backup og meta

Alamin: Mga Dapat Tandaan sa First Time Makipag-sex

Alamin: Mga Dapat Tandaan sa First Time Makipag-sex

Marami ka na sigurong narinig na tungkol sa unang beses na makipagtalik at kung ano ang pakiramdam nito, ngunit hindi ka pa rin sigurado. Kung ikaw man ay curious lamang o kung nasa isip mo na ito, narito ang mga bagay na dapat mong malaman bago ang first time makipag-sex.

Sabihin na nating ito ang iyong first time makipag-sex. Sa kasong ito, maaari kang makaranas ng sakit, satisfaction, o pareho. Maaari kang makaranas ng pagdurugo at sakit sa pagpasok. Hindi ito nangyayari sa lahat, ngunit nangyayari ito. Sa usapan ng hymen, maaaring mangyari ang sakit at pagdurugo kung ito ay nabatak, lalo na sa mga taong may hymenal tissue kaysa sa iba.

Ano ang Hymen?

Sa unang beses na makipagtalik, ang hymen tears ay maaaring maging sanhi ng kaunting sensasyon ng hapdi at pagdurugo. Gayunpaman, ang hymen ay hindi lang napupunit sa first time makipag-sex. Depende sa tao, ang hymen ay maaari ding mapunit habang nagpapasok ng tampon, masturbating, o gumagawa ng mga aktibidad tulad ng pagbibisikleta o pagsakay sa kabayo.

Sakit at Pagdurugo

Kung ikaw ay nakaranas ng unang vaginal sex (titi sa puke), at ang sakit at pagdurugo ay nagpapatuloy, maaari mong marahan na banatin ang hymen tissue sa paglipas ng panahon hanggang sa hindi na sumakit. Kung nakararanas ka ng sakit habang nakikipagtalik o nangangamba tungkol sa pagdurugo, kausapin ang iyong doktor. Maaaring maging indikasyon ng pisikal na problema kung ikaw ay nakararanas ng sintomas ng labis na pagtagas ng dugo habang nakikipag-sex kung wala kang regla.

Pagiging Basa

Sa buong proseso ng pakikipagtalik, ang puke ng babae ay nababasa o lubricated. Normal din na hindi magkaroon ng maraming vaginal lubrication. Walang mali sa iyo o sa iyong partner kung wala ka masyadong lubrication.

Upang maging komportable ang vaginal sex, kailangan ng iyong puke na maging basa. Sa pamamagitan ng foreplay at paggamit ng lube, maaari kang makaranas na maging mas komportable. Karagdagan, maaari kang makinabang habang naghihintay hanggang sa ganap na ma-turn on bago maglagay ng lubricant sa puke.

Lubricant

Inirerekomenda ang water-based lubricant kung gagamit ng lube upang maging komportable sa first time na makipag-sex. Ang unang beses na penetration ay maaaring hindi komportable, ngunit ang pag-aakalang ito ay masakit ay sabi-sabi lamang. Ang relaxation, lubrication, at arousal ay magkakasama upang masiguro na ang sex, kahit na ito ay unang beses ay hindi masakit. 

Ligtas na Pakikipagtalik

Ang kalusugang sekswal at ang ligtas na pakikipagtalik ay mga salik din na ikokonsidera, lalo na kung unang beses na makipagtalik. Kabilang dito ang paggamit ng contraception, ano ang inaasahan sa pakikipagtalik, at kinakailangan na pakikipag-usap sa iyong partner bago makipagtalik.

Panatilihin na ligtas ang iyong sarili at protektado mula sa sexually transmitted infections (STIs) at hindi inaasahang pagbubuntis sa pamamagitan ng pagiging malay.

Birth Control

Kahit na ito ang iyong unang beses na makipagtalik, maaari ka pa ring mabuntis.

Makipag-usap sa iyong partner tungkol sa uri ng birth control na nais subukan, lalo na kung kinokonsiderang maging aktibo sexually.

Siguraduhin na makipag-usap sa iyong partner bago ang oportunidad at ang pagkakataon na maranasan ang first time makipag-sex. Hinahayaan nito na pareho kayong makapaghanda sa mga kailangan niyo. Ang contraception ay hindi lamang ginagamit upang maiwasan ang hindi inaasahang pagbubuntis, ngunit poprotektahan ka rin nito laban sa STIs.

Kung gagamitin nang tama, ang condoms, diaphragms, at dental dams ay maaaring makabawas sa banta ng karamihan sa STIs.

Ang condoms ang pinaka karaniwan at madaling mabiling contraceptives. Ipinapayo na maging pamilyar sa condoms bago first time makipag-sex upang maging komportable rito.

Kung hindi nais ng iyong partner na gumamit ng condom dahil hindi ito masarap para sa kanya, nasa sa iyo na pumili ng ibang alternatibo o magpatuloy sa pakikipagtalik. Sa kabila ng lahat, dapat na makaramdam ka ng kaligtasan at inirerespeto ka habang ginagawa ito.

Consent

Kung ikaw ay handa na sa unang beses na pakikipagtalik, siguraduhin na ito ay para sa iyong sariling dahilan, hindi dahil sa nararamdaman na pressure. Huwag gumawa ng mga bagay na hindi mo gustong gawin upang i-please ang ibang tao, o dahil ginagawa ito ng iyong mga kaibigan. Ang desisyon na ito ay dapat na sa iyo lamang.

Kailangan na sumang-ayon at maging masaya ang parehong mag-partner upang maging dapat ang consent. Ang pag-unawa at pagrespeto sa boundaries ng bawat isa ay bahagi ng consent.

Bukas na Komunikasyon

Ikaw at ang iyong partner ay kailangan na makipag-ugnayan sa bawat isa tungkol sa iyong nararamdaman bago ang first time makipag-sex. Walang dapat na magalit o mapilit sa paggawa ng kahit na anong bagay na hindi nais. Huwag matakot na maging tapat sa iyong partner tungkol sa nararamdaman. Kahit na anong mangyari, mayroon kang karapatan na ihinto ang pakikipagtalik kung mayroong bagay na hindi ka komportableng gawin.

Legal Age

Kung ang isang tao ay nasa ilalim ng legal age ng consent, ang pakikipagtalik sa kanila ay maaaring magkaroon ng hindi kanais-nais na consequences, kahit na sabihin nito na sila ay ayos lamang.

Key Takeaways

Ang pakikipagtalik sa unang beses ay malaking bagay. Kung ikaw man ay nasa bago o dating kapareha, mayroon palaging mga bagay na dapat na pag-usapan bago ang lahat.
Sa first time makipag-sex, maaaring makaranas ng sakit ngunit ang paggamit ng lubricant ay nakababawas ng sakit at discomfort. Sa pakikipagtalik nang unang beses siguraduhin na mayroon kayong bukas na ugnayan ng iyong partner tungkol sa contraception at sexually transmitted infections. Higit sa lahat, kailangan mong manatiling ligtas at inirerespeto bago, habang, at pagkatapos mangyari ito. 

Matuto pa tungkol sa Sekswal na Kalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Will I Bleed the First Time?, https://kidshealth.org/en/teens/bleeding-ft.html Accessed October 21, 2021

What happens the first time you have sex?, https://www.plannedparenthood.org/learn/teens/sex/virginity/what-happens-first-time-you-have-sex Accessed October 21, 2021

HAVING SEX FOR THE FIRST TIME, https://www.brook.org.uk/your-life/having-sex-for-the-first-time/ Accessed October 21, 2021

Thinking about having sex for the first time?, https://headspace.org.au/blog/thinking-about-having-sex-for-the-first-time/ Accessed October 21, 2021

THERE’S PAIN DURING SEX – AM I NORMAL?, https://healthcare.utah.edu/the-scope/shows.php?shows=0_5s1mmvsb Accessed October 21, 2021

First Time Having Sex, https://www.utep.edu/healthy-miner/Resources/first-time-having-sex-what-to-expect-and-prepare-for.html Accessed October 21, 2021

 

Kasalukuyang Version

01/23/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Iba't-ibang Uri Ng Contraception

Sex vs. Gender: Ano Ang Pagkakaiba Ng Dalawang Ito?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement