backup og meta

Mga Dapat Gawin Pagkatapos Ng Sex: Gabay Sa Personal Hygiene

Mga Dapat Gawin Pagkatapos Ng Sex: Gabay Sa Personal Hygiene

Ang pag-alam kung anong gagawin bago pagkatapos makipagsex ay mahalaga para kaligtasan at kalinisan. Ang pagpapraktis ng tamang paglilinis ay makatutulong para maiwasan ang mga problema, gaya ng impeksyon sa ihi, yeast o fungal infections. Nakatutulong din ito na mapababa ang risk ng mga impeksyon na nakukuha sa pakikipag-sex o STIs.

Sa tuwing pinag-uusapan ng mga tao ang tungkol sa personal hygiene, kadalasan ang iniisip ng mga tao ay tungkol lamang sa pagsisipilyo ng ngipin, pagligo, paggamit ng deodorant, atbp. Mayroon tayong tinatawag na sexual hygiene at napakahalaga nito para sa mga taong aktibo ang sex life.

Ang sexual hygiene ay tungkol sa pagpapanatili ng sarili na malinis at walang sakit bago, habang at pagkatapos makipagtalik. Hindi lang ito tungkol sa paggamit ng condom habang nakikipag-sex, kundi pati na rin ang habits at practices na kailangang gawin tuwing sila ay nakikipag-sex.

Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan.

Ang Kailangan Mong Gawin Bago Makipag-Sex:

1. Para manatiling ligtas, gumamit ng condom

mga dapat gawin pagkatapos magsex

Ang isa sa pinakamadali at pinakasimpleng paraan para manatiling safe ang pakikipag-sex ay ang paggamit ng condom. Ideally, dapat latex condom ito at hindi gawa sa natural materials.

Ang problema sa natural materials, hindi ito kasing tibay ng latex o polyurethane condoms. Dagdag pa rito, maaari silang masira ng lubricants o pampadulas. Ibig sabihin, maaari silang magkaroon ng small tears o mga butas, na pwedeng makapagpasa ng sakit o magresulta sa di inaasahang pagbubuntis.

Magandang ideya na laging itsek ang expiration date at siguraduhing maayos at lubricated ang condom bago ito gamitin.

Kung ikaw at ang iyong partner ay nagsasagawa ng anal sex, ipinapayong gumamit ng condom sa lahat ng oras. Makatutulong ito na mapababa ang risk ng impeksyon para sa’yo at sa iyong kapareha.

Siguraduhing walang STI ang iyong partner

Nakakailang itong pag-usapan, pero ang pakikipag-usap sa’yong partner tungkol sa mga sakit na nakukuha sa pakikipag-sex ay napakahalaga para sa sexual hygiene. Ito’y lalo na kung ikaw ay makikipag-sex sa isang tao sa unang pagkakataon.

Magiging magandang ideya ang paggamit ng condom o pag-engage sa iba pang anyo ng non-penetrative sex para mabawasan ang tyansang magkaroon ng impeksyon kung hindi ka sigurado sa’yong partner.

mga dapat gawin pagkatapos magsex

2. Maligo bago makipag-sex

Ang pakikipag-sex na biglaan at hindi planado ay mukhang maganda pero minsan, maaari itong magresulta sa ilang hygiene issues. Ito ang dahilan kung bakit ang pagligo o paghuhugas ng iyong ari gamit ang sabon at tubig ay mahalaga.

Hindi lang ito makatutulong na maiwasan ang infection, ito rin ay mabuting asal para masiguro na ikaw ay clean at fresh bago makipag-sex.

Narito Ang Mga Dapat Gawin Pagkatapos Magsex:

1. Umihi pagkatapos magsex

Ang pag-ihi pagkatapos makipag-sex ay karaniwang advice para sa tao. Sinasabi ng ilan na ang pag-ihi pagkatapos magsex ay nakatutulong na “linisin” ang iyong urinary tract o daanan ng ihi, ngunit walang ebidensya na sumusuporta dito.

Tandaan ang mga taong nagpipigil ng kanilang ihi ay mas madaling magkaroon ng UTI. Kaya magandang ideya ang pag-ihi pagkatapos magsex para sigurado kang walang laman ang iyong pantog.

mga dapat gawin pagkatapos magsex

2. Hugasan ang iyong ari pagkatapos

Makabubuti ang paghuhugas ng ari pagkatapos magsex. Ideally, dapat kang gumamit ng sabon at tubig para gawin ito. Hindi mo kailangang mag-scrub, siguraduhin lang na malinis ang iyong ari. Makakatulong ito sa pagbabawas ng posibilidad ng UTI, yeast infection, at fungal infection na maaari mong makuha.

Kung engage ka sa anal sex, magandang ideya na hugasan din ang iyong anus.

3. Kung gumagamit ka ng sex toys, siguraduhing linisin ang mga ito bago at pagkatapos gamitin

Gumagamit ang ilang mag-asawa ng sex toys para mas pagandahin ang kanilang sex life. Ang paggamit ng mga laruan ay nagdudulot ng saya at excitement sa pakikipag-sex, maaari din itong pagmulan ng impeksyon at sakit.

Kung ikaw o ang iyong kapareha ay gumagamit ng sex toys, siguraduhing panatilihing malinis at disinfected ang mga ito bago at pagkatapos gamitin. Ang sex toys ay maaaring maging lugar ng bakterya at iba pang mga nakakapinsalang parasites, kaya ang paglilinis ng mga ito ay maaaring makatulong na mapababa ang iyong risk ng impeksyon. Isa pa, ilayo ang mga ito sa mga bata at huwag ipagamit sa iba.

Karaniwang nagbibigay ang mga manufacturers ng cleaning instructions, kaya siguraduhing sundin nang maayos ang instructions. Magiging magandang ideya din na iwasan ang pagbili o paggamit ng mga laruan na hindi pa certified na ligtas para gamitin, o kaya’y pagbili ng sex toys na walang tatak at anumang impormasyon sa kaligtasan. Maaaring mas mura ang mga laruang ito, pero maaaring may harmful substances ang mga ito na puwedeng maka-irritate kapag ginamit.

Ang pagsunod sa mga hygiene tips ay makasisigurado sa’yo at sa partner mo na maging malusog at manatiling walang sakit.

Matuto pa tungkol sa Sexual Wellness dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How to Clean Up After Sex: From Your Body to the Bed, https://www.healthline.com/health/healthy-sex/clean-up-after-sex#body-hygiene, Accessed September 21, 2020

Safer Sex Guidelines | Johns Hopkins Medicine, https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/safer-sex-guidelines, Accessed September 21, 2020

Personal Hygiene | Sexual Health, https://sexualhealth.gov.mt/content/women/personal-hygiene-1, Accessed September 21, 2020

Hygiene practices and sexual activity associated with urinary tract infection in pregnant women, https://apps.who.int/iris/handle/10665/117613, Accessed September 21, 2020

Keeping your vagina clean and healthy – NHS, https://www.nhs.uk/live-well/sexual-health/keeping-your-vagina-clean-and-healthy/, Accessed September 21, 2020

5 sexual hygiene practices to follow | Femina.in, https://www.femina.in/relationships/love-sex/5-sexual-hygiene-practices-to-follow-16726.html, Accessed September 21, 2020

Kasalukuyang Version

04/23/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Iba't-ibang Uri Ng Contraception

Sex vs. Gender: Ano Ang Pagkakaiba Ng Dalawang Ito?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement