backup og meta

Maaari bang Maging Sanhi ng Cancer ang Chlamydia?

Marahil, ang mas masamang puwedeng mangyari sa mahawahan ng isang sakit ay ang mahawahan ng dalawa. Isa ito sa mga kinatatakutan ng mga taong nakararanas ng chlamydia. Bagaman hindi nakamamatay ang chlamydia, may isa pang sakit na mas malignant. Nakaka-cancer ba ang chlamydia?

Maaari bang Maging Sanhi ng Cancer ang Chlamydia?

Ano ang chlamydia?

Ang Chlamydia trachomatis ay isang pangkaraniwang sexually transmitted infection (STI) na dulot ng bacteria. Madalas itong nakukuha ng mga babae, anuman ang edad. Kung mapababayaan, maaaring mauwi sa mga seryosong problema sa kalusugan ang chlamydia. Pinakakaraniwang mga pathogen ng STIs ang  human papillomavirus (HPV) at chlamydia trachomatis. Nagpapataas ang mga ito ng panganib ng pagkabaog.

Ang impeksyong dulot ng chlamydia ay karaniwang walang senyales o sintomas sa mga unang yugto nito. Kadalasang mild lang ang mga sintomas nito kapag lumabas, kaya’t hindi napapansin. Masakit na pag-ihi, vaginal discharge sa babae, at discharge sa titi ng mga lalaki ay ilan lamang sa mga sintomas. Masakit na pakikipagtalik para sa mga babae, pagdurugo sa pagitan ng period at matapos makipagtalik. Testicular pain naman sa lalaki ang iba pang mga sintomas nito.

Nakaka-cancer ba ang chlamydia?

Isang meta-analysis ang isinagawa noong 2016 upang matukoy kung nakapagpapataas ba ng panganib ng cervical cancer sa mga babae ang Chlamydia trachomatis. Lumabas sa meta-analysis na ito na ang mga taong may chlamydia trachomatis ay may mataas na panganib ng pagkakaroon ng cervical cancer.

Dagdag pa, naitalang kailangang i-expand ang Chlamydia trachomatis infection screening at gamutin ang mga babaeng may sakit na ito sa tamang oras. Hindi lamang napoprotektahan ng dulog na ito ang babae laban sa pelvic inflammatory disease at pagkabaog, posible ring mapababa ang insidente ng cervical cancer. 

Sa pag-aaral noong 2014, nakita ang posibleng koneksyon sa pagitan ng Chlamydia trachomatis infection at HPV infection. Mahalaga ang impeksyon ng high-risk HPV sa paraan ng development ng invasive cervical cancer. Sinabi ng ilang epidemiological na pag-aaral na may positibong ugnayan ang  Chlamydia trachomatis at HPV-related cervical neoplastic lesions at/o cervical cancer. Gayunpaman, hindi pa rin lubos na nalilinaw ang tiyak na gampanin ng bacterium na ito sa development ng cervical neoplasia. 

Chlamydia pneumoniae at lung cancer

Ang Chlamydia pneumoniae ay isang uri ng bacteria na nagdudulot ng mga respiratory tract infection. Nagiging sanhi ang bacterium na ito upang magkasakit ang mga tao sa pamamagitan ng pagpinsala sa lining ng respiratory tract kabilang na ang lalamunan, windpipe, at baga. Itong uri ng chlamydia na ito ay kumakalat kapag umubo o bumahing ng maliliit na respiratory droplets ang tao na may bacteria. Pareho ito sa kung paano kumalat ang COVID-19. 

 Sinasabing nagdudulot ng lung cancer ang Chlamydia pneumoniae. May mga pag-aaral na isinagawa noong 2005 na nakapagtala ng koneksyon sa pagitan ng bacteria at cancer. Maaaring kabilang sa development ng cancer ang pamamagang dulot ng matagal na impeksyon ng Chlamydia pneumoniae.

Key Takeaways

Matagal nang kinatatakutan ang mga sexually transmitted infection tulad ng chlamydia na nauuwi sa mas seryosong mga kondisyon tulad ng cervical cancer. Karaniwang naaapektuhan ng Chlamydia pneumoniae ang mga babae at puwedeng lumala kung hindi magagamot. Lumabas sa mga pag-aaral na ang mga taong may Chlamydia pneumoniae ay mas malapit sa panganib na magkaroon ng cervical cancer.

Ang Chlamydia pneumoniae ay isang uri ng bacteria na may kaugnayan sa chlamydia na nagdudulot ng mga respiratory tract infection.Napipinsala nito ang lining ng respiratory tract, kabilang na ang windpipe, lalamunan at baga. Kumalakat ang bacterium na ito kapag umuubo o bumabahing ang tao. Sinasabing sanhi ito ng lung cancer, ngunit kailangan pa ng dagdag na pag-aaral bago ito matiyak. 

Para sa dagdag na kaalaman tungkol sa Chlamydia, basahin ‘yan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Genital herpes: Symptoms and causes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/genital-herpes/symptoms-causes/syc-20356161, Accessed January 25, 2022

Chlamydia pneumoniae: Causes, How it Spreads, and People at Increased Risk  https://www.cdc.gov/pneumonia/atypical/cpneumoniae/about/causes.html#:~:text=Chlamydia%20pneumoniae%20is%20a%20type,have%20mild%20or%20no%20symptoms., Accessed January 25, 2022

Chlamydia pneumoniae and Lung Cancer: Epidemiologic Evidence,

https://cebp.aacrjournals.org/content/14/4/773.short, Accessed January 25, 2022

Chlamydia Trachomatis Infection-Associated Risk of Cervical Cancer: A Meta-Analysis

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4998531/, Accessed January 25, 2022

Chlamydia trachomatis infection: implications for HPV status and cervical cancer,

https://link.springer.com/article/10.1007/s00404-013-3122-3, Accessed January 25, 2022

 

Kasalukuyang Version

02/26/2026

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Nagagamot Ba Ang Chlamydia? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Sanhi Ng Chlamydia, Anu-ano Ang Mga Ito?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas