sa mga lalake

Hindi palaging nakararamdam ng kagustuhang makipagtalik ang mga lalaki. At gayundin, maaaring hindi nila lagi kayang magpatuloy sa mga sexual activity dahil sa ilang problema. Kabilang ang mga sumusunod sa ilan sa mga karaniwang sexual problem ng mga lalaki:

  • Erectile Dysfunction: Nangyayari ito kapag nahihirapan ang isang lalaki na panatilihing tinitigasan.
  • Problema sa ejaculation: Hindi palaging nag-e-ejaculate ang mga lalaki kahit na nakararanas ng stimulation mula sa kanilang partner. Mayroong dalawang uri ng ejaculation. Una ang premature ejaculation (kung saan mas maaga itong nangyayari). At ang pangalawa naman kapag masyadong matagal o wala talagang ejaculation.
  • Desire disorders: Tumutukoy sa kawalan ng pagnanais ng mga lalaki na makipagtalik o gumawa ng anumang sexual contact.
  • Mababang testosterone: Nangyayari ito kapag bumababa ang testosterone ng mga lalaki. Kapag nangyari ito, karaniwang humahantong ito sa mababang sex drive, pagkapagod, pagiging iritable, depression, at erectile dysfunction, pati na rin pagbawas sa muscle mass.

Ang maganda dito, may mga gamot at treatment upang matugunan ang mga sexual problem na ito.

Key Takeaways

Katulad sa mga babae, hindi lang sa isang bahagi nangyayari ang sexual pleasure ng mga lalaki. Mayroon ding g-spot ng lalake, kung saan mararanasan ang matinding pleasure tuwing nakararamdam ng stimulation. Sa ngayon, maaaring makatulong sa mga mag-asawa ang impormasyong ito upang pasayahin ang kanilang mga partner na lalaki at makatuklas pa ng bagong kaalaman tungkol sa pleasure.

Matuto pa tungkol sa Sexual Wellness dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Prostate gland, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/prostate-cancer/multimedia/prostate-gland/img-20006060, Accessed July 18, 2021

What is a prostate-induced orgasm? https://www.issm.info/sexual-health-qa/what-is-a-prostate-induced-orgasm/, Accessed July 18, 2021

Prostate-induced orgasm, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/10.1002/ca.23006, Accessed July 18, 2021

Sexual dysfunction, https://familydoctor.org/condition/sexual-dysfunction/, Accessed July 18, 2021

Low Testosterone: Symptoms, Diagnosis and Treatment, https://www.urologyhealth.org/urology-a-z/l/low-testosterone, Accessed July 18, 2021

Kasalukuyang Version

04/05/2024

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Iba't-ibang Uri Ng Contraception

Sex vs. Gender: Ano Ang Pagkakaiba Ng Dalawang Ito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement