backup og meta

Epekto Ng Pandemic Sa Sex Life Ng Mga Mag-Asawa, Alamin Dito

Epekto Ng Pandemic Sa Sex Life Ng Mga Mag-Asawa, Alamin Dito

Malaki ang papel ng sex sa buhay ng mga mag-asawa. Bukod sa pleasure, maraming benepisyo ang sex sa relasyon, pati na rin sa kalusugan. Pero sa panahon ng pandemya, naapektuhan rin ba ang sex life ng mga mag-asawa? Ano ang epekto ng ng pandemic sa sex life nila?

Alamin natin sa artikulong ito.

Sex Life Ng Mag-Asawa, Nabiktima Rin Ng Pandemic

Naapektuhan ng pandemic ang halos lahat ng aspeto ng buhay. Mula sa simpleng pagbili sa tindahan, pati sa paraan ng pagtatrabaho ng mga tao. Kaya, hindi na rin nakapagtataka, kung kabilang ang sex life ng mag-asawa sa apektado.

Ayon kay Dr. Rica Cruz isang sexologist, ang report na mula sa POPCOM ay maaaring nagpapakita na ang  family planning ay gumagana talaga sa mag-asawa. Gayunpaman, ipinapakita rin na bumababa ang intimacy ng maraming couples dahil sa kawalan ng kasiguraduhan sa panahon ng pandemya.

Dagdag pa niya, isa sa epekto ng pandemic sa sex life ng mag-asawa ay pagkakaroon ng anxiety. Sapagkat sa panahong ito, nawawala sa pagka-normal ang buhay ng tao. At kaugnay nito, nagreresulta ito ng maraming isipin at problema para sa mag-asawa. Kaya naman, sa madaling sabi, kung marami kang dalahin at pasanin hindi mo maiisip na makipag-sex sa asawa mo.

Epekto Ng Pandemic Sa Sex Life Ng Mag-asawa

Ang mga pag-aaral mula sa buong mundo ay nagpapakita ng magkakatulad na kuwento. Ang mga isinagawang pananaliksik sa Turkey, Italy, India at US noong 2020 ay nagpapakita ng mababang pakikipag-sex sa kanilang kapareha. Ito ay direktang nauugnay sa lockdown dahil sa pandemic.

Kaugnay nito, mahalaga na maibalik ng mag-asawa ang intimacy sa kanilang relasyon, ayon na rin kay Dr. Rica Cruz. Kaya’t importante na malaman ang mga epekto ng pandemic sa sex life ng mag-asawa. Para alam natin kung paano ibabalik ang apoy at excitement sa pagkikipag-sex.

Stress

Ayon kay Justin Lehmiller, isang social psychologist, malaking bahagi ng hindi pakikipag-sex ang pagiging masyadong stress. Marami ang nakararanas ng health-related anxiety, financial insecurity at iba pang mga pagbabago sa buhay dahil sa pandemic. Ang stress na dulot ng mga factor na ito ay dahilan para tumanggi sa pakikipag-sex ang isang tao. Kung saan, isa ito sa napakalaking epekto ng pandemic sa sex life ng mag-asawa.

Ang Pagbaba Ng Pagnanasa

Habang mas nagiging mahirap ang buhay dahil sa pandemic, bumababa ang sexual desire ng isang tao. Dahil sa mga madalas na pag-aaway sa mga bagay na ‘di mapagkasunduan dahil sa pandemic. Imbes na pagmamahal at pagnanasa ang maramdamdan sa kapareha, galit at inis ang nararamdaman sa kanya. Isa ito sa masakit na epekto ng pandemic sa sex life ng mga mag-asawa.

Kawalan Ng Gana Sa Kapareha

Ayon na rin kay Rhonda Balzarini, isang social psychologist, maraming mag-asawa ang na-enjoy ang sex life nila sa simula ng lockdowns. Dahil dito, sa dalas ng kanilang intimacy noong simula ng lockdown, maaaring makaramdam ng pananawa ang isang tao. Sanhi para mawala ang excitement sa sex. Inilalarawan ito ni Lehmiller bilang “overexposure effect”, isa sa mga epekto ng pandemic sa sex life ng mag-asawa

Paano Maibabalik Ang Init At Excitement Ng Iyong Sex Life?

Ayon sa science maraming magandang epekto ang pakikipag-sex. Maaari nitong tanggaling ang stress, gawing mahimbing ang tulog mo. Pababain ang iyong blood pressure at palakasin ang boost ng iyong immunity. Dagdag pa ng sexual health expert, ang pagkakaroon ng masaya at malusog na sex life ay nakatutulong para maiwasan na magkasakit.

Ngayong alam mo na ang mga epekto ng pandemic sa sex life ng mag-asawa. Ito na ang panahon para alamin mo ang mga dapat gawin para maibalik ang masaya at malusog na sex life. Narito ang mga tip para manumbalik ang init sa iyong kapareha:

I-Date Ang Kapareha

Ang matagal na hindi paglabas dahil sa lockdowns at restrictions dahil sa pandemic ay nakasasakal at nakaka-stress. Kaya mainam na ayain ang kapareha na maglakad-lakad o mag-date sa mga hindi matatao na lugar. Para ma-refresh ang pag-iisip at ma-relieve ang stress.

Maganda na mag-date kayong mag-asawa na kayo lang! Walang kasamang bata para mas makapag-usap din kayo tungkol sa buhay. At sa mga personal na usapin tungkol sa buhay ninyo bilang mag-asawa sa gitna ng pandemic.

Mag-Explore Sa Isa’t Isa

Kung nanlalamig na kayo sa inyong relasyon, bakit hindi ninyo i-try maging adventurous! Mag-explore sa isa’t isa! Tanungin ang kapareha kung ano ang gusto gawin at subukan pagdating sa sex. 

Ayon na rin kay Dr. Rica Cruz ang sexual communication ay mas nakatutulong para makapag-enganyo ng init sa isa’t isa.

Panonood Ng Pelikula

Ang panonood ng pelikula na maaaring makapag-arouse sa bawat isa ay makatutulong para gawing exciting ang pakiramdam ng bawat isa. Mula sa napanood maaaring itanong sa kapareha ang sexual fantasies at desires.

Key Takeaways

Ang sex life ay hindi lamang tungkol sa pagnanasa o tawag ng laman. Ang sex life ay tumutulong para gawing mas matibay ang mga relasyon. Mahalaga na malaman ito para matugunan ang hindi magagandang epekto ng pandemic sa sex life ng mag-asawa. At maiwasan ang mga away at affairs dahil masaya sila sa isa’t isa pagdating sa pakikipag-sex. Kapag ang couples ay hindi masaya sa kanilang sex life sa asawa. Maaari itong humantong sa resentment o magkaroon ng naiipon na galit sa isa’t isa. Dahilan para i-reject ang asawa at manlamig sa kanilang relasyon.

Basahin ang tungkol sa Sekswal na Kaayusan dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How to bring back the fire in a relationship amid the pandemic, https://cnnphilippines.com/lifestyle/2022/2/14/how-to-bring-back-fire-intimacy-relationship-pandemic-.html?fbclid=IwAR202vo7rmk6eHPT42tL8X2BNTUREnIy3OOcX0sm0pZ-HkLw5v9E4Y4jaic, Accessed February 15, 2022

How the pandemic has changed our sex lives, https://www.bbc.com/worklife/article/20210419-how-the-pandemic-has-changed-our-sex-lives, Accessed February 15, 2022

The effects of COVID-19 on Sexual and Reproductive Health: A Case Study of Six Countries, https://reliefweb.int/report/world/effects-covid-19-sexual-and-reproductive-health-case-study-six-countries, Accessed February 15, 2022

Investigating stress, anxiety, social support and sex satisfaction on physical education and sports teachers during the COVID-19 pandemic, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S2405844021019630, Accessed February 15, 2022

Sexuality during the COVID-19 pandemic: The importance of Internet, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S1158136020301201, Accessed on February 15, 2022

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Iba't-ibang Uri Ng Contraception

Sex vs. Gender: Ano Ang Pagkakaiba Ng Dalawang Ito?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement